Chapter 41

2.1K 38 1
                                        


Ilang buwan na ang lumipas pero ganun pa rin ang pakikitungo niya sa'kin na para bang isang hangin na dinadaaanan niya. Masakit man tanggapin pero kinakaya ko na lang para sa pagmamahal ko sa kanya kahit wala na siyang nararamdaman sa'kin.

Wala ngayon si Kaizer dahil pumasok siya sa kompanya at ang higad naman ayun nasunog na ang katawan sa impyerno.

Napatingin ako sa relo ko.
3:00pm na pala. Teka, mang-grogrocery pa pala ako.

Mabilis akong naligo at naglista na ng mga bibilhin.

Magpapahatid na lang ako sa bodyguard para hindi magalit sa'kin si kaizer.

"Ahm, kuya?"tawag ko sa isang bodyguard kaya napatingin ito sa'kin.

"Bakit po maam?"tanong nito.

"Mag-gogrocery kasi ako, pwede mo ba akong samahan?"paki-usap ko at mabilis naman itong tumango.

SUPERMARKET*

Marami akong pinamili kaya halos mapuno na ang cart na dala ko.

Nang kompleto na ang lahat ay mabilis akong nagpunta sa counter. Nakapila ako ng may biglang sumingit na costumer sa harap ko.

Shit!

"Excuse me po pero dun ka sa likod pumila."marahang sab ko at kinalabit ito.

Lumingon siya sa akin at nagulat ako ng makita siya at ganun rin ito.

"Michael?"

"Ade?"

Sabay na tanong namin kaya mahina kaming natawa.

"Uy,long time no see!"masayang wika niya.

"Long time no see, rin. Lalo kang gumagwapo ah."pambobola ko sa kanya kaya napakamot ito ng batok at nakita ko pang pumula ang pisngi niya. Cute!

"Haha, ganyan talaga pag-single."biro niya kaya napa-irap ako.

"Ikaw?Walang jowa?Wag mo nga akong pinagloloko."

"Wala talaga akong jowa pramis!"sambit nito at naka promise sign pa ito kaya mahina akong natawa.

"Whatever."irap ko sa kanya."Hoy, ikaw na!" sabi ko sabay tulak sa kanya sa counter.

PAGKATAPOS kung nabayaran lahat ng pinamili ko ay pinabuhat ko na iyon sa bodyguard.

"ADE!"napalingon ako sa tumawag sa'kin.

"Akala ko umalis ka na?"nagtatakang tanong ko kaya Michael.

"Ang totoo niyan,ay hinintay talaga kita."kamot ulong tugon niya.

Napakunot ang noo ko."Bakit?"nagtatakang tanong ko.

"Eh, Pwede ka bang ayain ka'ng mag-sine?"nahihiyang tanong niya.

Napatingin ako sa relo ko.

4:40 pm na!

"Ahm, Sige."sang-ayon ko kaya lumiwanag ang mukha nito."Pero sandali lang ah."dugtong ko.

Ngumiti ito."Sure"nakangiting sabi niya."Let's go?"

Tumango ako."Ay, sandali lang ha!"shit!nakalimutan ko yung bodyguard.

"Kuya, Mauna na po kayo."utos ko dito.

"Maam, sure po kayo? Ba'ka pagalitan po ako ni boss."kabadong sambit niya.

"Wag po kayong mag-alala, ako na po ang bahalang magpaliwanag sa kanya."paninigurado ko dito.Tumango naman ito at pinaandar na ang sasakyan.

Lumapit na ako kay Michael.
"Tara na!"saad ko sa kanya kaya tumango ito.

Ruthless RevengeWhere stories live. Discover now