2

14.6K 407 16
                                    


Darly POV

Mabilis ang hakbang ko pagtaas sa hagdan habang nakahawak sa aking bestida.

Kanina pa ako kinakabahan dahil kakausapin ko ang boss. Hindi naman ako ganito sa mga Pinag aaplyan ko ng trabaho noon.

Nang makarating ako sa floor na iyon ay tahimik ang buong hallway. May iilan na silid rito pero sabi ay sa pinaka hulihan raw ang opisina ni Aurora.

Maganda ang disenyo ng bahay dito sa itaas para ngang Reyna ang nakatira dahil rin sa paintings. Ngunit hindi naman sobrang ginto ang mga gamit ang iba ay kahoy rin kaya mas gumanda ito. Itim nga ang mga pader dito sa itaas.

Nang nasa harapan nako ng isang Brown na Pinto ay kumatok ako ng dalwang beses. Hindi ako umimik at hinintay ko lamang ang Pag Papasok nito sakin.

"Come" tipid na sabi ng Isang Seryosong tinig. Malamig ang boses niya panglalaki at pambabae.

Unti unti kong binuksan ang pinto at Sumilip. Naramdaman ko ang malamig na hangin sa loob ng Opisina at saka dahan dahan pumasok...

Puno ng libro ang Opisina at Old style parin kahit hanggang dito. Brown and black ang mga kulay. Kahoy rin ang lamesa pero May upuan na swivel chair kung saan siya nakaupo.

Madilim sa Pwesto niya kung kaya't hindi ko siya maaninag. Nanatili akong nakatayo rito bukas ang Balcony niya at maaraw sa labas kaya madilim ang repleksiyon niya saakin.

May mga baso ng alak at may sigarilyo siyang hinihithit. Binaba nito ang Libro at salamin niya sa mata bago uminom ng alak sa baso at Umangat ang tingin sakin..

"Darly, right?" Tipid niyang tanong.

Sa tuwing magsasalita siya ay parang may bayad ito...

Tumango lang ako Bago niya kinuha ang isang papel sa lamesa at sumandal sa swivel chair. Binasa niya ang nakalagay doon at siguro ay mga impormasyon ko.

Mahigpit lamang akong nakahawak sa aking daliri at hinihintay ang sasabihin niya. Hindi ko kaya ang presensya niya nakakatakot Siya..

"So, why did you apply for being maid?" Tanong niya at binaba ang hawak bago tumingin sakin at nagsimulang magsigarilyo ulit.

"U-uhm...ano po kasi. Kailangan ko ng Pera" nagpilit ako ng ngiti dahil alam kong nakikita niya ako. Talagang direct to the point na ang sagot ko rito...

Sakin kasi nakatutok ang araw. Maaga pa naman kaya ganon. Ngunit hindi parin ako umaalis sa pwesto.

"Money for what?" Nagtaas siya ng kilay ramdam ko yon.

"Para po sakin." Tipid kong sagot.

Ako lang naman ang naiwan sa angkan namin. Patay na sila mama at papa. Ewan ko lang sa mga pinsan ko sa ibang lugar. Hindi rin naman kami mayaman. Wala rin akong kapatid.

"Single?" Tanong niya sakin habang Nakatitig Lamang sakin.

Bakit niya naman natanong?

Natigilan ako at unti unting tumango. Totoo namn iyon. Siguro ay hindi naisama sa impormasyon ko iyon pero kahit na. Lagi namn akong single.

"Good, you start your Job tomorrow morning. First, only clean my Office." Sabi niya at bigla siyang tumayo bago nakapamulsa.

Binaba niya ang sigarilyo at uminom ulit ng alak. Unti unti siyang lumapit sakin kaya napaatras ako hanggang sa  naramdaman kona ang pader.

Ngayon ay nakikita kona ang Personal na Itsura niya. Wala kang maipipintas maganda siya at matangkad. Nasa 5'6 lang ako kaya napatingala ako sakanya bago lumunok.

"Is there a times that you can't even utter any words?" Tanong nito habang Nakapamulsa parin.

Formal ang suot niya habang ang sa itaas naman at maka sando ng puti at natatakpan rin iyon ng blazer. Mamahalin ang mga ito kaya mas bumagay sakanya.

"I'm talking, woman" sabi niya at ramdam ko ang pagka irita nito.

"A-h. Hindi naman po. Kinakabahan lang" ngumiti ako sakanya at umiwas agad ng tingin.

Gusto konang lumayas kanina pa. Hirap na hirap ako rito dahil sa presensya niya. Hindi na siguro pangkaraniwang bagay ito...nakakakaba siya.

"Good. Next time, fasten Your answers if i question you. I hate waiting or you'll be fired." Sabi nito kaya mabilis akong tumango.

Tumahimik siya at tinitigan ako mula ulo hanggang Paa. Tumigil ang mata nito sa aking hinaharap kaya kunwari ko iyong kinamot at tinakpan.

Mabilis na naasar ito bago binuksan ang pinto. Lumabas ako bago siya at gumilid ng daan dahil nakakahiya naman makisabay rito kaya binagalan ko.

Nauna itong bumaba ng hagdan kaya ang ibang mga katulong ay napatingin sakanya. Bigla nalang rin may lumapit na lalaki na naka formal suit at nakisabay sakanya sa pag lalakad. Siguro ay butler iyon...

Nag usap sila sa sala at parehong umupo ng magkaharap. Napansin korin ang pagdating ng dalwang babae. Ang isa ay May sexy dress habang ay isa ay naka pormal rin.

"Aurora..."bati ng nakapula bago humalik sa pisngi nito at Seryosong Tumingin lamang si Aurora dito.

"Bakit hindi ka tumungo sa party ni Cezin?" Maarteng sabi nito at umupo sa sofa ang isa naman ay nasa tabi niya na.

Hindi na ako nanatili doon dahil nakakahiya. Siguro ay mga kaibigan niya ito. Kaya mabilis akong tumungo sa Likod na pinto...

"Hey, woman..."ani ng isa sa mga kasama ni Aurora.

Tumigil ako at sinigurado ko kung ako yon at nagtama ang paningin namin ng babaeng naka Pormal ang suot.

Tumayo ito at kapansin pansin ang pagkakapareho nila ng tangkad ni Aurora. May ngisi ito sa labi bago tumingin sa buong katawan ko..

Nakaramdam ako ng takot dahil kahit pa babae ito ay hindi ako komportable. Hindi naman ako ganito titigan ni Aurora kanina. Parang nabastos ako sa paraan ng Titig nito.

"Don't try me, Escobar" si Aurora iyon sa malamig na tinig.

Mabilis na nagtaas ng dalwang kamay ang babaeng kamag anak ni Aurora dahil Escobar rin ito.

"Why not, Aurora? Ur new maid seems So Scared of me..." Sabi nito at tumingin sakin ulit.

"May kailangan po kayo??" Tanong ko nalang habang nakatitig sakanya.

"Yeah...your body--"

"Shut up, Escobar. And you maid! Get out of here!" Galit na sabi ni Aurora kaya nanlaki ang mga mata ko.

Tumango ako at mabilis na umalis habang hawak hawak ang dibdib. Buti nalang ay nakaalis nako roon kahit pa May takot dahil nakita ko ang panlilisik ng mga mata niya.

"Sana hindi na maulit yon" bulong ko

_

Vote

Aurora Escobar's Maid Where stories live. Discover now