I got late in my first subject dahil napasarap ang tulog ko kagabi. Sobrang sakit padin ng katawan ko, at inaantok padin ako. I'm walking in the hallway on the way to my second subject with Elijah.
"You look so pale babe, you want to go to the clinic first?" nag aalalang tanong niya. Umiling lang ako sa kanya, dahil wala din akong ganang magsalita.
"Babe mukha ka nang patay, tara na sasamahan kita sa clinic." she added.
"Patay na patay na talaga ako Elijah." matamlay kong sagot sa kanya. Wala talaga akong gana ngayon, sumasakit pa yung ulo ko.
"Sa akin? Alam ko babe, sa ganda ko ba namang ito, sinong hindi di ba?" sabi niya. Tangina sumasakit na yung ulo, dinagdagan pa niya ng sakit ng tenga.
"Sakit mo sa tenga beh." pang aasar ko sa kanya. Pinalo niya ang balikat ko dahil naasar na siya sa akin. Nakarating na kami sa tapat ng room, pero ayaw pading bitawan ni Elijah ang braso ko.
"Sure ka babe ah? Kapag may nangyari sayo, tawag kalang ng darnaaaaa! Dadating ako pramisss!" malakas na banggit niya, kaya natawa naman ako dito. Muntanga talaga to minsan eh no. Bida nanaman siya sa boses niya, nakita kong pinagtitinginan nanaman kami.
"Bunganga mo talaga masyadong pinagpala noh?" I said teasing her, she rolled her eyes at me as her response. Nagising ang aking diwa nang maamoy ko ang pabangong iyon. Shit, nandito na siya.
Lumingon ako at nakita kong seryoso ang kanyang mukha. Napansin kong nakatingin ito sa nakasiklop na kamay ni Elijah sa akin braso, kaya agad na iniwas ko ito sa akin. Baka isipin niya nanaman na may relasyon kami ng kapatid niya.
"What are you waiting for? You're not coming in my class?" mataray na banggit niya.
"Why does my sister looks like red in angry birds when she's here in school?" pabirong bulong sa akin ni Elijah. I bite my lips immediately to hold my laugh, kasi naman palaging parang galit yung mga mata niya.
"Gagi ka talaga." nagpipigil na sagot ko sa kanya. I motioned waving my hand to her and she also bid goodbye to me.
I looked at Miss Rich smiling, but it fades when I saw her serious face with her brows furrowed. Kinabahan agad ako dito kaya agad akong yumuko at pumasok ng room habang nararamdaman ko parin ang titig niya sa akin.
As soon as I sat at my chair, I looked at Miss Rich's direction. To my surprise she is seriously looking at me while arranging her things in the table. Napalunok ako at agad na nag iwas ng tingin sa kanya.
"Prepare for your short quiz today." agad kong narinig ang mga pagdaing ng aking mga kaklase. Maging ako ay napadaing dahil biglaan naman. Well, sanay nanaman ako dito. Dati nga halos araw araw may pa surprise quiz, iba ibang subject pa.
Ang kaso lang, hindi ako nakapag advance reading sa textbook, kaya masaya ang buhay. Bahala na si darna. Agad naman akong napadaing dahil sa sakit ng aking ulo, kaya napahilot ako sa aking sentido.
The time for quiz ended, at hindi ko alam kung ano yung mga sinagot ko dun. 2 lang yata yung feeling kong tama dun. Nalulutang kasi talaga ako, gusto kong matulog at magpahinga.
Narinig ko ang pagtunog ng bell, na nagpagising naman sa akin. Tumingin ako sa mga kaklase ko na papaalis na. Tangina nakatulog ako. Agad kong inayos ang aking mga gamit at aakmang aalis na.
BINABASA MO ANG
When I Met You (GXG)
Romance[ GXG ] •PROFESSOR X STUDENT• - HIGHEST RANKING - professorxstudent #1