NANGHIHINANG iminulat ko ang mata ko. Luminga linga ako sa paligid hanggang sa huminto iyon kay Kaizer na mahimbing na natutulog sa aking gilid habang hawak hawak ang aking kamay, bigla akong nakaramdam ng matinding pagkamuhi at pandidiri kaya mabilis kung binawi ang aking kamay sa pagkakahawak niya.Dahil sa aking ginawa ay nagising ito. Namumungay pa ang mga mata dahil kagigising lang.
"Wife, are you okay?What do you want to eat?"aligagang tanong niya sa'kin kaya mariin ko siyang tinignan. Wife mukha mo'ng gago ka.
"A-ang anak ko?"seryosong tanong ko sa kanya.
"Anak natin."pagtatatama niya. Sandali akong natigilan bago huminga ng malalim at tumingin ng deristo sa mata niya.
"Kaya ko silang buhayin kaizer kaya pwede ka ng bumalik sa pilipinas total nakita mo naman ang mga bata."pinal na saad ko pero biglang dumilim ang mukha nito at umiigting pa ang panga.
"Are you trying to say that my kids doesn't need me?"mapanganib na tanong nito kaya tiim bagang napa-iwas ako nang tingin.
"That's not what I meant.."mariing sagot ko.
"Then what the fuck are you trying to say?"galit na tanong niya sa'kin.
Huminga ako nang malalim, hindi pa rin tumingin sa kanya."P..pwede mo silang sustentuhan na lang."medyo kabado na tugon ko dahilan para bumilis ang kanyang paghinga.
Hindi siya maka-imik dahil sa gulat.
May tumulong luha sa aking galing sa aking mata kaya mabilis ko itong pinahid.
"A..ayaw mo na ba sa'kin?"nasasaktang tanong niya dahilan para maiyak ako.
Huminga ako nang malalim habang tuloy tuloy ang pag-agos ng aking mga luha."A..ayoko na Kaizer."pigil hiningang tugon ko."N..natatakot na akong makasama ka, akala ko kaya kung intindihin 'yung mga pananakit mo sa'kin noon pero hindi pala, ayoko na natutrauma na ako."pinatigas ko ang aking mukha para hindi magmukhang mahina pero hindi ko iyon naitago pa ng magsituluan ang aking mga luha.
I heard him sobbed."S.. sorry, please patawin mo 'ko. Give me a second chance please, babawi ako, pangako. Just take me back, please."mahigpit niya akong niyakap habang umiiyak."S.. sorry, alam kung walang kapatawaran 'yung mga ginawa ko sa'yo noon pero maniwala ka pinagsisihan ko na 'yun ngayon."nagmamakaawang dagdag niya habang hinahalik halikan ang aking buhok.
Hindi ako sumagot at umiyak lang nang umiyak.
I'm sorry pero ayoko na.
I stopped from crying nang may pumasok na dalawang nurse dala dala ang aming mga anak. Malamig ko siyang tinulak dahilan para mapahiwalay siya ng yakap sa'kin.
Walang emosyon ko siyang tinignan, sobrang pula na ng kanyang mga mata at ilong dahil sa kaiiyak, he looks so vulnerable pero hindi na ako nakaramdam ng awa sa kanya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mukha pero iniwas ko lang aking tingin at ibinaling iyon sa aking mga anak.
Kita ko ang pag-alinlangan sa mukha ng dalawang nurse habang palipat-lipat ng tingin sa'min ni Kaizer.
I sighed at sinubukang ngumiti."C..can I?"tukoy ko sa aking mga anak kaya tumango sila at lumapit sa'kin. Ibinigay sa'kin nung isa ang isa sa aking kambal kaya maingat ko itong kinuha at kinarga ng puno ng pag-iingat, agad nangilid ang aking mga luha ng mahawakan ang aking anak. God, he's so handsome.
"G..gusto niyo rin po ba'ng kargahin ang bunso niyo sir?"nakangiting tanong nung isang nurse kaya napatingin ako kay Kaizer. Kaagad nitong pinunasan ang mga luha at paulit-ulit na tumango at maingat na kinarga ang aming bunso, bakas sa kanyang mukha ang kagalakan kaya nakahinga ako ng maluwag.
![](https://img.wattpad.com/cover/243186950-288-k920108.jpg)
YOU ARE READING
Ruthless Revenge
RomanceThey say that love is patient, love is kind and above all love is blind but what if you've gone too much pain. Would you still wanted to believe that love is blind?Or you'll decide to leave to ease the pain you felt and escape from hurtful reality? ...