PT 20: Third wheeler

1.2K 470 17
                                    

Drake's POV

When I was about to bombard the door of the bathroom again, I was stopped midway when the door suddenly opened and it spit Keihzza with just a towel on!

How could this lady ramp herself with just a towel covering her body?

Hindi ba siya nahihiya o na conscious man lang that there's a man with her in the room na kailangan niya ring maging delikadesa?

For Pete's sake, nakita ko lang naman ang cleavage niya at ang... c-collarbone niya.

Her natural cream skin ignites her beauty kahit na mamula-mula ito ng dahil sa rashes, and her perfect body being wrapped with a towel showcases how much of a confident woman she is.

Idadag pa ang nakapungos niyang buhok gamit ang tuwalya at ang kaniyang mukha na walang bahid na anumang kulay ng kolorete.

Ngayon ko lang tuloy natutunan na mag appreciate ng ganda na walang kaakibat na make up.

Geez, I don't know why I'm thinking this way. Pero sa simpleng sulyap ko lang sa kaniya kanina, tiyaka yung long legs niya, I can say that they are beautiful and attractive.

Mukha siyang hindi bente. I mean, I'm not certain with her age, pero dahil nasa third year college siya, I think nasa twenty siya.

Ipinilig ko ang aking ulo at ginising ang sarili mula sa malalimang pag-iisip.

I have to stop fantasizing about her. This isn't right.

Ngayon ko lang nalaman na nandito pa rin pala ako sa harap ng banyo at nakatayo. How long was I standing here? Mariin akong napapasuklay sa aking buhok at napapabuntong hininga muna, bago nag desisyon na pumanhik sa living area.

However, paalis na sana ako nang bumungad na naman siya sa harapan ko. Halos mahigit ko ang aking hininga nang una kong matagpuan ang walang ka ekspre-ekspresyon niyang mga mata. Pero halata na madilim at matalas ang tingin sa'kin.

Kulang na lang talaga na mapatalon ako, at ilang segundo ko pang nadama ang pagpigil sa sariling paghinga. Samantalang unti-unti kong sinulyapan ang kaniyang kabuoan.

Mabuti naman at desente na siyang nakadamit. Saka lang din ako nakahinga ng maluwang.

Tiyaka, bakit ba siya nanggugulat ng ganito?

"M-May kailangan ka?" Medyo nautal pa ako dahil pababa pa lang naman ako sa paglakagulantang.

She just arched her brow and crossed her arms in her chest. Well, speaking of that part...

Her size is just average. But okay naman. No offense.

"You're blocking the way. Lalabas ako." And the way she spoke, wala rin talagang bago. She's still Keihzza from the first day I met her. Tho, she looked cool and I kind of liked this side of her bit by bit.

"Ahh... I didn't notice." Tumabi na lamang ako sa daraanan niya at hinatid siya sa pamamagitanan ng paningin. She's wearing the soft pajama pair I brought. I just know that it's best for people na may allergies ang pagsusuot ng mga malalambot na tela, nang sa gano'n ay hindi makakapagpa trigger ng marami pang rashes kagaya ng maiinit at makakapal na tela.

How did I know? About that, I have a childhood best friend who had the same type of allergies like Keihzza.

Kapag masyadong mainit, at todo sa pag tagaktak ng pawis hanggang sa matuyuan ay mag cause iyon ng rashes. Para bang allergic sa init.

In regards to what happened earlier, I was worried na baka namatay na siya kakababad sa sarili niya sa banyo. Papaano ako naging certain na nando'n siya? Simple, wala naman kasing bakas na umalis siya, at sa estado niya, malayong iwanan niya ang banyo kung gayo'ng lamig ng tubig ang kailangan niya para palamigin ang katawan niya.

Arrange Marriage With The Gangster's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon