Nanginginig kung pinindot ang doorbell at mabuti na'lang at bumukas ito."Manong na------IKAW?"
Ngumisi siya pero kahit nakamake-up ito ay halata pa rin ang mga pasa sa mukha niya. Ba't kaya?
"Yes, It's me"malandi nitong sambit." Ba't nagpunta ka'pa rito?As far as I remember, galit sayo si Kaizer."
Nanginig ang kalamnan ko dahil sa sinabi niya .
"Wala akong paki-alam kung galit siya sa'kin." matapang na saad ko bago pumasok sa loob.
"Hey,where are you going?You bitch."galit na sigaw niya bago hinablot ang braso ko.
"Ano ba, bitiwan mo nga ako."asik ko dito.
"AKALA MO BA TATA------"
"What's with the commotion?"cold na sabi ng nasa likuran ko kaya napabaling ang tingin ko dito.
Agad na binitawan ako ng higad sa'ka lumapit kay kaizer at yumakap dito.
Nakaramdam ako ng matinding selos. Gusto kung sabunotan ang higad na yun pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.
"Baby, pinigilan ko lang naman yang babaeng yan na pumasok dito."maarteng wika ni higad." Cause I know, you would be mad upon seeing her annoying face."
Tumingin ako kay Kaizer at wala kang mababasang emosyon dun.
"Let her be."walang emosyong sambit nito bago pumasok sa loob.
Sinamaan ako ng tingin ni higad bago sumunod kay kaizer.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok pero agad din akong napahinto ng makita kung gumagawa na naman sila ng kababalaghan sa sofa.
Nag-iwas agad ako ng tingin ng maramdaman kung nanunubig na naman ang mata ko.
Ginusto ko to, kaya kakayanin ko.
Yumuko na 'lang ako para hindi sila makita at dali-daling pumasok sa maids room.
Pagkasara ko pa'lang ng pinto ay bumuhos na agad ang luha'ng kanina ko pa pinipigilan.
Ba't ba kaya niyang saktan ako ng ganito?
Umiyak lang ako ng umiyak kahit sumasakit pa'yung liig ko dahil sa pagkakasakal niya.
ALAS-syete na ng gabi kaya nagpasyahan kung lumabas ng kwarto para ipagluto sila.
Narinig ko ang tawa ni higad sa may living room kaya napabaling ang tingin ko dun at mukhang may pinapanood silang palabas. Naka-akbay pa ang isang braso ni Kaizer sa higad.
"Hahaha!babe look it's so funny haahaha."tawa ni higad na nakayakap dito. Ang sweet!
Napahawak ako sa kumikirot kung puso!
Tumawa naman si kaizer.
"Yeah, haha."tawa nito bago tumingin sa gawi ko kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin at mabilis na pumunta sa kusina.PAGKATAPOS kung maghain ay pumunta na ako sa living room para tawagin sila at ayun naghahalikan na.
Tumikhim ako dahilan para sabay silang napabaling sa'kin.
"Maam..Sir..Nakahanda na po ang pagkain."magalang na anunsyo ko.
Nakita ko kung pano alalayan ni kaizer ang higad. Baldado ka gurl?
Nang lumagpas na sila sa'kin ay para naman akong tuta'ng nakasunod sa kanila.
Umupo sa kandungan ni kaizer ang higad.
"Say ahhh....Baby."malanding saad nito habang itinatapat ang kutsarang may pagkain sa bibig ni Kaizer na agaran namang sinubo.
YOU ARE READING
Ruthless Revenge
RomanceThey say that love is patient, love is kind and above all love is blind but what if you've gone too much pain. Would you still wanted to believe that love is blind?Or you'll decide to leave to ease the pain you felt and escape from hurtful reality? ...