SPECIAL CHAPTER

2.6K 53 5
                                    

THE WEDDING

"Smile naman dyan dai."

Leia told me while I was checking my suit, I can't give out a smile dahil kabang kaba ako. First ko lang kasi- ay ang gaga naman malamang wala naman akong ibang balak pakasalan kundi si bebi Aiko ko lang.

Sinubukan kong maglabas ng pilit na ngiti sa kaniya, agad namang sumama ang tingin ko kay Leia dahil pinagtawanan ako nito.

"Mukha kang aso beh, ayusin mo naman. Para kang napipilitang ipakasal eh." nagpipigil ng tawa habang sinasabi niya ang mga salitang iyon.

"Kinakabahan ako Lei, kasi-" napatigil ako nang makita ko ang nakaupong si Powder sa aking gilid. Nagtataas baba ang dalawang hita nito na para bang naiihi.

"Parang mas kabado ka pa sa akin Pow, kalmahan mo lang. Ako ang ikakasal." napatingin kaagad sa akin si Powder atsaka sinubukang pigilan ang kaniyang mga hita na galaw ng galaw gamit ang kaniyang mga kamay. Ngunit hindi niya ito mapatigil kaya naman nagtawanan nalang kami ni Leia.

Nang ibalik ko ang aking atensyon sa aking sarili sa salamin, napatigil ng pagtawa si Leia na ikinataka ko naman. Tumingin ako sa pinto dahil bumukas ito. Nang makita ko kung sino ang dumating, ahh kaya naman pala natigil ang gaga.

Ay hala, nagkatinginan pa sila. Sinulyapan ko si Powder, nagkataon na parehas kami ng inisip na gawin kaya naman patago kaming natawa.

"H- hey Ly!" agad na bati ni Klare nang magputol ang titigan nilang dalawa ni Leia. Nilapag nito anf dala niyang bag atsaka sinalubong ako ng magkabilabg beso.

"You look so handsome dude." tinapik nito ang aking balikat na para bang lalaki kung umasta.

'Naol.'

Pinigilan kong tumawa nang marinig ko ang mahinang tinig ni Leia na tila ba nagpaparinig kay Klare. Bakit ba kasi ang bagal niyang kumilos, napaka duwag. Di siya gumaya sa akin, poganda na, atapang atao pa.

"By the way, congratulations to you. Pinuntahan ko si Vog kanina and I told her that you're gonna be married!" I got surprised in her statement.

"Sayang di ako nakasama, gusto ko din siya makausap. Sinabi mo bang miss ko na siya?" inayos ni Klare ang aking kwelyo bago pa ito sumagot.

"Yes, of course! Too bad, edi sana kumpleto tayo magpe- perform later. But don't worry, her presence is here, I believe it." kunwari akong napahawak sa magkabila kong braso tila ba nilalamig.

"Nandito ba siya?" kunwaring takot na tanong ko na ikinataka niya naman. Minsan talaga slow din tong si Klare eh. Hays pang matatalino lang talaga jokes ko.

"Pinagsasabi mo?" tanong niya. Napalingon kaming dalawa nang marinig namin ang tawa sa gilid namin. Napatigil din kaagad ito nang makita kong nagsalubong muli ang tingin nilang dalawa ni Klare. Tiklop si gaga.

"Di ka ba imi meet ng bride mo bago ang kasal? You know, to check you out." Klare asked.

"Sabi niya ayaw niya daw ako makita. Di ko nga alam kung gusto niya ba talaga ikasal sa akin." biro ko.

"Gago." rinig kong sabi ni Leia.

"Isakal kasi, gusto ka niya isakal." Powder added.

"By the way, I'll come back to the venue. Shoulders up, don't be nervous. Ginusto mo yan eh, tapos ngayon kakaba kaba ka. Just be excited kasi... mamaya loving loving kayo ni misis." bulong na lang ang pagsabi niya sa huling linya na ikinangiti ko naman.

Pagkatapos niyang magpaalam, napatingin ako kay Leia na titig na titig sa akin.

"Tangina, ngayon lang kita nakitang ngumiti ng ganyan sa buong oras na magkasama tayo." napaharap ako sa salamin, totoo nga. Grabe ang lawak ng ngiti ko, napailing nalang din ako sa sarili kong isip.

When I Met You (GXG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon