Ly Zenith
I didn't have a chance to talk to her and apologize after what happened that day. Tatlong araw na ang nagdaan pero hindi ko padin mapigilang makunsensya dahil sa mga nasabi ko sa kaniya.
Sa tuwing papasok siya at makikita ko siya sa room, gustong gusto ko siyang lapitan at kausapin. Gusto ko siyang yakapin at humingi ng tawad sa lahat ng mga nasabi ko sa kaniya.
"Ly, andiyan na yung jowa mo." rinig kong tawag sa akin ng aking kaklase. Sa mga nagdaang araw na laging dumadaan dito si Sica, akala ng iba ay may relasyon kaming dalawa.
Palagi kaming pinagtitinginan dahil kilalang kilala din si Sica sa university. Well, she's a great and beautiful basketball player that's why. Hindi na lang kami nagsalita sa mga kumakalat na issue dahil ayaw naming mas lalong mapukaw ang atensyon nila sa amin.
Bago ako lumabas ay tiningnan ko ang table sa harapan. nakalabas na siya. Nang makita kong wala nang tao doon ay agad akong nag ayos ng aking mga gamit bago lumabas ng room.
Nginitian ko si Sica nang magkasalubong ang aming mga mata. Nilagay nito ang kaniyang kamay sa aking braso, gusto kong alisin yun dahil nararamdaman ko nanaman ang tingin ng mga tao sa amin, pero ayaw ko din naman na ma disappoint si Sica.
"Game natin later, may plano ka ba after that?" umiling ako bilang sagot sa kaniya. Nakita ko ang ngiti sa kaniyang labi dahil sa aking sagot.
"Great! Let's have some dinner. You okay with that?" I slowly nodded as a response. But instead of being excited, she frowned at me.
"Why are you so quiet? Is there a problem?" tanong niya habang nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin.
"Wala, gutom lang." maikling sagot ko, kaya agad niya akong niyaya na pumunta ng cafeteria.
WE WON the game. Nakipag shake hands ako sa aming kalaban bago ako lumabas ng court. Iinom na sana ako ng tubig habang naka upo ako sa bench, nang marinig ko mula ang pamilyar na boses mula sa loudspeaker ng court.
"Uhm, hi. I'm actually nervous on planning doing this thing. But, I just want you to know.... Ly Zenith Alcazar...."
fuck Sica, what are you doing?
"I like you so much."
Narinig ko ang hiyawan ng mga tao sa court. May mga pumalo ng aking balikat habang inaasar nila ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
Nabitawan ko ang bote na hawak ko nang makita ko ang taong naglalakad palabas sa exit door ng court. Walang pagdadalawang isip akong tumakbo, nararamdaman ko ang pagtingin ng mga tao sa akin pero hindi ko nalang ito pinansin.
Bakit ba ako tumatakbo? hindi ko alam.
Bakit ko siya hinahabol? tangina, hindi ko alam.
Pagkalabas ko ay agad kong tinanaw ang dalawang direksyon. Hindi ko na siya naabutan.
"She's on the restroom."
Napalingon ako sa boses na nagsalita sa aking likuran. Tiningnan ko siya na hindi malaman ang aking sasabihin. Tumango na lamang ako sa kaniya bago ako pumunta sa restroom.
Sinubukan ko itong buksan pero naka lock ito. Ilang beses ko itong kinatok, hanggang sa may sumagot.
"Wait a minute."
When the door opened, it immediately closed when she our eyes met. I knocked on the door again.
"You need to talk to me. We both know we have something to talk about." sigaw ko sa kaniya para marinig niya ako.
BINABASA MO ANG
When I Met You (GXG)
Romance[ GXG ] •PROFESSOR X STUDENT• - HIGHEST RANKING - professorxstudent #1