Kinagabihan ay Oras na ng kanyang pag alis. Pinipilit pa siya ni Grace at ibang malalapit sakanya na wag siyang umalis dahil nalulungkot ang mga ito."Seryoso kana ba talaga? Ano ba kasing nangyari bakit bigla bigla mo nalang naiisip na umalis??" Naka pamewang na tanong nito sakanya habang sinasara niya ang kanyang maleta.
"M-mahabang storya. Tsaka nakapag paalam naman narin ako kila manang..." Naiilang na sabi niya bago tumayo.
Sabay silang lumabas ng silid pero nasalubong nila ang mga kakumpitensya niya sa trabaho kahit sila lang naman ang nakikipag kumpetensya.
"Sinabi kona sayo. Hindi ka mag tatagal...ano? Hindi kaba nagtagumpay sa panglalandi mo--" natigil si Hailey ng pumasok si manang Suzy.
"Tumigil na kayo. Ikaw Darly andyan na ang sasakyan sa labas na mag hahatid sayo sa patutunguhan mo...mang iingat ka ah?" Nakangiti sabi nito at hinaplos ang likod niya.
Tumango siya at sumunod rito kasama si Grace at ang ibang katulong na Pinanood lamang ang nagaganap Sakanya. Tahimik silang nakarating sa malaking gate sa labas...
Pero bago siya tuluyang lumabas ay Bumaling siya sa malaking mansion kung saan nasa pangalawang palapag ang malaking Balcony. Bukas na bukas iyon at kitang kita niya ang seryosong pag mumuka Ni Aurora.
Sumimsim ito ng alak bago nagsigarilyo. Pero natigilan siya ng magtama ang paningin nila wala itomg reaksyon at mabilis na umiwas ng tingin nang may babaeng tumabi rito..
Napalunok si Darly nang may babaeng tumabi rito at hinaplos ang braso ni Aurora. Napunta ang atensyon ni Aurora doon at ngayon ay may ngisi na ito sa labi bago sila Pumasok sa loob ng mansion habang walang tingin tingin sa direksyon niya...
Doon siya napayuko at nag punas ng luha at nag pilit ng ngiti nang tawagin siya ni Grace at pinasok na ang maleta niya sa sasakyan.
"Tawag tawag rin pag May time. Mag iingat ka sa apartment na tutuluyan mo. Sabhin mo kung May trabaho kanang Makukuha para Good news"nakangiting sabi nito kaya tumabi siya at nakipag yakapan.
Unti unti narin siyang pumasok sa taxi at kumaway sa bintana bago sila tuluyang nakaalis sa labas ng mansion.
Naging tahimik ang byahe dahil nakakaramdam siya ng lungkot pero binalewala niya lamang iyon dahil siguro ay malalayo siya sa mga naging kaibigan niya sa trabaho kahit ilang Linggo palamang siya roon...
Ngayon ay dederetso siya sa Isang apartment malayo dito sa pang Mayatamang lugar. Malayo layo ng konti dito sa mga nag tataasang building.
Tutal ay nag iisa lamang siyang nabubuhay dahil wala siyang Pamilya kung meron man ay napaka layo nila at hindi na yata siya kilala ng mga ito at lalong lalo nang wala rin silang pakeelam sakanya.
Nais niyang hanapin si Venise Vontre kahit paano ay gusto niya rin makilala ang naging pinsan niya noong bata kahit matagal na silang nagkalayo. Buti nalang ay kilala ito ni Cora at nag ibang impormasyon sakanya pero hindi ganon kadetalye kasi dahil sa asawa nitong tinatago sila ng mag iina niya dahil narin sa yaman ng mga vontre. Balita niya ay Sumama ang pamilya niya sakanya sa syodad at ngayon ay payapa na silang mamuhay simula ng nakilala nito ang tunay niyang ama na mayaman.
Pero matigil siya sa pag muni muni sa likod ng taxi maramdaman ang titig ng Driver Sakanya...
Binalewala niya iyon at pinanood na lamang ang pag alis nila sa lugar kung saan pakiramdam niya ay hindi siya nababagay..
"Yes boss, pangakong makakarating kami--ako ng ligtas don mamaya, sige po. Masusunod" sabi ng driver at may kausap ito sa selpon.
Hindi niya lamang iyon pinansin at Bumuntong hininga nalang at Ipinikit ang mga mata sa gitna ng gabi. Alam niyang medyo malayo layo ang apartment na iyon kaya nais niya munang mag pahinga saglit..
30 minutes past....
"Slamat po manong driver. " Nakangiti niyang sabi ng tinulungan siyang ipasok ng driver ang kagamitan niya sa apartment.
Tumango lang ito at nag masid masid saglit bago umalis ng tuluyan. Mabilis niyang jinarap ang may ari ng apartment at ngumiti naman ito sakanya.
"Oh sige maiiwan na kita. Lahat ng kailangan mo ay nandiyan na. Sakto lang rin ito para sa isang tao. Hindi ka naman maiistorbo sa katabing apartment dahil sound proof naman ito. Basta ipapangako mong makakabayad ka ng tama" sabi nito sakanya kaya tumango siya at nag pasalamat ng umalis na ito ng tuluyan.
Sa sinabi nito ay sakto nga lang talaga para sa isang tao. Kumpleto naman at may Malinis naman na kama para sakanya. Ang wala nga lang ay ang TV. Doon siya napanguso pero sabi ay mas mamahal ang babayaran niya dahil sa koryente kaya jindi niya nalang tinanggap ang alok nito.
"Sana umabot ang naging sweldo ko at makahanap ng magandang trabaho bukas "sabi niya
Pagod siyang umupo sa kama habang inaayos ang kagamitan niya. Sa lugar pala na ito ay nasa harap ng lugar ay ang Daan ng mga sasakyan at sa kabilang naman ng daan ay bakeshop at kung ano ano pang mga tindahan.
Malayong malayo siya sa mga nag tataasang mga buildings at magagandang village kaya pahirapan siguro ang pag hahanap niya ng trabaho. Kung kaya't mataas ang standards ng nasa kabilang banda kaya alam niyang dito lamang siya pasok sa Lugar na ito.
Pero natigil siya ng may kumatok sakanyang pinto kaya medyo nagulat siya. Wala namang nakakakilala sakanya rito at imposibleng babalik pa ang nag mamay-ari ng lugar na tinutuluyan niya eh nagmamadali ito kanina.
Tahimik niyang tinungo ito at unti unting binuksan. Doon siya nagulat ng makita si Revin
"R-revin... paanong-"
"I heard you leave my cousin's house. She really let you leave... pathetic. " Sabi nito at pumasok sa loob ng apartment niya kaya hinayaan niya lang ito.
Payapa naman itong umupo sa isang simpleng sofa at tinignan ang kabuuan ng Kwarto na tinutuluyan niya.
"May kailangan po ba kayo? Paano niyo po nalamang dito ako tutuloy?" Tanong niya bago umupo sa gilid ng kama.
Seryosong bumaling ito sakanya at tumayong muli at lumapit sa kinaroroonan niya. Seryoso itong tumigil sa harap niya akay napatingala siya.
"Work for me, I'll pay triple. But don't worry i won't do the same thing like she did. "May ngising sabi nito kaya napakunot siya ng noo.
Ilang segundo rin siyang napatigil at mag-isip. Nahihiya siyang bumalik sa pag tratrabaho kahit isa nga Escobar dahil alam niyang magkikita silang muli.
"H-hindi... salamat nalang sa--"
" Magtrabaho ka bilang taga pangalaga ng Farm ko. Hindi bilang katulong. Malayo layo ng konti sa syodad. Mas masayang Magtrabaho doon at madalas rin tayong magkikita...." Sabi nito at seryosong tumitingin sakanya.
Kapag isip isip nanaman siya. Pero naiilang siya rito sa tingin nito sakanya. Meron siyang pakiramdam na wag nang magtrabaho sakanya dahil ayaw niyang makita muli si Aurora pero alam niyang siya rin ang mahihirap pag tumanggi siya.
"Aurora doesn't like place like farm. She doesn't even know I have a farm. She doesn't give interes in any kind of stuff like that....Let say she don't like Leaving her place. She loves luxurious life, because she finds it cool....I'm sure she don't give a damn about this. She's a prideful woman anyway..."revin smirk.
_
Vote
YOU ARE READING
Aurora Escobar's Maid
RomanceShe's a full of Pride young famous millionaire and A professional racer. She came from a Rich family who known as THE ESCOBAR'S who's always perfect in people's eyes whatever they do. Her life is so luxurious, she's always aiming for the best for he...