7

10.7K 298 15
                                    

Sumunod lamang si Darly sakanila at pumasok sila sa elevator at napatingin siya kay Cora na nakatingin lamang sa cellphone nito at panay ang tipa.

"Sinong makakalaban mo, Aurora? Akala koba hindi ka sasabak?"  Tanong ni Cora pero hindi sumagot si Aurora..

Seryosong bumaling si Aurora sakanya nang magtama ang paningin nila sa salamin, Lumapit ito kaya agad siyang umusog dahil Pipindot ito ng floor. Pagkatapos non ay hinila siya sa bewang na kinagulat niya.

Sumandal ito sa likod habang hawak parin ang bewang niya. Wala naman imik si Cora sa nakita at umirap lamang. Sa sobrang kaba ni darly ay humarap siya kay Aurora na nagtaas ng kilay...

Umiling siya rito at lumayo ngunit natigilan siya ng bumukas na ang floor at hinila siya nito muli gamit sa bewang at mahigpit na humawak roon.

Sumunod si Cora sa likod na pakembot kembot naman ang lakad at napatingin tuloy Sakanila ang mga tao.

Maganda ang lugar at elegante. Kitang kita ang mga nagkakarera sa baba at ang crowd place na wala pang mga tao. Meron rin sofa at lamesa at mga mga mamahaling mga alak na naka display sa mini bar.

May mga Ilang TV rin kung saan nakikita ang ginawa sa baba ng mga nagkakarera kung ayaw mong manuod sa labas para mas malapitan na.

"Aurora, Nice to see you again here.." sabi ng babae at maiksi ang kasuotan ang lumapit sakanila. Sumunod rin ang iilang lalaki na normal lang ang ayos.

Tumango si Aurora at nakipag handshake sa mga lalaki na halatang kilala nila ang isa't isa. Mga tatlong lalaki sila at may babae pa sa sofa na umiinom ng alak at naka leather jacket na pula habang nakatingin lamang sakanila.

"And who's this beautiful woman?" Sabi ng gwapong lalaki at hinawakan siya sa kamay at akmang hahalikan iyon ng hinila siya ni Aurora at inilayo rito.

"Don't bother, she's my maid" seryosong sabi niya na kinangiti parin ng lalaki at tumango.

Tumingin pa sakanya ang babae at ang mga lalaking lumapit nakanila bago ngumisi lamang ang mga ito at tumango bago bumalik sa pagkakaupo sumunod  rin si Aurora.

Nanatiling tahimik naman si Darly sa gilid at pinalibot ang tingin sa Glass wall sa labas. Namamangha siya pero nahihiya siyang lumapit roon...

Si Cora naman ay may kausap na mga babae at lalaki na mukang kilalang kilala siya ngunit seryoso lamang si Cora sa likod.

"You, Get us a Glass" sabi ng babaeng naka dress na itim na lumapit kanina sakanila. Suzette ang pangalan niya nabanggit kanina habang nag uusap sila.

Mabilis na nagtaka si Darly at nakita niyang nakatingin sila Sakanya. Itinuro ng babae kung saan ang mga baso at mabilis naman siyang tumungo sa mini bar at kumuha ng tatlong baso at Maingat na Inilagay sa lamesa nila.

Ramdam niyang pinapanood siya ng kasama ni Aurora lalo na mismo si Aurora na Sumisimsim ng alak.

"I thought one of your, play toys. she has looks" sabi ng babae at Sumandal sa sofa at seryosong bumaling sa Labas at nanood roon.

As usual ay hindi sumasagot sa Aurora sa mga tanong ng tao sa paligid niya.

"Come here, Miss beautiful sit beside me" aya naman ng lalaki kanina na lumapit sakanya na Dallas ang pangalan.

Ngumiti siya at tumingin kay Aurora para humingi ng permiso pero wala siyang nagawa ng hindi ito nakatingin sakanya. Biglaan rin kasi na ang babaeng lumapit rito at lumingkis sa tabi niya.

Aurora Escobar's Maid Where stories live. Discover now