CHAPTER 19

1.9K 68 2
                                    

Bago kami umalis ng resort ay napagdesisyunan namin na mag enjoy at maglibang. Nandito kami ngayon sa court hindi para mag basketball, kundi para mag badminton, manuod actually ng badminton. Dahil ang mga professors ang mga naglalaro ngayon, duos sila kaya exciting ito.

Ang katabi ko na si Grae ay agad akong siniko at niyaya akong pumalakpak at sumigaw kasama siya dahil maglalaro na si Aiko at si Ate Sophie. loko talaga. Napatingin ako sa aking kaliwang gawi, nakatingin sa akin si Sica. Mukhang napansin niya ang pang aasar sa akin ni Grae, gago kasi eh.

Apat silang nasa court pero isang babae lang ang nakikita ko. Grabe sobrang ganda niya. Her legs are on shape while she's wearing that track shorts of mine. Yes, pinahiram ko siya ng short dahil kanina ay naka cycling lang siya.

Maikli lang din kasi ang t-shirt na suot niya, kaya tinanong ko siya kung gusto niya magpatong, pumayag naman siya. Kaso sinusungitan padin ako hanggang ngayon dahil sa ginawa ko. tss.

"GO MGA MAAM!! KAYA NIYO YAN!" Grae shouted. Nabatukan naman siya ni Leia dahil sa sobrang lakas ng boses nito, sakop buong court eh. Naalala ko tuloy si Elijah, kamusta na kaya yung babaitang yun?

Natuon ang pansin ko sa laro nang mag start na ito. Napapapalakpak ako sa tuwing titira si Aiko at hindi masasalo ng kalaban. Grabe ang lakas pala ng pwersa ng kamay nito, sa bagay masakit nga kapag nanghahampas siya.

Natatawa kami sa tandem nila ni Ate Sophie, dahil si Ate Sophie palaging na wro- wrong court. Nakikita ko naman ang disappointment sa mukha ni Aiko tuwing mangyayari ito, pero palagi niya din naman ito binabawian ng score kaya ayun, nanalo sila!

Nasa akin ang tumbler ni Aiko at ni Ate Sophie kaya nang papalapit na sila sa bench agad akong tumayo atsaka binigay ito sa kanila.

"Nice game Maam." complement ko. Pero tinarayan lang ako nito atsaka uminom ng tubig. sungit talaga. Sinunod ko na lang i- complement si Ate Sophie at masaya naman itong nagpasalamat sa akin.

Pagkaupo ko, natuon ang aking atensyon kay Sica nang magsalita ito.

"You and that two professors seems close huh?" she stated.

"I met them because of Elijah. Si Miss Aiko naman prof ko siya sa microbio kaya medyo hmm close kami? Ewan. Basta ano..." gusto ko yan. "basta yun na yun haha." dinaan ko nalang sa tawa dahil muntik na akong magsabi ng mga salitang hindi nararapat sabihin.

"So, kelan ka ulit available? Let's have a date again if ever may time ka. Just text m-"

"Alcazar, I need your hand for something." hindi na natuloy ni Sica ang kaniyang sasabihin nang sumingit si Aiko.

Agad naman akong nagpaalam kay Sica, nag aalinlangan ako dahil nakita ko ang pagka dismaya sa kaniyang mukha kaya humingi na lamang ako ng paumanhin sa kaniya.

"SORNA Maam."

Habang nasa byahe kami paalis ng aming resort na tinuluyan ay di padin ako pinapansin ni Maam kaya kanina ko pa siya sinusuyo. Pagkatapos ng pagtulong ko sa kaniya sa pagdala ng mga gamit niya at sa mga utos niya sa akin hindi niya padin ako pinapansin hmp!

Kinuha ko nalang ang keychain mula sa aking bag at paatago ko itong sinabit sa bag na naka patong sa kaniyang hita.

"What are you doing?" rinig kong tanong niya nang mapansin niya ang ginagawa ko. Hindi ko siya sinagot, sa halip ay patuloy ko nalang ang paglalagay ng keychain sa kaniyang bag.

Pagkatapos kong magawa iyon, ay kumuha ako ng bente na nasa bulsa ng aking bag at akmang inabot ito sa kaniya. Seryoso niya akong tiningnan habang ako naman ay nakangiti lang sa kaniya.

When I Met You (GXG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon