"Ilang araw na siya diyan sa labas iha."naaawang sabi ni tita Fe sa'kin habang nakatingin sa labas ng bintana, nandito kami ngayon sa living room at mula dito ay nakikita namin ang labas ng gate.Nag-iwas ako nang tingin at bumaling sa'king kambal na nasa crib at hindi umimik.
Rinig ko ang pagbuga nang malakas na hininga ni Tita."Hindi ka ba naaawa sa kanya iha?"malungkot na tanong ni Tita kaya napayuko ako.
Ilang segundo ang lumipas bago ako tumugon."Wala na akong paki-alam sa kanya tita."matigas na sagot ko kaya tumahimik si Tita.
Bumukas ang pinto nang bahay kaya napabaling kami doon, pumasok si Tita Susette at Jackson na kagagaling lang sa palengke upang mang- grocery.
Malungkot na nilapitan ako ni Tita Susette."Ba'ka mapano na 'yang asawa mo diyan sa labas iha, binigyan ko siya ng pagkain at tubig pero hindi niya tinatanggap o ginagalaw iyon."naaawang sabi ni tita sa'kin.
"Desisyon ng gagong 'yun ang magpakamatay diyan sa labas ma kaya wala tayong pananagutan kung mapano man siya diyan."seryosong sabay ni Jackson.
"Pero nakakaawa na siya anak, nakita mo naman ang itsura niya diba? Nangangayat, medyo marungis na at palaging nakatulala, sino ba namang hindi maaawa sa kanya?"sagot ni tita sa anak.
"Let's stop talking about him ma kasi hindi na nagiging komportable si Adelaine."laban ni Jackson kaya napayuko ako.
Hindi na umimik si Tita at narinig ko na lang ang papaalis niyang mga yabag. Shit, nang dahil sa'kin nagkasagutan tuloy sila.
"Susundan ko lang ang tita Susette mo iha."marahang paalam ni Tita kaya malungkot ko itong tinignan at tumango.
Mahina niya akong nginitian, marahang tinapik ang aking balikat bago tumayo at nagtungo sa kusina dahilan para maiwan kaming dalawa ni Jackson dito sa living room.
I heard him sighed deeply bago naglakad palapit sa'kin at umupo sa aking tabi.
"I know that you still cared for him but you're just forcing yourself not to, cause you're afraid to be hurt again."gulat na napatingin ako sa kanya dahil nahuli niya ako.
"I may not know the whole story but I know that he hurted you badly back then kaya mo siya tinatrato ng ganito ngayon."mahinang saad niya kaya kaagad na nangilid ang aking luha kaya kaagad akong nag-iwas ng tingin.
"Masama na ba akong tao dahil sa naging trato ko sa kanya ngayon?"naiiyak na tanong ko kay Jackson.
Bumuntong hininga siya bago sumagot."You're not cause your reason was valid and you just wanted to guard your heart well, for not to be hurt again by him."tugon niya kaya mas naging malungkot ako at hindi makapagsalita.
Jackson was right, I just want to protect my heart for not to be hurt again.
Maaga akong gumising dahil papasok na ako ngayon sa trabaho dahil hinahanap na ako ng boss namin, ilang araw na kasi akong hindi pumapasok dahil nasa labas si Kaizer.
Tulog pa si tita kaya hindi na ako nakapagpaalam sa kanya, nasabihan ko rin naman siya kahapon tungkol sa pagpasok ko sa trabaho ngayon at pumayag naman siya. Nilapitan ko ang aking mga anak at isa isang binigyan sila ng marahan at puno ng pagmamahal na halik sa kanilang noo.
"Papasok muna ni nanay ha, wag kayong magpasaway sa lola ninyo."bilin ko sa mga ito kahit hindi pa naman sila nakakaintindi. Malawak akong ngumiti at hinaplos ang mga pisngi nilang dalawa.
Tahimik sa baba 'pagkababa ko marahil ay tulog pa ang mga tao dito, alas singko pa kasi. Sinadya ko talagang agahan ang pasok dahil alam kung tulog pa si Kaizer ngayon. Walang ingay na huminga ako nang malalim at walang ingay na binuksan ang gate at dahan dahang lumabas at maingat na sinara iyon uli.
![](https://img.wattpad.com/cover/243186950-288-k920108.jpg)
YOU ARE READING
Ruthless Revenge
RomanceThey say that love is patient, love is kind and above all love is blind but what if you've gone too much pain. Would you still wanted to believe that love is blind?Or you'll decide to leave to ease the pain you felt and escape from hurtful reality? ...