Kumakain kami ngayon ni Ate Rosa at Kaizer na tahimik hindi kagaya noon. Alam kung nararamdaman na ni Ate ang tensyon sa pagitan namin ni Kaizer pero nanatili na lamang itong tahimik.Akmang kukunin ko 'yung pitsil na may lamang tubig pero naunahan ako ni Kaizer pero nakipag-agawan pa rin ako.
"Ako na."presinta niya.
Walang emosyon ko siyang tinignan sabay hola ng pitsel."Ako na."mariing sabi ko pero ayaw pa rin niyang magpatalo.
"Ako na, Wi---"
Inis na tinulak ko 'yung pitsel dahilan para matumba ito at magkalat ang tubig na laman nito sa mesa, na ikinagulat nilang dalawa.
Padarag na tumayo ako at masamang tinignan si Kaizer na may lungkot na ngayon sa kanyang mga mata.
"Edi, Ikaw na."mariing sambit ko bago sila tinalikuran at umakyat na sa taas.
Nagtungo na lang ako sa banyo upang maligo at 'dun ibuhos ang inis ko sa kanya. Isang oras ang tinagal ko sa loob bago ako lumabas ng tanging tuwalya lang ang nakatapis sa katawan ko.
Naabutan ko si Kaizer sa kama, nakaupo habang nakayuko pero agad ring nag-angat ng tingin ng marinig ang pagbukas ng pinto ng banyo.
Natigilan ito bago bumaba ang tingin niya sa katawan ko kaya napa-irap. Gago, hindi mo 'ko madadaan sa mga tingin mo. Nagtungo ako sa closet upang pumili ng damit at underwear bago muling pumasok sa loob ng banyo at doon na nagbihis.
Nang matapos ay lumabas na ako pero halos mapatalon ako sa gulat ng makita siyang nasa harapan ng pinto ng banyo at nagsusumamong nakatingin sa'kin.
Nagulat pa ako nang bigla ni akong yakapin ng mahigpit pero ang mas ikinagulat ko ay ng marinig ang munting hikbi niya.
"Wife, wag no naman akong tratuhin ng ganito oh, please."humihikbing paki-usap niya at mas inisiksik pa ang sarili sa'kin kaya napabuntong hininga ako.
"Bitiwan mo 'ko Kaizer."mahinahong utos ko kaya wala itong nagawa kundi pakawalan ako at nasasaktang tinignan ako pero nilagpasan ko lang siya at nagtungo sa mga anak ko.
Akmang susuotan ko sila nang damit ng may biglang nagsalita sa aking gilid.
"A..ako na diyan, magpahinga ka na lang."mahinang sabi niya kaya napabuntong hininga ako at sinunod siya.
Nagtungo ako sa kama nang hindi man lang siya tinapunan ng tingin at nahiga na doon, nakatalikod sa kanila.
Dumaan ang matinding katahimikan dito sa loob ng kwarto hanggang sa mabasag iyon dahil sa impit na hikbi ni Kaizer.
"P.. patawarin niyo si papa mga anak ha, Patawad kung nasaktan ko ng sobra ang mama niyo."umiiyak na bulong niya sa mga anak namin pero narinig ko pa rin.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang sariling hindi mapa-iyak pero hindi ko na iyon napigilan sa sumunod niyang sinabi.
"W..wag kayong tumulad kay papa ha, wag na wag niyong sasaktan ang babaeng mahal niyo, mahalin niyo sila ng buong puso kahit ano pa'ng hindi magandang bagay ang marinig niyo tungkol sa kanila. Wag kayong magdadalawang isip na paniwalaan sila, isang bagay na hindi ko nagawa sa mama niyo."mariin kung tinakpan ang bibig ko ng lumakas ang hikbi ko."K..kung maibabalik ko lang ang panahon, pipiliin kung mahalin na lang ng lubusan ang ina ninyo keysa saktan siya. Kung ginawa ko sana 'yun ay matagal na sana tayong masaya ngayon pero ang gago ko at hinayaan kung lamunin ako ng galit and that was the biggest mistake I ever regretted, my whole life."humihikbing na dagdag niya na mas ikina-iyak ko.
Namumugtong matang gumising ako kinaumagahan, wala na si Kaizer sa tabi ko nang tumingin ako sa aking gilid kaya napabuntong hininga ako at nagpasyahang pumasok na lang sa banyo upang maghilamos at magsipilyo.
YOU ARE READING
Ruthless Revenge
RomanceThey say that love is patient, love is kind and above all love is blind but what if you've gone too much pain. Would you still wanted to believe that love is blind?Or you'll decide to leave to ease the pain you felt and escape from hurtful reality? ...