Chapter 36

951 20 1
                                        


Nang madischarge ako sa hospital ay mabilis akong pumunta sa bahay ni Kaizer. Ayoko'ng mawala siya. I can't live my life without him.

Nasa tapat na ako ng gate kaya huminga muna ako ng malalim bago pinindot ang doorbell.

Ding...dong...

Bumukas ang gate at ang hindi pamilyar na mukha ang bumungad sa'kin.

"Good Morning po, Nan'dyan po ba si Kaizer?"nagbabakasakaling tanong ko.

"Ma'am kaano-ano niyo po si boss?"

"Asawa niya po ako."mabilis na sagot ko.

Kaya napakuno't ang noo nito.
"Eh?"

Parang hindi ito naniniwala kaya pinakita ko ang daliri ko.

"Wedding ring po namin 'yan." sabi ko habang pinapakita ang kamay ko."Kung hindi pa po kayo naniniwala, pwede niyo po bang tawagin si manang coring o kaya si mang danie?Kilala po kasi nila ako."despirada kung paki-usap.

Napakamot ito ng ulo.
"Eh, Maam hindi ko po kilala ang mga yan bagong salta lang po kasi kami dito, sa'ka kami nalang po ang mga nagtatrabaho dito." Paliwang ng lalaki. Ano?Wala na sila manang coring? Bakit?

"Ahm, kuya pwede po bang pumasok?Importante lang talaga." pagmamakaawa ko.

Bumuntong-hininga ito.
"Sorry po maam, pero ihinahabilin po ni boss na hindi po kami magpapapasok ng kung sino-sino."

Naiiyak na ako sa inis.

"Kahit isang minuto lang."despiradang paki-usap ko pero umiling ito.

"Sorry maam pero----"

Sa sobrang inis ko ay sinuntok ko siya sa mukha.

"Isang minuto lang,nayaw mo pa, yan tuloy ang napala mo" inis na bulong ko at mabilis na pumasok sa loob.

Habang naglalakad ako ay napahawak ako sa dibdib ko ang lakas kasi ng kabog nito.

Huminga muna ako ng malalim bago pinihit ang pinto.

Ngunit napako ako sa kintatayuan ko dahil sa hindi kaaya-ayang tanawin. Nanlamig ang buong katawan ko at nag-uunahan ng tumulo ang luha ko.

"MA'AM HINDI PO----"hindi natuloy ang sasabihin ng tauhan ni Kaizer dahil sa nakita.

Kaya sabay na napalingon sila sa gawi namin.

Yumuko ang tauhan niya.
"Sorry boss."paumanhin nito sa'ka nagmamadaling umalis at ako naman parang tanga'ng nakatayo lang habang tahimik na umiiyak.

Umalis si kaizer sa ibabaw ng higad at parang wala lang na nagsusuot ng boxer niya sa'ka walang emosyong tumingin sa'kin.

"What are you doing here?"cold na tanong nito sa'kin pero sa mata nito ay halatang galit pa rin.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"Babe, please ayusin natin to. Magpapaliwanag ako!Please wag mo kung iwan." Umiiyak na paki-usap ko pero itinulak lang niya ako.

Galit itong tumigin sa'kin."THE FUCK! EXPLAIN? WAG MO NANG BIBILOGIN ANG ULO KO KASI HINDING-HINDI NA AKO MANINIWALA SAYO." galit na sigaw niya sa'kin na mas ikinahagulhol ko.

"Please, kahit ngayon lang pakinggan mo muna ako." nagsusumamo kung iyak sa kanya.

"TANG'INA PWEDE BA TUMIGIL KA NA!" frustrated na sigaw nito."UMALIS KA NA HANGGA'T NAKAKAPAGTIMPI PA'KO."

No, hindi pwede. Hindi ko kayang wala siya kung kailangan kung ibaba ang dignidad ko ay gagawin ko wag niya lang akong iwan.

Dahan-dahan akong lumuhod sa harapan niya at nakita kung nagulat ito pero saglit lang iyon.

"WHAT THE FUCK ARE YOU DOING?"

"Please, Don't leave me!Gagawin ko lahat wag mo lang akong iwan please." Umaagos ang luha ko. Alam kung sobrang namamaga na ang mata ko sa kakaiyak."Please!"

He looked straight to my eyes."Okay, If that's what you want!."sambit nito, na ikinatutuwa ko."But don't expect that I will treat you like a fucking queen cause starting today you will live your life a living hell."walang emosyong sabi nito na ikinaputla ko sa takot.

Tumalikod na ito sa'ka hinila ang higad papunta sa taas. Lumingon sa'kin ang higad.

She mouthed."Bitch."At malandi itong ngumisi.

Bumagsak ang dalawang balikat ko at napahagulhol na lamang. Ang sakit, sakit. Pero kakayanin ko to para sa kanya. Hindi ko siya susukuan. Martir na kung martir, tanga na kung tanga. Ganyan naman talaga pagnag mahal ka diba?Gagawin ang lahat wag ka lang iwan.

"Kung ito ang magiging parusa mo ay buong puso ko itong tatanggapin."mapait kung bulong sa'ka marahas na pinunasan ang mga luhang nagkalat sa pisngi ko.

Ruthless RevengeWhere stories live. Discover now