PT. 1: Introducing Leigh Keihzza Belmonte

8.3K 738 93
                                    

Keihzza's POV

Ininat ko ang aking mga braso para e stretched ang mga sakit ko sa muscles. Kagigising ko lang at talagang malagkit ang mga mata ko. Shudii, gusto ko pa talaga matulog pero ngayon ang first day ng school year kaya hindi pwede umabsent at baka makaaway ko na naman ang mga uliran kong guro na may ayaw talaga sakin.

Speaking of, first day in school... Anong oras na ba? Inabot ko ang orasan mula sa bedside table habang kinukusot ko rin ang aking mga mata para makaaninag ng maayos. Umupo ako at sinilip ang oras.

"Walanghiyaaaa! Alas syete na ampotaa! Fuck, mala-late na ako!" sunod-sunod kong pagmura nang mapagtanto ang oras. Patalon na umalis ako sa kama at nagmamadali na nagpunta sa banyo. Yawa, trenta minutos nalang ang natitira sa'kin at magsisimula na 'yung klase!

Nagmamadali ako sa pag basa ng aking buhok, iningudngod ko ang aking ulo sa sink at doon ito binasa. Nag shampoo ako para hindi halata na hindi ako naligo. At habang nag shampoo ako ay nag toothbrush din ako. Nang matapos ako sa banyo ay mabilis akong lumabas at hinanap ang blower. Hindi ko na maisip kung ilang segundo lko lang bino-blow dry ang buhok ko basta nang mahawakan ko lang ang blower ay natapos na ako agad.

Isinilid ko ang aking uniporme sa bag at nagbihis ako ng p.e uniform dahil mag mo-motor ako papunta sa eskwelahan. Hindi naman maaari na mag palda ako habang naka motor. Takneneng kase, bakit napaka-late kong nagising?

Nagsuklay ako ako saglit bago lumabas ng kuwarto na naka tsinelas lang. Nakasalubong ko pa si yaya na kakatok pa lang sana sa kuwarto ko. "Good morning, Yaya Mildred." nagmamadali kong pagbati at saka siya iniwanan doon. Tumakbo ako pababa sa hagdan at dire-diretso na nagtungo sa kusina para kunin ang nakahandang lunch box.

"Keihzza, ano 'yang suot mo?" dinig kong tanong sakin ni Mom nang maabutan ako sa kusina.

Napangisi ako ng pilit, "P.E uniform po."

Tas napansin ko ang mga mata niyang dumadausdos mula ulo ko hanggang paa. Tiyaka siya namewang. "P.E? Hindi ba't first day ngayon ng klase? Bakit ka naka P.E uniform? At ano 'yang tsinelas?"

Napakamot ako sa aking batok, "Mom, mag mo-motor po ako papunta sa school. Hindi pwede na magpalda ako dahil baka liparin." Rason ko sa kanya at, "Sige na, mom. Aalis na ako, mamaya na tayo mag-usap okay?" tiyaka ko siya nagmamadali na hinalikan sa pisngi.

"Hep-hep! Stop right there, Keihzza. Hindi pa tayo tapos." papaalis na ako eh! Pero nang tinawag niya ako ay awtomatikong napapa break a leg ang mga binti ko. Ala de kotse style sa pag tamak ng brake.

Nilingon ko siya nang may nangangambang ekspresyon sa mukha, "Mom, mala-late na ako. Mamaya niyo nalang ako pagalitan." at dahil nga ayoko sanang mag cause ng commotion sa unang araw ng klase ay pumaharurot ako paalis ng bahay. "Sorry, mom!" pahabol ko bago tuloyang umalis.

Nang dumating pa ako sa national road ay mas lalo pa akong nangalumbaba dahil sa dami ng sasakyan na kinailangan kong daanan. "Pagka-sinuswerte ka nga naman, Keihzza. Isa ka talagang kawawang bata na dinalaw ng malas sa una mong araw sa eskwela." bulalas ko sa aking sarili habang teni-testing ko ang clutch at brakes kung kaya ba lumusot. Nang matingnan na ayus na, saka ako nagsimulang mag pass over, u-turn, at overlaps. Nakasuot naman ako ng hellmet at peke rin ang numero sa aking motor at kung sakali man na magka-problema ulit sa driving skills ko ay hindi ako agad matukoy.

"Hoy, bata! Mag dahan-dahan ka lang!"

"Ineng, mag ingat ka sa pagpapatakbo mo! Delikado!"

"Jusmeyo, anong klase kang driver huh? Papatayin mo ba kami sa nerbyus!"

Arrange Marriage With The Gangster's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon