CHAPTER 27

2.7K 76 1
                                        

Habadu sa cutie na kaharap ko. I was combing my hair and getting myself ready while looking at my refleciton in the mirror. I wear just casual clothes.

Pagkababa ko ay nagulat ako sa mga kaganapan. Gosh, ang aga naman ng mga to. Mga patay gutom yarn? Nakakunot noo akong bumababa dahil sa pagtataka.

"Ly!!! Happy birthday!" Grae greeted me first. Sabay sabay silang nagpaputok ng party poppers. Napangiti ako nang magsimula silang kumanta ng birthday song.

Nang matapos sila ay agad nila akong binati, ang iba ay niyakap ako.

"Aga niyo ah? 10 am palang." di ko makapaniwalang sambit.

"Syempre early bird kami. Dapat kami ang mauuna, kasi bida bida kami." Leia said.

"Mga patay gutom lang kayo. Makikikain na nga lang kayo, nagkalat pa kayo. Pulutin niyo yung mga confetti bago kayo kumain." pagbibiro ko. They let out a laugh for that.

"But seriously, thank you for coming. I don't know how to handle parties well cause I have never done this before. But enjoy the food, I guess?" I told them. Agad silang tumungo sa table at akmang kakain. I smiled when Sica came near me and hugged me.

"Happy Birthday Ly. Here's my gift." She handed me a gift, it's in a box. Binuksan ko ito at sumalubong sa akin ang dalawang libro na matagal ko nang hinahangad na bilhin. It's the house of God and When Breathe Becomes Air.

"Yow! This is lit!." Ang tagal nang nasa cart ko nito, pero may trust issues ako sa online shopping kapag books ang binibili ko kaya di ko din mabili. Wala din akong time to go to bookstores. Kaya niyakap ko talaga siya at nagpasalamat.

"Good luck on your journey Dr. Alcazar." she winked at me and then tapped my shoulder.

Lumipas ang dalawang oras nang makarating sila Laure. Ang dami nitong dala, may cake, pizza, balloons at kung ano ano pa. Di naman halatang nag effort sila.

"Mga beh, birthday ko lang to kalmahan niyo." I told them.

"It's your first birthday with us Ly! Syempre dapat special." Laure said.

"Para namang di niyo na ako makakasama sa birthday ko next year. Grabe oh, may tarpaulin pa-Ay putangina." Nang makita ko ay tarpaulin ay agad akong napamura.

Gago, yung picture ko tapos yung background ko parang nasa langit. Parang pang patay amp.

"Tangina, mukha ba akong patay? Oh tingnan mo tapos nag black pa kayong tatlo talaga no?" naiinis kong sambit.

"Of course, Laure planned it actually. Look at my nails, I also done it black according to the plan." mapang asar na sabi ni Chezka.

"Sayang, di ko nasabihan yung iba mag black." sabi ni Laure. "Huy!" siniko ni Laure si Rae.

"Gumalaw galaw ka beh. Minsan di ko alam kung kailangan kitang saluhin kasi para kang statwa diyan di ka gumagalaw tapos di ka pa nagsasalita." pagbibiro ni Laure, pero hindi siya pinansin ni Rae. She greeted me instead a happy birthday.

"Si Eli nasaan?" I asked.

"Ah... hahabol daw." Laure answered. I just nodded on it as a response.

THEY'RE enjoying the karaoke and the drinks. Nakakuwentuhan din nila si Mommy G kanina. Lola even told me she's happy I made some friends. I'm actually happy too. I checked my phone, to see any messages. She didn't message me, maybe she's busy and magkikita naman kami mamaya.

When the door opened, agad kong sinalubong si Gigi at Klare. Ayan nanaman magkahawak kamay nanaman ang mag bestfriend.

"Happy Birthday Ly!" Klare greeted me and then hugged me. Si Gigi din ay bumeso sa akin at binati ako.

When I Met You (GXG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon