PT. 5: Hello Danger!

134 51 5
                                    

Drake's POV

Natataranta ako nang makita ko ang ginawa niya. That was not an ordinary move! Binalibag niya ang maskulado at maraming tattoo na lalaking 'yun at sa payat niyang 'to?! Who would believe?!

Ni hindi ko nga kayang paniwalaan. Now, I am trying to pull her and convince her to run and never mind them.

"Hindi ako marunong, hayaan mo na 'yan. Let's just go and escape!" Hinawakan ko siya sa siko para awatin pero hinaklit lang niya 'yun at dahil sa ginawa niyang 'yun ay napaatras ako dahil na rin sa pwersa. Nakakapanginig ng tuhod at mararamdaman mo nalang na para ka niyang alipin.

"I told you to stay back, did I?" her voice was like the temperature of the breeze. No emotion but blankness.

Hindi na ako nakaka-catch up sa kanya dahil nilapitan na niya 'yung apat. Napakagat-labi ako problemadong naghahanap ng ibang tao sa paligid na maaari naming mahingan ng tulong.

But I see no one but silence. Kami lang ang tao na naririto.

"Anong pakay ninyu at bakit nangengealam kayo sa'min ng kasama ko?" dinig kong pamgingilatis ni Keihzza sa mga lalake. She let her bag fall down on the ground at ako naman ay nagmamadali na pinulot 'yun.

"Alam mo, Miss. Hindi kami papatol sa Babae. And what you did was quite impressive, nais lang namin ang bank cards niyo." Maangas at makalokong saad ng isa sa apat. Bumangon ang kaninang pinatumba ni Keihzza at nasa likod niya ito ngayon. Umaaray pa rin. So, narinig nito ang pinag-uusapan namin kanina tungkol sa pera?

Her laughter ignites the silent pace, "Really? So you're asking us to surrender our cards?" she was amused. I can tell. And she's like a different person now, a kind of b'tch who doesn't bend in her prideful principles.

Goodness, I wanna stop her but she doesn't want me to bother. Natatakot din ako na baka sa'kin lilipat ang galit niya. Unang kita ko pa lang sa kanya kanina ay nahihimigan ko ng ibang tao siya. She's sensitively obsessed with peace and that noises could make her lose her cool.

"Kind of, para wala ng gulo. Hindi ba?" at dahil nga mukhang gangsters itong nakasalamuha namin ay nakikisabay din sa momentum ng gulo na kanilang sinimulan. Actually, hindi naman talaga kami aabot sa ganito kung hindi sila sumulpot sa haponan namin.

Haponan pa nga ba ngayon? Napatingin ako sa aking relo at halos lumuwa na ang aking mga mata nang makita na alas dose na!

"You got to be kidding me, Punks. Sinong matinong tao ang magbibigay sa inyu ng cards na may lamang bilyon?" I can now imagine her brow arching in irritation as she mocked them like the way she does.

Tumawa silang lahat, 'yung uri ng tawa na masakit sa tenga at nakakairita. Mariin akong napapakagat sa aking labi habang hindi na mapapakali sa aking kinatatayuan.

"Paano ba 'yan, wala kaming choice kundi--" hindi na nakatuloy sa kanyang sinabi ang lalake dahil mabilis na hinampas siya ni Keihzza ng silya na nagpapaawang ng bibig ko.

"Puro ka kuda. Kunin niyo kung kaya niyo!" Asik niya at tinadyakan ang isang lalake na malapit sa kanya. Napangiwi pa ako nang may makita akong papalapit na suntok na kanya rin namang nailagan at nahuli ang braso nito na walang kahirap-hirap niyang binalibag at tinapon doon sa dalawa.

May isa pang paparating at inakala ko talaga ay matatamaan si Keihzza ng magkasunod na sipa at suntok mula nito nang bigla siya mag javeline tumbling sa ere. Napaatras ako sa aking kinatatayuan nang tumilapon sa kinaroroonan ko ang lalakeng sinipa niya sa mukha. I think part of his jaw just got dislocated. Hindi niya ito pinagtuonan ng pansin at pinagkaabalahan ang iba na pinagsasapak niya ng walang kupas. May pagkakataon pa na napapagulong at napapadapa siya sa lupa para lang maiwasan ang mga atake na mahirap ilagan lalo na't ayaw niyang umatras. Hindi ko na masyado pang nasundan ang mga kilos niya dahil sa sobrang bilis. May isa pa siyang siniko sa dibdib habang nakatalikod at mabilis na nilingon upang bigyan ng mag-asawang sampal at isang nakakabinging suntok sa tiyan.

Arrange Marriage With The Gangster's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon