Ilang linggo na ang lumipas at pwede na kami ngayong umuwi. Sa mga nagdaang araw na iyon ay sinunod rin ni Kaizer ang sinabi ko na wag na akong dalhan ng kung ano ano kahit alam kung kating kati na siyang alagaan ako. I heard from the nurses also, who's in charge of taking of my children tuwing pupunta sila rito ay sa upuan rin ito sa labas natutulog tuwing gabi.
Inaamin kung naaawa ako nang konti pero mabilis rin namang nawala iyon at isa pa, deserve niya naman rin 'yun.
Nakasilid na sa bag ang aking mga damit na ginamit ko rito sa hospital. Karga karga ko ngayon si ang aking panganay na si baby Ethos habang ang bunso naman namin na si baby Asher ay karga ni Tita.
Tinignan ko si Tita at nagkatunguhan kami sa isa't isa, gagawin na ang plano.
Pinanood kung maglakad si tita papuntang pinto habang karga karga pa rin ang bunso ko at binuksan iyon at may kinausap sa labas.
Maya maya pa ay bumalik na si Tita habang nakasunod na sa kanya si Kaizer.
"What do you want wife?"agarang tanong niya ng makalapit sa'kin, muntik pa akong mapa-irap sa tinawag niya sa'kin. Wife? Wife, mukha niya.
"Nagugutom ako, gusto ko ng pagkain galing sa mamahaling restaurant."malamig na sagot ko.
Kaagad siyang tumango at nginitian ako."Okay wife. Wait for me here."bilin niya kaya tumango na lang ako. As if, Hihintayin pa kita. Lumapit siya sa mga anak namin at hinalikan muna ito sa noo."Babalik din kaagad so daddy."nakangiting bulong niya dito bago tumingin sa'kin at tinitigan ako sandali bago tumalikod st tuluyan ng umalis.
Muli kaming nagkatinginan ni Tita kaya kaagad akong bumaba ng kama habang karga karga ang aking anak.
Kinuha ko na ang aking bag at isinukbit iyon sa aking balikat at mabilis na nilisan ang kwarto.
"Bilisan natin Ade, ba'ka bigla iyong bumalik."medyo kabadong suhestyon ni Tita kaya tumango ako.
Kinakabahan rin ako pero nilabanan ko lang ito.
Nasa labas na kami nang hospital at may nakaparada ng taxi sa aming harapan kaya mabilis kaming sumakay at nagpahatid sa airport. Lahat nang ito ay planado na, lahat ng mga gamit namin ay pinadala na ni tita doon sa Amsterdam kung san ang kanyang kaibigan kasi doon na kasi kami maninirahan.
Nang makarating sa airport ay kaagad na nagbayad si Tita at lumabas na kami. Sobrang lakas nang kabog ng aking dibdib habang papasok kami ng airport, sobrang higpit rin ng hawak ko sa aking anak.
Nakapagbook na kami ng flight kaya kaagad kaming nakasakay. Walang buhay akong nakatingin sa labas ng bintana ng eroplano.
"Ayos ka lang ba iha?"biglang tanong ni Tita Fe kaya nilingon ko ito at tinanguan.
"Okay lang tita."sagot ko dito, mahina niya akong nginitian bago inabot ang aking kanang kamay.
"Magbabagong buhay tayo doon, kasama nitong mga gwapo kung mga apo."masayang ani tita kaya napangiti rin ako bago tinignan ang aking mga anak na ngayo'y mahimbing na natutulog. I'm still lucky to have children, kahit papano ay hindi malungkot ang buhay ko.
Nang makalabas kami nang airport ng Amsterdam ay may sumalubong sa aming isang babae na kaedad ni Tita, ito 'yung sinabi ni Tita sa'kin na kaibigan niya, katulad namin ay rinay rin ito.
"Susette, si Adelaine pala pamangkin ko."masayang pakilala ni Tita sa'kin kay tita Susette.
Malawak ang ngiting binalingan ako nito."Ikaw pala ang pamangkin nitong si Fe, Tama nga siya Ang ganda mo nga iha."puri nito kaya napangiti ako."Single ka pa ba?"
"May mga anak na po ako."nakangiting tugon ko sabay tingin sa aking mga anak.
"Mga anak mo ito iha?"manghang tanong niya sa'kin habang tinignan ang aking kambal.
![](https://img.wattpad.com/cover/243186950-288-k920108.jpg)
YOU ARE READING
Ruthless Revenge
RomanceThey say that love is patient, love is kind and above all love is blind but what if you've gone too much pain. Would you still wanted to believe that love is blind?Or you'll decide to leave to ease the pain you felt and escape from hurtful reality? ...