Chapter 38

987 24 0
                                        


Buong maghapon akong naglinis ng bahay. Wala si Kaizer kasi pumasok ng opisina. Napa-upo ako ng sofa dahil sa sobrang pagod. Tumatagaktak na rin ang pawis sa noo ko kaya pinunasan ko ito.

"Hayst, kakapagod."mahinang bulong ko at napagdesisyunang umidlip muna.

Napamulat ako ng may naramdaman akong parang may nakatitig sa'kin. Nagulat ako ng isang dangkal na lang ang layo ng mukha ko at ni Kaize pero hindi man lang ito lumayo.

Nag-iwas ako ng tingin."Ahm, Sorry po sir!Nakatulog po ako."napalunok ako dahil sa sobrang kaba.

Tumayo ito kaya napatingin ako sa kanya.
"Magluto ka na."utos nito bago umakyat sa taas upang magpalit ng damit.

Bumuntong hininga ako bago nagsimulang magluto. Habang nagluluto ako ay hindi ko maiwasang hindi maisip ang anak ko. Napahaplos ako sa tyan ko. Tumulo bigla ang luha ko. Sorry anak, Nadamay ka pa tuloy kahit wala kang kasalanan. Siguro nga kasalanan ko to. Hindi ko pa rin matanggap na nawala ang anak ko. Sobrang sakit non sa'kin. Kailangan ko ng masasandalan ko ngayon pero wala. Kinontak ko si Phine pero laging out of reach ang phone niya.bNag-aalala na nga ako ba'ka kung ano ng nangyari sa kanya. Nasan na ba yun?Ok lang ba siya?At bakit siya pumunta sa abortion center?Hayst, ano ba talagang nangyayari. Kailangan kung pumunta ng apartment para maka-usap siya.

"Hey, focus on what you're doing." puna sa'kin ni Kaizer na nasa gilid ko na kaya napatingin ako dito. Nakapamulsa itong nakatitig sa'kin. Umiwas ako ng tingin at tinapos ko na lang ang niluluto ko.

Isang malaking himala dahil tinulungan ako ni Kaizer maghain ng pagkain. Pinigilan ko siya nung una pero nagpupumilit ito kaya hinayaan ko na lang.

"Kumain ka na, tawagin mo na lang ako 'pag tapos ka na."Sambit ko sa kanya at tumalikod na.

Napatigil ako nang mabilis niyang hinawakan ang braso ko kaya naguguluhang tumingin ako sa kanya.

"Bakit?"kuno't-noong tanong ko.

He sighed.

"Eat with me."He exclaimed na ikinagulat ko ng husto.

"Wag na..Mama---ayyyy"tili ko ng hinablot niya ang braso ko kaya napaupo ako sa kandungan niya. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Aalis na sana ako ng hinigpitan niya ang hawak sa beywang ko.

"Stay still." bulong nito sa may batok ko kaya nanayo bigla ang balahibo ko.

"O-okay."tanging naisambit ko na lang. Nakita ko sa gilid ng mata ko na may sumilay na ngiti sa labi nito.

"Feed me up."diretsong saad nito kaya dahan-dahan kung kinuha ang kutsara at sinubuan siya na agad naman niyang tinanggap. Alam kung namumula na ang pisngi ko dahil sa hiya pero deep inside kinikilig ako.

"Eat up too."utos niya kaya alangang tumingin ako sa kanya.

"Eh...Isang kutsara lang ang nandito...Teka kuku---"

"No stay still,...Use that spoon." nguso nito sa kutsara. Mas lalong pumula ang mukha ko.

"K-kukuha nalang a----"

He chuckled."C'mon, we've been using the same plate and spoon before, so why embarrased?"tukso nito kaya mahina ko siyang hinampas.

"Tumahimik ka nga."singhal ko sa kanya pero tumawa lang ito. Gumaan tuloy bigla ang pakiramdam ko. Wish we could stay like this.

"Ako na.presinta ni kaizer habang inaagaw sa'kin ang sponge. Ito kaming ngayon parang timang na nag-aagawan kung sino ang maghuhugas ng pinggan.

"Ako na kaizer...'Dun ka nalang sa sofa."pagtataboy ko dito pero sadyang matigas ang ulo nito.

Ruthless RevengeWhere stories live. Discover now