Kaizer and I decided na puntahan ang mga kinikilala kung magulang sa probinsya namin para na rin maliwanagan ako.
Habang nagbabyahe kami ay hindi ako mapakali. Kinakabahan rin ako dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kung anong gagawin ko once na malaman ko ang totoo.
Panay lang ang buntong hininga ko, kinakabahan. Biglang hinawakan ni Kaizer ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
Nginitian niya ako, naninigurado."Don't be nervous cause no matter what happened, I will always be with your side, always remember that."masuyong sambit niya kaya napangiti ako.
"Salamat."nakangiting tugon ko bago bumaling sa labas ng sasakyan.
Nagtagal ng tatlong oras ang byahe namin kaya ng makarating kami ay mabilis kaming bumaba ng sasakyan.
Hinawakan ni Kaizer ang kamay ko then gave me a smile kaya napangiti ako.
"Let's go?"tanong niya kaya tumango ako, nanlalamig ang mga kamay ko pero hinawakan niya pa ito ng mahigpit para mawala ang kabang nararamdaman ko.
Dugg...dugg..
Habang palapit kami sa bahay namin ay palakas ng palakas ang kabog ng puso ko.
Nasa tapat na kami ng pinto ng bahay namin kaya kumatok na si Kaizer.
Ilang sandali pa ay bumukas na rin ito. Nagulat pa si nanay ng makita ako pero agad rin niya akong niyakap.
"Anak, mabuti naman at nakadalaw ka rito, miss na miss ka na namin. Pasensya ka na ah, kung hindi ako nakadalo sa kasal niyo."malungkot na saad nito bago humiwalay ng yakap sa'kin.
Pilit akong ngumiti kay nanay parang naiilang ako na ewan.
"O..okay lang po nay."mahinang sagot ko. Ngumiti naman ito bago bumaling kay Kaizer.
"Magandang umaga po, maam."magalang na bati ni Kaizer.
"Nanay, nanay na lang itawag mo sa akin iho."masayang suhestyon ni nanay na ikinatango ni Kaizer.
"Oh,siya Halina't pumasok na kayo para sabay tayong mag-agahan."nakangiting bigkas ni nanay.
Pero kaagad na umiling si kaizer."Salamat na lang po, pero hindi po kasi kami magtatagal rito. May importante lang kasi kaming tatanongin kaya kami naparito."lintana ni kaizer kaya natigilan si inay.
"Ano yun?"takang tanong ni nanay.
Bumuntong hininga ako.
"Ahm. Nay, nandyan po ba si itay?"pag-iiba ko ng usapan kahit nagtataka si inay ay tumango ito kaya pumasok na kami at umupo sa sofa.
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko kaya mahigpit na hinawakan ni Kaizer ang kamay ko, habang pinapakalma ako.
Maya-maya pa'y bumaba na rin ng hagdan si itay kaya lumapit ako dito para magmano ganon rin si kaizer.
"Mabuti naman anak at napadalaw ka rito."anang ni itay.
"Oo nga po eh."ilang na sagot ko. Umupo na kami sa sofa. Kaharap namin sina itay at inay.
Huminga muna ako nang malalim bago sila tinignan isa isa.
"Ang sabi ng nanay mo anak ay may importante raw kayong itatanong, ano iyon?"tanong ni itay kaya nagkatinginan kami ni kaizer at tinanguan niya ako.
Huminga uli ako nang malalim na hininga bago tumingin sa mga kinikilala kung magulang na ngayo'y naghihintay sa itatanong ko.
"N..Nay..T..ay."nanginginig na tawag ko sa kanila.
"Bakit anak?"
Nanubig bigla ang mata ko kaya nag-aalala sila.
"Nay..Tay.."panimula ko."K...Kayo po ba ang t..totoo kung ..m..magulang?"naiiyak na tanong ko.
YOU ARE READING
Ruthless Revenge
RomanceThey say that love is patient, love is kind and above all love is blind but what if you've gone too much pain. Would you still wanted to believe that love is blind?Or you'll decide to leave to ease the pain you felt and escape from hurtful reality? ...
