Humikab muna ako at nag una't-una't bago bumaling sa aking tabi. Nasan kaya 'yung lalaking yun?Pagtingin ko sa wall clock it's still 6:00 in the morning. San naman kaya nagsusuot yung hinayupak na yun? Aish, bahala na nga siya!Napagdesisyunan ko na lamang na maligo muna.
1 hour later......
Lumabas na ako ng banyo at nagbihis lang nangpambahay total linggo naman ngayon walang pasok. Nagsusuklay ako ng buhok ko ng biglang bumukas ang pinto kaya mabilis akong napatingin dito sa akalang si Kaizer ito pero sa manang coring lang kailan pa siya dumating?.
Nginitian ko si manang coring.
"Good morning po, Kailan po kayo nakabalik dito?Ngayon ko lang po kasi kayo nakita." nakangiting tanong ko. Ngumiti din ito pabalik at may inilapag na kahon sa ibabaw ng kama. Ano yan?
"Ngayong umaga lang ako nakaluwas dito sa maynila. Eh!si )aizer kasi pinapabalik na ako rito may mahalaga kasing okasyon ngayon." tugon ni manang coring. Ano naman? Birthday niya?
"Birthday po ba niya?" naguguluhan kung tanong.
Nag-isip mo na ito.
"Anong petsa na ba ngayon?Pasensya na matanda na kaya naging ulyanin na."papaumanhin ng matanda.
"Naku!ok lang po, Natural lang naman po yan." saad ko habang tiningnan ang calendar sa phone ko.
"October 18 po." sagot ko. Nanlaki naman ang mata nito.
"Ay, Naku!Kaarawan pala ni kaizer ngayon. Nakalimutan ko." nababahalang sambit nito.Kaarawan pala ngayon ni kaizer. Bat hindi niya ipina alam sa'kin?Ayaw niya ba akong imbitahin?
"Ahm, manang nasan po pala siya?" tanong ko.
"Hindi ko alam iha!Maaga yung umalis at sabing may aasikasuhin pa daw." paliwanag ni manang coring.
"Ahh, okay po."
Napatingin ako sa kahon na nasa gilid ng kama.
"Ano po yan?" tanong ko sabag turo ng kahon.
"Ay,siya nga pala!pinabibigay ni kaizer sayo suotin mo daw yan mamaya at huwag ka muna daw'ng bumaba kung hindi pa mag-aalasotso."
Bat kaya?
"Ah, oh sige po maraming salamat po manang."
"Walang anuman, oh siya maiwan na muna kita rito at may aasikasuhin pa ako sa baba."
Tumango naman ako kaya lumabas na ito.
Kinuha ko ang kahon at binuksan iyon. Tumambad sa akin ang isang off-shoulder na white dress, napakaganda nito at hanggang tuhod lang ang haba,nakadagdag ganda dito ang mga maliliit na diamonds na nasa bandang ibaba .Wow, ang mahal siguro nito.
Sinukat ko ito at saktong-sakto lang sa katawan ko. Tumingin ako sa salamin at bagay na bagay ito sa akin.
7:30 na kaya nagpasyahan kung mag-ayos na.
Naglagay ako ng light make up at tinali ko ang buhok ko into messy bun at nagpabango na. Nagsuot rin ako ng heels.
Sinipat ko uli ang ang sarili ko salamin. Perfect.
Tok!tok!tok!!..
Napatingin ako sa pinto.May kumakatok kasi.
"SANDALI LANG." sigaw ko at naglakad na papuntang pinto. Pagbukas ko ay nakangiting mukha ni manang coring ang bumungad sa akin. Ba't parang iba ang aura ngayon ni manang parang nanalo sa lotto.
"Iha, halikana't bumaba na nandon na sila sa baba.
" nakangiting saad ni manang."Ah, sige po." sang-ayon ko at sumama na dito.
Duugg..duuggg..duugg..
Bigla na lang lumakas ang tibok ng puso habang pababa kami ng hagdan at sa baba ay ang mga mukha nilang puro nakangiti ang bumungad sa'min lalong lalo na si Kaizer na gwapong-gwapo sa suot nitong tuxedo habang nakatitig sa'kin. Ano bang meron?Hindi naman ako ang may birthday!
Nasa huling baitang na kami ng hagdan ng lumapit sa akin si Kaizer at inilahad nito ang kanang kamay niya kaya mabilis kung inabot ang kamay ko.
He pulled me closer to him at bumulong.
"You looked so gorgeous in that dress." saad nito na nagpapula sa mukha ko.
"Thank you, ikaw rin you looked dazzling in your tuxedo." puri ko, ngumiti naman siya.
"Thanks."
Wait birthday pa niya ngayon!
"Babe happy birthday sorry wala akong regalo ngayon ko lang kasi nalaman."malungkot na saad ko.He smiled.
"It's okay, your sign is enough." nakangiti nitong sabi.
"Anong sign babe?"naguguluhang tanong ko.
"Secret."he grinned then winked at me. Ang gulo naman ng lalaking to.
Lumapit na kami sa dining area. Nandun ang mama ni Kaizer,si Jerry,at ang bruha nandito rin at kumakaway pa sa'kin kaya kinawayan ko rin ito pabalik,at si manang coring.
"I'm sorry I'm late."
Napatingin kaming lahat sa isang matanda na kararating lang at may dala pang suitcase. Don't tell me diyan niya ilalagay ang ibabalot niyang pagkain para sa pamilya niya? Sosyal ah!
"No, You're just in time tito."tugon ni kaizer. Tito niya pala to.
Tumingin sa'kin ang tito niya.
"Finally nice to meet you iha!" nakangiting usal ng matanda kaya ngumiti rin ako.
"Nice to meet you din po."
Tumango ang matanda bago bumaling kay kaizer.
"So shall we start?"
Kakain na?
"Yes,po tito, in the library po."sagot ni kaizer kaya lahat kami ay nagtungo na sa library room. Dito ba kami kakain?
"Babe, Sa library room ba tayo kakain?" takang tanong ko kaya tumawa ito.
"No silly."
"Eh, bat tayo pupunta dun?"
"No more questions okay?You'll find it later." he said kaya no choice kundi tumango na lamang.

YOU ARE READING
Ruthless Revenge
RomanceThey say that love is patient, love is kind and above all love is blind but what if you've gone too much pain. Would you still wanted to believe that love is blind?Or you'll decide to leave to ease the pain you felt and escape from hurtful reality? ...