PT. 7: Switched

109 46 1
                                    

Drake's POV

Pagka-labas ko ng hospital ay saka ko lang binunot ang cellphone sa bulsa ko. Pero gayo'n nalang ang pagkagulat ko dahil hindi ko pag-aari ang cellphone na dala ngayon.

Napapakamot nalang ako sa aking batok bago umalis at nagpunta sa patient's park ng hospital saka naupo sa bench. Binuksan ko ang kaniyang cellphone at bumungad agad sa'kin ang picture niyang naka-hoodie at naka-pants habang nasa airport siya. Naka-maskara din siya ng itim at may nakapaskil na headset sa tenga at ang isang kamay ay nakapaloob sa isang bulsa niya habang ang isa ay nakahawat sa string ng backpack niya. Kahit may maskara siya ay nagawa ko pa rin siyang namukhaan dahil sa mata at poise na mala-tomboy pero cool naman siya kahit papaano.

Hindi ko nalang namamalayan na ngumingiti na pala ako. Why am I even smiling? Wala namang katuwa-tuwa sa kaniya. Pinilig ko nalang ang aking ulo tiyaka ini-swipe iyon para bumukas. Buti nalang ay wala siyang lock screen password.

At malay ko ba kung bakit sa gallery ako napadpad. Nakita ko ang iilan lang ang laman no'n. Kadalasan ay mga scapes at scenery lang nakikita ko. Maybe she's also into photography? Maganda naman kasi talaga ang mga shots niya. May isa pa akong nagustohan, itong libro na naka-buklat na libro tapos may headset niya. Ang ambiance ay parang nasa sunset.

Sa kasunod na pahina no'n, ay tumambad sa paningin ko ang video clip. Kagaya ng hinala ko ay sumalubong sa'kin ang libro na may headset sa ibabaw ng lap niya at ang mga paa niya, may kape rin at sa hulihan ay magandang view ng sunset. Para bang nasa bukid siya dahil sa ganda ng lokasyon. Anong ginagawa niya dito?

Sandali, bakit naman ako nakuryuso? Hayaan na nga. Kahit litrato niya dito sa gallery niya ay wala akong makita eh. Tao pa ba siya?

Napabuntong-hininga nalang ako at nilubayan ang gallery niya. Kahit FB, IG, at Twight app ay wala man lang siya. Ano kaya ang ginagawa niya sa cellphone niya?

Sandali, install ko nga ng FB. Gawan ko na rin. Pero papaano kung magagalit siya? Ang boring naman ng buhay niya. Hindi man lang ba siya marunong lumandi? Kaya pala ang sungit. Psh!

Dahil nabuburo nga ako, at habang naghihintay ay ginawan ko siya ng FakeBook. At dahil nga ang social na media na ito ay fake, itinago ko ang pangalan niya sa unique na kulay ng mata niya. 'Red'

Saktong natapos ako ay napansin ko ang Mommy ko na lumabas ng hospital, kasama ang Lolo at Mommy niya. Napa-ingos ako na tumalikod sa gawi nila para hindi ako mapansin.

Gamit ang FB na ginawa ko para sa kaniya ay nag send ako ng mensahe. "Kamusta ka diyan? Nakita ko na silang umalis sa hospital. Babalikan ba kita?" at para makasigurado na matanggap niya ang mensahe ko ay gamit mismo ng cell number niya ay nag message din ako sa numero ko na naiwan doon sa bed side table niya.

Saka lang ako tumayo at nagpunta sa kalapit na milktea station. Ibibili ko na rin ng malamig na inumin, baka sakaling lumamig ang ulo niya. Mukha pa naman 'yung galit palagi.

Keihzza's POV

Nang maka-alis na sila at narinig ang pag-sarado ng pintuan ay saka ko lang nilingon ang pinanggalingan nila. Sa kabila ng pagkukulang nila at galit ko para sa kanila ay hindi ko pa rin maiwasan na makonsensya. Pero tama naman 'yung ginawa ko. Mas magiging komplikado ang buhay ko, kung papayagan ko silang kontrolin ang buhay ko. Ayoko na bumalik sa pagiging mahinang bata, nanggaling na ako doon at alam ko ang pakiramdam na parang araw-araw nalang na sinisisi ka sa lahat ng kamalasan na dumadagsa sa kanila.

Magpa-hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang mga paninigaw nila sa'kin. Buwesit ako. Malas ako. Sana ako nalang daw ang namatay at hindi si Reign. Sana hindi nila ako naging anak.

Arrange Marriage With The Gangster's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon