Keihzza's POV
Gabi na ng makauwi kami sa penthouse ko. Diretso ang punta ko sa kusina, samantalang si Drake ay diretso sa kuwarto niya. Nagpaalam na magbihis na siyang ipinagkibit-balikat ko na lamang.
Like, hindi niya naman kailangan magpaalam sa'kin. We're not a thing and aside from that, nasa bahay ko lang naman kami. Hindi niya naman kailangan magpaalam.
I just shook my head as I sipped the water I poured in the glass a while ago.
Paakyat ako sa hagdanan patungo sa aking silid nang hindi sinasadyang magkasalubong ang mga mata namin.
At first, I was stunned because of the way he looked at me, it was as if he wanted something from me. Cringe. Pero dahil hindi ako yung taong nagpapakasasa sa imahinasyon, at agad kong napaalalahanan ang sarili tungkol sa kasalukuyan.
Pinagtaasan ko siya ng kilay.
Awkward naman siyang umiwas ng tingin, sabay kamot sa sarili niyang batok. Animo'y may sasabihin, ngunit nahihiya lamang.
"What is it?" Diretso kong sagot.
Muli siyang napatingin sa'kin, kapagkuwan ay lumapit sa'kin. Dalawang malalaking hakbang ang distansya sa pagitan naming dalawa.
"We have not eaten dinner yet." Sambit niya.
Napapa 'O' ako saglit, bilang reaksyon. Ipinamulsa ko ang mga kamay ko at mataman siyang tiningnan. Diretso sa mata. He does the same way, pero hindi niya natatagalan ang mga titig ko, kaya napapaiwas siya minsan.
"Ikaw na magluto. Kompleto naman ang mga rekado tiyaka marami ding stocks sa refrigerator. You can choose whatever you want to cook." Honestly, hindi pa ako gutom. Ngayon, I'm only seeking rest kaya gusto ko na umakyat talaga sa taas at maramdaman ang aking kama.
I was about to turn my back and left to go to my room, nang biglaan ko na lang naramdaman ang kamay niya sa palapulsohan ko.
Stopping me.
"Oh, bakit?" I don't know if I was arrogant or so, pero ganito talaga ako makipag usap sa tao.
I can sense the sourness of his face, maging ang pag ngiwi niya dahil sa pagkakailang.
Teka, ano ba ang ikinaka-ilang niya?
"I don't know how to cook..." Bulalas niya na ikinalaglag ng aking panga.
Doomed.
So, ang ibig sabihin nito ay ako pa ang magluluto?
Galing!
Siya na nga lang ang nakikitira sa'kin, ako pa ang magsisilbi sa kaniya? Wow!
Well, nevermind. Instead of throwing tantrums, I'll just have to serve him and finish all the stuff para walang ingay at makapagpahinga naman na ako.
"Is that so?" Sagot ko, sinasakyan ang mood niya.
He just shook his head. Like a freaking kid who's asking for his favorite lollipop. And in return, his mother told him to behave himself. Like a fvcking deal.
Napabuntong hininga ako saka muling napapababa sa dalawang angkla ng hagdanan at tahimik na nagtungo sa kusina.
"Are you mad?" Bigla niyang tanong, nasa refrigerator ako at nagtitingin-tingin kung ano ang magandang lutuin. Yung convenient at madali lang.
"Mad? Why would I be mad?" Pabalik kong tanong nang walang lingon-lingon.
"It's because of your aura, parang galit palagi. Kaya nasabi ko. Sorry." Napatigil ako saglit at hindi makapaniwala ko siyang tiningnan.
BINABASA MO ANG
Arrange Marriage With The Gangster's Empress
AzioneAng maikasal sa isang tao na hindi mo kilala at kaano-ano kapalit lang ng pagpapaalis sa taong importante sayo ay isang bagay na kinakailangan gawin ni Keihzza upang maibsan ang alalahanin patungkol sa maitim na organisasyon. May sakit ang kanyang...