Madilim ang gabi at Presko ang simoy ng hangin sa silid ni Darly habang siya ay natutulog. Nakabukas ang Glass window ng kanyang silid at nasa first floor lamang siya ng bahay...Nakatagilid siyang natutulog ngunit unti unti siyang nagkamalay ng maramdamang hindi siya komportable sa gano'ng ayos kaya humarap siya sa Glass window.
Ipinikit niya ulit ang mga mata ngunit mabilis niya ulit itong iminulat ng mapansing parang may anino sa kanyang bintana na dumaan. Mabilis na napaupo siya at mapahawak sa puso.
"Hala? Ano yon! May multo ba rito?" Kinakabahan niyang sabi at bumangon at tumayo
Kinakabahan man ay naglakad siya patungo sa Glass window niya at Tumingin sa labas.
Kita niya naman sa glass wall na maliit na bukas pa ang ilaw sa Mansion lalo na sa buong labas na hindi pinapatay hanggang 2 Am naka ilaw rin ang ibang silid ngunit patay ang iba. Wala naman kahina hinala..
May bisita si Aurora hindi niya alam kung sino dahil mabilis siyang umalis kanina dahil sa takot at kaba sa ginawa ng boss niya kanina...
"Siguro ay anino lamang ng bantay iyon sa labas." Sabi niya sa sarili at Tumalikod na.
Nang lakad siya papalapit sa kama ay agad siyang natigilan. Napansin niya ang anino sa pader sa sa harap niya na may nakatayong babae roon at nakapamulsa...
"A-aurora..." Bulong niya ng humarap siya rito.
Nakatayo ito sa harap Glass wall niya at naka Pormal ang suot. Umiinom namn ito ng Chuckie habang ang isang kamay ay nasa bulsa habang prente siyang tinititigan..
Sabi sabi ng mga katulong ay Paborito nito ang Chuckie lalo na tuwing nagagalit ito. Pero tuwing kinakalma ang sarili ay naninigarilyo o di kaya Iinom kung walang Chuckie.
Wala itong imik at blanko ang mga mata. Dinilaan pa nito ang ibabang labi habang nakatingin sakanya.
"Anong Pong ginagawa niyo rito?" Pilit niyang tanong kahit pa kinakabahan siya.
Lumapit ito sa bintana kung saan siya nakasilip at blanko parin ang mga mata nito.
"Come here. " Seryosong sabi nito.
Unti unti siyang tumango. Iniisip niya na baka uutusan siya nito Pero bakit hindi nalang nito siya tinawag gamit ang Puting bagay na naka kabit sa Pader sa labas ng silid....hindi niya kasi alam ang tawag don.
Mabilis siyang nag suot ng tsinelas at lumabas ng silid at bahay. Tumango siya kay Aurora sa harap ng silid niya at nakita niya itong Umiinom parin ng Chuckie.
Napatigil siya ng makita ang Pasa nito sa gilid ng labi na hindi niya man lang napansin kanina dahil sa dilim ng kinaroroonan nito.
"Anong nangyari Aurora? Bakit ka May--"
Natigilan siya ng tumalikod ito at walang imik na naglakad habang umiinom parin ng Chuckie at nakapamulsa na iniwan nito na hindi man lang Siya sinagot..
Napailing si Darly at sinundan ito. Tahimik silang dalawa hanggang sa makarating sila sa Likod ng pinto ng Mansion kung saan sila madalas dumaan na mga katulong.
"On my Office, now." Seryosong sabi nito at mabilis na naglakad dahil sa haba ng biyas nito.
Patingin siya sa sala at nakita si Revin na may kausap na Babae at halatang May interes ang babae rito dahil May paghampas hampas pa ito kay Revin na ngayon ay nakatitig sakanya.
Nag iwas siya ng tingin agad dahil kailangan niya itong iwasan. Hindi rin nakaiwas sakanya ang Pasa nito.
Alam niya na kung bakit....nag away siguro ang dalwa.
YOU ARE READING
Aurora Escobar's Maid
RomanceShe's a full of Pride young famous millionaire and A professional racer. She came from a Rich family who known as THE ESCOBAR'S who's always perfect in people's eyes whatever they do. Her life is so luxurious, she's always aiming for the best for he...