CHAPTER 5

2.3K 79 8
                                    

3 days na ang nakalipas ng lumabas kami nila Elijah. I'm here at the court right now for training. Nakikita ko ang mga player na nagwa warm up na.

"Ly, come here I will introduce you to the team." coach Jalen said. Lumapit naman agad ako sa kanya.

He called the players Elijah and I met the coach successfully. He gave me a form to fill up to undergo training. I know Coach Jalen, he's been one of our mentors in Junior High, kaya madali lang ang naging process ko sa pagpasok ng team. Tsaka siya din naman ang nakiusap sa akin na bumalik sa paglalaro. My schedule in practices and training is after ng class.

He called them to gather and nakatayo lang ako sa gilid niya. All of them are in serious face, and yung iba parang hindi maganda ang tingin sa akin. Dukutin ko yang mga mata niyo eh.

"This is Ly Zenith Alcazar, she will be our new player in the team. She's been my player during high school, and she's a good one, a great one actually. Sana ay pakisamahan niyo siya, since it's her last year nadin dito sa university." coach Jalen said.

"Well, I want to hold onto that coach. But I don't see much in her." mataray na sabi noong babae na naka ponytail. Sabunutan kaya kita. Char! I was nervous when the other players nodded as they agree on her.

"She can live on the bench, Leia." natatawang sambit noong isang babae naman. Tumawa din yung iba sa joke niya. Ang korni nyo po. I hate being rejected by othe people, but when it comes to basketball I can risk all the judgement and hatred they'll do to me. Just like before, I've been here before kaya sanay na ako sa mga taong kagaya nila.

Bumalik siya sa pagwa warm up nang bigla siyang suwayin ni Coach Jalen. The team also leave and do their own thing. Nakss, mukhang captain pa yata tong Leia na ito. Paktayyy.

"Get dress kid, we have a lot to do." He said and wink at me.

"Hey, Ly right?" the girl with brown hair asked me. I nodded and smiled at her. Well palagi namang may ganto sa grupo, yung masungit at mabait.

"I'm Sica Reyes. I'm in shooting guard position in the team. Pasensya ka na sa ugali ni Captain ahh, ganyan lang talaga siya kapag una mo syang nakilala. Sinusubok ka lang niyan, kaya pagtiyagaan mo." payo sa akin ni Sica na tinanguan ko naman.

"I'll come with you sa locker room, para malagay mo na din yung things mo. Tara." Sabay kaming naglakad papunta sa locker room.

NATAPOS ang training ng maayos, pero yung katawan ko sobrang pagod na pagod. Ngayon nalang kasi ulit ako nakapag training ng ganto ka grabe kaya nagulat siguro yung katawan ko.

I enter my car and start to pray for my ride on the way home. I start to drive palabas ng University, at napatigil ako nang makita ko ang naglalakad na naka heels sa gilid. Kusa ang ang kamay ko na iginilid ang sasakyan at binababa ang side winshield ng kotse.

"Miss Rich!" tawag ko dito. Napalunok ako sa kaba nang lumingon ito sa akin. Ayan Zenitha, ginusto mo yan eh tapos ngayon kakabahan kabahan ka dyan.

Hindi siya sumagot pero nakatingin lang siya sa akin. "Do you need a ride po Miss Rich?" I asked her. Di ko namalayan I was shaking my legs na pala.

"No, I'm okay." maikling pahayag niya.

"You sure Miss Rich? Malapit na po gumabi, baka wala na po kayong masakyan diyan." pagsisigurado ko sa kanya.

"I'm good Alcazar. Leave me alone." she said seriously. I think she have a problem, ayaw ko nang kulitin to baka bigla akong kainin.

"Ingat po Miss Rich." Maikli kong sabi. Iniangat ko ang side windshield at tsaka nag drive ulit.

Habang papalabas ako ng gate ng University ay hindi padin mawala si Miss Rich sa isip ko. Nagdidilim na kasi siya tapos mag isa lang siyang naglalakad paalis dun. Gumilid muna ako sa labas ng University para tingnan kung may dumadaan bang taxi. Nakita ko sa side mirror na nakalabas na siya ng gate, pero wala pading dumadaang taxi.

When I Met You (GXG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon