Naalimpungatan ako dahil sa iyak nang anak ko kaya agad akong bumangon ng kama at pinuntahan ang mga ito sa crib. Ang panganay ko pala ang umiiyak.Maingat ko itong kinuha mula sa crib at kinarga at sinayaw sayaw upang patahanin ba'ka kasi magising si tita.
"Ba't umiiyak ang panganay ko ha."malambing na sabi ko bago ito hinalikan sa noo dahilan para humina ang iyak nito.
Napangiti ako."Aysus, nagpalalambing lang pala ang kuya ko."masayang bulong ko at muli itong hinalikan sa pisngi dahilan para tuluyan na itong huminto sa pag-iyak.
Sinayaw sayaw ko muna ito at nang makasigurong nakatulog na ito ay sa'ka ko lang ito binalik sa crib katabi ng kanyang kapatid. Abot mata ang aking ngiti habang nakatitig sa dalawa kung mga anghel. I kissed both of their foreheads at bumulong.
"Mahal na mahal kayo ni nanay, mga anak."malambing na bulong ko.
Dumaan ang isang linggo at napagpasyahan kung magtrabaho para naman makaambag sa kanila kahit hindi naman daw kailangan sabi ni tita Susette pero nagpumilit ako kaya wala silang nagawa kundi pumayag na lang.
Kay tita ko muna binilin ang mga anak ko, malugod naman siyang sumagot at nagpresinta rin si Tita Susette na alagaan rin ang mga anak ko dahil wala naman daw siyang ginagawa kaya napuno ng kalagakan ang aking puso.
Nagtatrabaho ako ngayon sa isang flower shop hindi kalayuan rito sa bahay nina tita Susette. Ako ang taga arrange at bigay ng bulaklak sa mga customer namin, at sa ilang araw na pagtatrabaho ko ay labis ko itong nagustuhan dahil sobrang nakakagaan kasi ng pakiramdam habang nakapalibot sa'yo ang mga magagandang mga bulaklak.
Bumaba na ako nang hagdan para pumunta na sa aking trabaho at nakita ko si Tita Fe at tita Susette na masayang pinapalitan ng damit ang mga anak ko.
Malawak ang ngiting lumapit ako sa kanila."Good morning po tita Fe and tita Susette."maligayang bati ko sa kanila dahilan para sabay silang mapatingin sa gawi ko, pareho nila akong nginitian.
"Good morning rin iha, binibihisan lang namin itong mg apo namin."masayang sabi ni tita Fe.
"Papasok ka na, iha?"tanong ni Tita Susette kaya tumango ako.
"Opo."magalang na tugon ko bago nilapitan ang aking mga anak at hinalikan sila isa isa sa noo at nginitian bago bumaling kina tita.
"Pabantay uli tita ha."nahihiyang sabi ko sa kanila.
"No problem iha, gustong gusto rin naman namin silang bantayan at sa'ka mga apo rin naman namin ito dalawang bubwit na ito."si Tita Susette ang nagsabi.
May kung anong humaplos sa aking puso, nagpakaswerte ko kasi may mga tao akong masasandalan ngayon. They we're a blessing.
Hindi na ako nagtagal pa at nagpaalam na ba'ka kasi malate pa ako. Lumabas na ako nang gate.
"Papasok ka na?"bahagya akong nagulat nang may biglang nagsalita sa aking gilid kaya agad akong napabaling doon at nakita ko si Jackson na nasandal sa pader sa gilid ng gate habang nakatingin sa'kin.
"Oo."sagot ko nang makabawi sa pagkagulat.
He nodded at umalis sa pagkakasandal at binuksan ang pinto ng passenger seat kaya naguguluhang tinignan ko siya.
"Hatid na kita."nakangiting suhestyon niya.
"May trabaho ka pa diba? Ba'ka malate ka pa."may pag-aalalang sabi ko.
"Ngayon lang naman, pasok na."aniya kaya hindi na ako na ako nakipag- argumento pa at pumasok na, sinara na niya ang pinto at umikot at pumasok sa driver seat kaya kinabit ko na ang seatbelt ko.

YOU ARE READING
Ruthless Revenge
RomanceThey say that love is patient, love is kind and above all love is blind but what if you've gone too much pain. Would you still wanted to believe that love is blind?Or you'll decide to leave to ease the pain you felt and escape from hurtful reality? ...