Lumalalim na ang gabi pero palakas lang nang palakas ang ulan na sinasabayan ng kulog at malakas na hangin. Parang may kumurot sa aking puso habang tinanaw ang labas ng bintana at tumitig sa kanya na nakatayo ngayon sa labas ng gate, nakatulala habang nakatingin sa harapan ng bahay, hindi na inalintina ang matinding ginaw na dulot ng hangin at ulan.
Isa isang nagsituluan ang aking mga luha kaya mabilis akong tumalikod at napahikbi. Nanghihinang napa-upo sa sahig, sumandal sa pader at tahimik na umiiyak takot na ba'ka magising ko ang mga taong natutulog dito sa loob. Bakit hindi ka na lang sumuko pa para hindi na tayo mahirapang dalawa?
Dahil sa kaiiyak ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at bigla nagising dahil sa sigaw ni Tita.
"ADELAINE."nag-aalalang sigas ni Tita kaya namumugtong matang bumangon ako, umaga na pala. Malakas na bumukas ang pinto at pumasok doon si Tita na puno ng pag-aalala sa mukha kaya bigla akong kinabahan.
"Adelaine ang asawa mo, Jusko. Sinugod sa hospital dahil nahimatay, nakita ni Jackson kaninang umaga sa labas, nakahiga at inaapoy ng lagnat."nanlaki ang mata ko sa narinig, kaagad akong nilukuban ng matinding pag-aalala pero agad ring natigilan.
"Iha, puntahan mo na ang asawa mo doon sa hospital, ako na lang ang magbabantay sa mga apo ko, paniguradong hinahanap ka na 'non."paki-usap ni tita pero yumuko lang ako at hindi kumilos.
"Iha."tawag pa ni Tita sa'kin kaya nakagat ko nang mariin ang aking labi.
Wag mo na siyang puntahan Ade ba'ka umasa lang siya.
"K..kayo na lang po tita, ako na lang po ang magbabantay sa mga anak ko."mahinang tugon ko na ikinasinghap ni Tita.
"Adelaine naman, isantabi mo muna 'yang galit mo sa kanya, alam kung naaawa ka rin sa naging kalagayan niya kaya paki-usap puntahan mo na siya."nagmamakaawang pamimilit ni Tita sa'kin pero matigas akong umiling.
"Ayoko po tita."pinal na saad ko, hindi makatingin sa kanya. Bahala nang sumama ang loob sa'kin ni tita pero ayoko talagang puntahan siya.
Gaya nang aking na-isip ay sumama talaga ang loob ni tita sa'kin at hindi na niya ako pinilit pa at siya na lang ang pumunta sa hospital, nandoon rin sina tita Susette at Jackson doon sa hospital kasi sila ang naghatid kay Kaizer doon kaya kami na lang ng mga anak ko ang naiwan rito sa bahay.
I wiped my tears at kaagad na kinuha ang aking cellphone at bumili ng ticket through online patungong pilipinas. Kung mananatili pa kami dito ay alam kung makakaperwisyo lang ako kina tita Susette dahil paniguradong hindi ako lulubayan ni Kaizer at sasamantalahin ko ang pagkakataong ito na matakasan siya.
Nang makapagbook nang flight ay mabilis akong nag-imapake at sinilid sa maleta ang mga damit namin, sobrang lakas ng kabog ko habang ginagawa iyon pero nagpatuloy pa rin ako. Nang masiguradong nasilid ko na lahat ay dinala ko na ang maleta sa labas ng gate at naghanap ng taxi, mabuti na lang at meron kaya pinara ko ito at nagpahintay dahil kukunin ko pa ang mga anak ko sa loob.
Maingat ko silang kinarga na dalawa, sobrang hirap pero kinaya ko na lang at nagmamadaling lumabas at sumakay doon sa taxi at kaagad na nagpahatid sa airport.
Nasa kalagitnaan kami nang aming pagbyahe ng biglang umiyak si Asher kaya agad akong nag-aalala.
"Ssh, tahan na anak."pagpapatahan ko dito habang hinahalikan ang kanyang noo pero hindi ito matigil.
Shit, anong gagawin ko?
Inaalo ko ito."Tahan na anak please."naiiyak na paki-usap ko dito, at sa awa ng diyos ay humina ang iyak nito na para bang naiintindihan ako kaya para akong nabunutan ng tinik."Mahal na mahal kayo ni nanay."bulong ko sa mga ito at bingyan sila ng matamis na halik sa kanilang noo.
YOU ARE READING
Ruthless Revenge
Storie d'amoreThey say that love is patient, love is kind and above all love is blind but what if you've gone too much pain. Would you still wanted to believe that love is blind?Or you'll decide to leave to ease the pain you felt and escape from hurtful reality? ...
