MAAGA akong nagising dahil bigla akong nakaramdam ng gutom."Ikaw talaga baby, Naging matakaw ka na ha."natatawang sambit ko at tumayo na para kumuha ng makakain.
Naabutan ko si tita na busy sa pagluluto."Good Morning tita."masayang bati ko dito kaya napalingon siya sa'kin at ngumiti.
"Good morning din iha, mukhang ginising ka ng maaga ng apo ko ah."nakangiting sambit ni tita kaya ngumiti ako at hinaplos ang tiyan ko.
"Oo nga po tita, ang takaw-takaw na."natatawang saad ko bago umupo sa silya.
Natawa naman si tita.
"Heto't kumain ka na para maging healthy si baby."saad ni tita.
"Thank you po tita."wika ko kaya ngumiti ito.
"Iha okay lang ba'ng maiwan na muna kita sandali?Aasikasuhin ko lang ang hospital na panganganakan mo."saad ni tita.
Tumango ako.
"Okay lang po tita."tugon ko at nagsimula ng kumain.
PHILIPPINES*
Nasa kalagitnaan ng meeting si kaizer ng biglang tumunog ang telepono niya kaya napatigil sa pagsasalita ang nasa harapan niya.
Napatingin siya screen ng cellphone.
Jerry calling.....
Mabilis na sinagot niya ang tawag."What is it, Lim?"cold na tanong niya.
Narinig niyang bumuntong hininga muna ito.
"I finally found her "sagot nito. Tila huminto ang paligid niya sa narinig kaya mabilis na napatayo siya.
"Are you serious, Lim?"paninigurado niya. Kumakabog na ng mabilis ang dibdib niya sa sobrang kasiyahan.
"Yes."
Nanunubig na ang mata niya sa sobrang kasiyahan.
"Where is she?"agarang tanong niya at nagmamadaling lumabas ng Conference Room."In the Canada."sagot nito kaya napatigil siya.
"What?"gulat na bulalas niya.
Fuck!
"I said. She's in the fucking Canada."parang naiinis na sagot ng kaibigan.
Huminga muna siya ng malalim bago sumupil ang ngiti sa labi.
"Ready the plane."saad nito at nagmamadaling umalis ng kompanya at pinaharurot ang sasakyan.
Wait for me, Wife!
CANADA*
Nag-aantay ako sa inorder kung pizza.Bigla kasi akong nagcrave nun. Hayst, ang tagal naman.
Mag-isa lang ako ngayon kasi umalis si tita saglit.
Ding...Dong...
Mabilis akong napatingin sa pinto. Lumiwanag ang mukha ko ba'ka ang inorder na pizza ko yun.
Ding...Dong...
"Wait a minute."sigaw ko at kinuha ang wallet at dahan-dahang nagtungo sa pintuan at binuksan yun pero agaran din akong napa-atras ng mapagtanto ko kung sino ito.
Nanlaki ang mata kung napatitig sa kanya.
"A-anong ginagawa mo dito?"kabadong tanong ko.Imbis na sumagot ay bumaba ang tingin niya sa lumulubo kung tiyan kaya mabilis na napahawak ako dun.
Humakbang siya kaya napa-atras ako."W-wag kang lalapit...Diyan ka lang."kinakabahang saad ko pero hindi ito nakinig bagkus ay mabilis niyang nilakad ang pagitan namin at sa'ka ako mahigpit na niyakap. Napa-iyak ako at pilit siyang tinulak.
"I missed you so much, Wife"umiiyak na sambit nito kaya mas lalo akong napa-iyak.
"U-malis ka na Kaizer."umiiyak na paki-usap ko pero hindi ito nakinig at mas yinakap pa ako.
May pamilya na siya kaya hindi na tama to!
Tinulak ko siya kaya napa-atras ito.
"Umalis ka na."cold na sambit ko. May dumalatay'ng sakit sa gwapo niyang mukha.
"No...Hinding-hindi na kita pakakawalan pa." matigas na sabi niya.
Umiling ako."N-no please umalis ka na."hagulhol kung paki-usap.
"No.. hindi ko na hahayaang iwan mo pa uli ako."may diing sambit nito bago humakbang uli sa gawi ko.
"SINABI NG UMALIS KA NA.UTANG N---AHHHHHHHH."malakas akong napasigaw ng biglang sumakit ang tiyan ko. Mabilis namang lumapit sa'kin si kaizer at inalalayan ako.
"Shit! You're bleeding."natatarantang sambit niya kaya napatingin ako sa binti kung may dugo.
Shit!
"M-manganganak na yata ako Kaizer."nahihirapan kung sabi dito nakita ko kung pano nanlaki ang mata niya at dali-daling binuhat ako.
"OPEN THE FUCKING DOOR."sigaw ni kaizer sa tauhan niya kaya mabilis nitong binuksan ang pinto ng kotse at mabilis naman akong pinasok ni kaizer dun.
"TO THE NEAREST HOSPITAL, NOW."sigaw ni kaizer sa tauhan niya kaya mabilis itong tumango bago pinaandar ang kotse.
"K-kaizer..A-ng sakit."nahihirapan kung sambit kaya mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko at paulit-ulit na hinalikan ang noo ko.
"Malapit na tayo..Konting tiis na lang ha!"kabadong sambit niya.
"WALA NA BANG MAS IBIBILIS PA DIYAN?"singhal niya sa tauhan kaya nagulat ito at mas binilisan pa ang takbo.
Ang sakit na talaga!
Maya-maya pa'y huminto na ang sasakyan kaya mabilis na lumabas si Kaizer at binuhat ako at nagmamadaling pumasok sa loob.
"GET A FUCKING STRETCHER"bulyaw niya sa mga empleyado ng hospital kaya napangiwi ako.
"Ahhhhhhhhhh!"malakas na sigaw ko at mahigpit na napakapit sa kamay ni kaizer.
"I can already see the head of the baby,bOne more push Mrs.Smith."saad ng doctor kaya huminga muna ako ng malalim bago sinunod ang sinabi niya.
"Ahhhhhh."malakas na sigaw ko.Narinig ko na ang iyak ng anak ko.
"Uwaahhhh!!uwaahhhh"
"Congratulations, it's a healthy baby boy."anang ng doctor kaya napangiti ako.Mabilis naman akong hinalikan sa noo ni kaizer.
"Thank you so much, for this wonderful blessing"naluluhang bulong nito.
"Aaaahhhhhh."napasigaw ako muli sa sakit ng kumikirot na naman ang tiyan ko kaya lahat ay nagulat.
"Wife! are you okay?"nag-aalalang tanong ni kaizer pero hindi ako sumagot dahil sa sakit." Doc..My wife."
Lumapit ang doctor."Oh, my. it's a twin"gulat na sambit ng doctor kaya nagulat ako maging si Kaizer.
"Push..Mommy, cause I already seen it's head."utos ng doctor kaya umiri ako.
"Ahhhhh."
Nanghihina na ako.
"One more push mommy."saad uli ng doctor kaya muli akong umiri.
"Uwaahhh...uwaaahhhh"rinig kung iyak ng bunso ko kaya napa-iyak ako sa sobrang tuwa.
"It's a healthy baby boy again. Congratulations again Mr. and Mrs.Smith."nakangiting saad ng doctor.
Yinakap ako ni kaizer bago dinampian ng halik sa labi."Thank you so much wife."naiiyak na saad ni Kaizer."Jet'aime mon amour."bulong nito pero hindi ko masyadong narinig dahil sa sobrang pagod at hindi ko nalang namalayang nakatulog na pala ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/243186950-288-k920108.jpg)
YOU ARE READING
Ruthless Revenge
RomanceThey say that love is patient, love is kind and above all love is blind but what if you've gone too much pain. Would you still wanted to believe that love is blind?Or you'll decide to leave to ease the pain you felt and escape from hurtful reality? ...