Chapter 33

692 16 0
                                        


Pagkatapos kung madischarge sa hospital ay napagdesisyunan namin ni kaizer na umuwi na lang ng pilipinas dahil natatakot kasi siya na baka maulit pa yung nangyari. Gustohin ko mang manatili muna pero alam kung sa ikabubuti ko lang naman ito.

PHILIPPINES***

Mainit na klima na agad ang sumalubong sa amin pagkalabas namin sa airport. Malayong-malayo sa bansang kinaroroonan namin.

"Babe, let's go."si kaizer bago hinawakan ang kamay ko saka hinila. May nakaabang na limousine sa labas at doon kami sumakay.

Nakaramdam ako ng pagod. Hayst, jetlag yata to!.

Lumingon si kaizer sa'kin
"Tired?"tanong niya kaya tumango ako.

Sinapo niya ang mukha ko sa'ka hinalikan sa noo.
"Rest first."utos niya at hinawakan ang ulo ko at isinandal sa kanyang balikat. Wala sa sariling napangiti ako dahil sa pagod ay mabilis akong dinalaw ng antok.

Napabalikwas ako ng naramdaman kung parang hinahalukay ang tiyan ko kaya mabilis akong tumakbo papuntang banyo.

Napahawak ako sa lababo.

"Acccckkkk, aacckkkk!"

Shit!baka may nakain akong sirang pagkain.

Magmumuog na sana ako ng

"Accckkkk, acckkkk,ackkkkk."patuloy lang ako sa pagduduwal ng may masuyong kamay na humahagod sa likod ko kaya napalingon ako dito.Nakita ko si kaizer na nag-aalalang tumingin sa'kin.

"Are you ok?Do you want to see a doctor?"tanong niya. I shook my head.

"Wag na, ba'ka may nakain lang ako na sirang pagkain"naluluhang paliwanag ko.

"But you looked pale!"he stated.

"Ok lang ako, itulog ko lang to at magiging ok din ako."pangungumbinsi ko sa kanya kaya wala itong nagawa.

He sighed problematically.

"Then, take a rest."he said .Tumango ako at nagmumog na saka niya ako inalalayan palabas ng banyo at iginaya pahiga ng kama.

He stared at me then he kissed my forehead.
"I'll stay with you, so take a rest."he said that made me smiled bago tumango. Wala na akong lakas magsalita dahil sa pagod kaya ipinikit ko na lang mata ko at hayaang tangayin ng antok.

1 week later........

Isang linggo na ang lumipas pero palagi pa din akong naduduwal pero hindi ko iyon pinapahalata kay kaizer baka mag-alala na naman yun pero ang pinagtataka ko ay wala naman na akong nakaing sirang pagkain pero naduduwal pa rin ako at nahahalata kung nagiging sensitibo na ang pang amoy ko at nagiging antukin din ako. Shit, hindi kaya?Shit!Kailangan kung makasigurado.Mabuti na lang at hindi muna ako pumasok ngayon at wala rin si kaizer dahil pinilit ko kasi siyang pumasok ng kompanya.

Mabilis akong naligo at nagpahatid sa pinakamalapit na drug store.

"Ma'am magpapahintay po ba kayo?"tanong ni mang danie sa'kin.

"Opo, kuya mabilis lang po ako."nagmamadaling tugon ko.

Tumango ito.
"Sige!po ma'am."sagot niya kaya mabilis akong bumaba ng sasakyan at punasok na sa loob.

NNg makita ko na ang hinahanap ko ay kumuha ako ng dalawang piraso para sure sa'ka magbilis na nagbayad sa cashier at mabilis na lumabas.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan ng naramdaman kung may nakamasid sa'kin. Luminga ako sa paligid pero wala naman. I shook my head at tuluyan ng pumasok sa kotse.

THIRD PERSON POV

Walang kamalay-malay ang dalaga na may nakamasid na pala sa kanya mula sa bahay hanggang sa pinuntahan nito. Naramdaman siguro ng dalaga na parang may nakamasid sa kanya dahil luminga ito pero kapagkunway mabilis din itong pumasok sa kotse.

Ruthless RevengeWhere stories live. Discover now