Darly POV
"Magsisimula ka Bukas ng Umaga. Ayusin mo ang trabaho, tandaan mo Hindi ito basta bastang pamilya" sabi ng Head ng mga katulong bago ako Talikuran.
Tumango lamang ako at mahigpit na napahawak sa dala dala kong mga gamit bago napayuko at bumuntong hininga.
Nagsimula akong maglakad at ibinaba ang ang gamit sa aking Silid. Malinis ito at halos mas malaki pa sa apartment ko noon.
Nakakapanibago ang paligid dahil mayaman daw talaga ang pamilyang Escobar. Hindi ipagkakaila. hiwalay kami sa lugar sa Mansion. Ngunit maganda ang nahay na ibinigay nila para sa mga katulong.
Napatitig ako sa Labas. Glass wall ang aking dingding dahil pinapili ako. Kung kaya't kahit sakto lang ang laki ng silid ay ayos lang.
Nakikita sa pwesto ko ang Malaking Mansion sa aking harapan. Ngunit ang aking nakikita ay gilid lamang ng mansion.
May pagka Old money style ang Mansion sa labas siguro ganon rin ang iba sa loob. Kitang kita ko ang Magandang tanawin at mga Magagandang halaman. Parang buhay hari at reyna...
"Darly! Halika inilibot kita para makatakas ako sa trabaho ko!" Tawag sakin ng isang katulong na halos Kaedad kulang rin.
"Ahh ngayon na?" Kinabahan ako bigla.
Iniisip ko na sana ay sa Kusina na lamang ako nakatoka. Kaya ko naman mag luto ang mag hugas ng pinggan. Nahihiya kasi ako dahil Parang masyadong maganda ang Mansion.
"Oo! Tara dali. Para makapasok Kana rin. Ituturo ko sayo ang mga kagamitan. Marunong ka naman siguro sa gawaing kusina diba? Hi tech na ngayon ang mga gamit don" sabi nito at inakbayan ako.
Napangiwi ako. Alam ko naman gumamit ng iba kaso nga lang ay hindi ako marunong sa Oven Iyong malaking oven..
Napakamot ako at lumabas na kami sa Silid. Isinara namin ang bahay at dumaan kami sa Likod ng Mansion. Maayos ang lakaran dito at maganda rin ang tanawin. Napatitig ako sa itaas...
May Balconyng Iisa at nakabukas ito. Nakikita ko sa silid na marami ang balcony kaso sa harap iyon at ngayon naman ay May iisang balcony rito. Karamihan ay binata lang.
"Kwarto yan ni Boss, Aurora'" sabi ni Grace.
Pareho kaming tumigil at tumingin roon. Napakunot ako ng noo ng mapansin ko g parang madilim roon. Nakikita ko ang mataas na Bookshelves ngunit hanggang doon lamang.
"Hindi pako nakakapasok diyan, sila Manang Suzy palang. Tsaka Wala rin akong balak pumasok diyan dahil pati buhok ko ay mahihiya siguro." Natatawang sabi nito habang nakapamewang na nakatakda taas.
"Ganon ba? Siguro privacy--"
"Oo, ganon nga. Pero kasi kakaiba si Boss Aurora. Misteryosang babae yon. Mababa ang pasensya kaya iwasan mong magkamali" sabi nito at inakbayan siya ulit bago magsimulang maglakad.
Napatitig siya roon ulit Ng mapansin ang paggalaw ng mataas na kurtina nito at biglang Paglabas ng Usok...
Ngunit iniwas niya nalang. Siguro ay naninigarilyo ang taong naroon..
Nagsimula silang pumasok sa Malaking pinto sa likod at nakita niya ang magagandang kagamitan. Maganda ang buong bahay at malawak.
Mahahalin ang mga ito ng makarating sila sa sala. Nakita niya rin ang malaking kusina at mahabang Dinning ngunit napangiwi siya ng malamang. Isang tao lamang ang nakatira rito...
Si Aurora Feliz Escobar
Napatitig siya sa malaking letrato nito sa sala na agaw pansin. Naka suot ito ng formal Habang nakapamulsa at May Sumbrero sa ulo. Bukas ang Blazer nito at walang saplot sa loob ngunit natatakpan ng blazer ang dibdib nito. May hawak rin itong Sigarilyo habang umuusok ang bibig.
Napaka ganda nito at gwapong babae. Sa mga mata nito ay walang reaksyon at para kalamang tinitingnan ng wala lang. Agaw pansin rin ang maganda nitong kutis at Tangkad.
"Malaki siyang babae. Mga 6' footer" ani Ni Grace habang May dala na itong tinapay at pareho silang nakatingin sa letrato.
"Malaki nga" nakangiti niyang sabi.
Hinila naman siya ni Grace sa ibang dako ng lugar kung saan. Kailangan rin nila linisan ang garden. Malaki ito at puro mamahaling halaman rin.
"Ang Sisimulan mong gagawin bukas ay Dito sa Garden. Sila Manang na raw ang bahala sa kusina. Ako naman sa sala " sabi nito habang nakapamewang.
Tumango lang siya. Marunong rin siya sa gawain pag dating sa halaman. Noon kasi ay nag extra siya bilang Taga benta ng Halaman sa Malaking shop.
"Hoy Kayong dalawa! Ipinag bawal ni Aurora ang Pag tambay lamang rito. Kung hindi oras ng trabaho ay sa Silid lang kayo..." May bahid na inis sa tono ng babae.
Ito si Hailey maganda naman itong katulong ngunit iba ang ugali. Napaka igsi rin ng uniporme nito kasama ang Dalwang kaibigan nito.
Hindi naman it unibersidad ngunit parang sila ang mag character na bully. Napailing si Darly sa naisip at tumingin kay grace na umirap lamang.
"Bakit naman Aurora lamang ang tawag mo kay Boss? Gusto mobang malago!?" Nang aasar na sabi ni Grace.
"Really? Baka nakakalimutan mong Malapit kami ni Aurora. Sa sobrang lapit namin ay ako Narin ang naglilinis ng silid niya?" Balik naman ni Hailey.
"Really? Baka nakakalimutan mong katulong ka parin?" Balik naman ni Grace.
Halatang nainis ito kaya akmang susugurin si Grace at pumagitna na ako. Ayaw kong mapagalitan lalo pa't hindi pa ako nag sisimula sa trabaho.
"Tigil nato. Sige mauuna na kami" sabi ko at humingi nalang ng Tawga kaya napangisi si Hailey at tinaasan ako ng kilay.
"Who are you? A new maid? Hindi ba't sinabi kona na Hindi na sila mag dadagdag. Baka isa lang to sa lalandi kay Aurora" nang aasar na sabi nito kaya kumunot ang noo ko.
Sumang ayon ang mga kaibigan nito na Kinabuntong hininga ko.
"Trabaho ang kailangan ko, hindi landi"sabi ko na kina irap nito. Kaya ko naman harapin ang ganitong klase ng tao minsan narin akong sales lady. Alam kona ang pag handle ng nararamdaman.
"Who knows? Baka nga Hindi Kana tatagal" nang aasar na sabi nito.
Tumango lang ako at umiwas ng tingin. Hinila kona si Grace na kumaway pa rito bago Umirap rin..
"Darly.... gusto kang makilala ni Aurora" sabi ni Manang Suzy ng Bigla itong sumulpot kaya napatigil sila.
"Tumungo ka sa opisina niya sa Pangatlong palapag. Hindi niya gustong pinaghihintay siya " sabi nito bago umalis.
_
Vote
YOU ARE READING
Aurora Escobar's Maid
RomansaShe's a full of Pride young famous millionaire and A professional racer. She came from a Rich family who known as THE ESCOBAR'S who's always perfect in people's eyes whatever they do. Her life is so luxurious, she's always aiming for the best for he...