Twenty Four

29 0 0
                                    

I'm pacing back and forth sa sala ng apartment ko. Waiting for Connor to arrive. Ako lang ang mag isa sa sala dahil yung ibang tenants ay nasa kanya kanyang room.

Magdidilim na pero wala parin siya. Nagsisimula na kong kabahan pero winawaglit ko lang sa isip ko ang masasamang senaryo. He said I shouldn't be stressed. Makakasama sa bata, at tama siya. I should think of happy thoughts.

I sat on the sofa and thought of Connor leaving me to buy my cravings. Connor holding my hand while I'm in labor. Connor holding our baby for the first time, with teary eyes.

Naputol lang ang pag iisip ko sa future namin nang tumunog ang phone ko. It's him! I immediately clicked answer.

"He—"

"Hello po? Immediate family po ba ito ni Mr.. Connor Montecillo?" imbis na boses ni Connor ang bumungad, isang hindi pamilyar na boses ng lalaki ang narinig ko. May ingay at sigawan sa background.

Nag simula nanaman akong kabahan. Napahawak ako sa dibdib ko nang sumikip yon.

"O-Opo." yun nalang ang nasagot ko.

"Naaksidente po ang sasakyang minamaneho niya."Nanlabo ang mata ko sa narinig. Dadalhin po namin siya ngayon sa St. Benedict Hospital." sabi sa kabilang linya pero hindi na yun nag rehistro sakin.

Naaksidente. Hospital.

Tuluyan ng bumagsak ang luha ko sa narinig at napahagulgol. Narinig ko ang iilang boses at may ibang lumapit sakin. But all I'm seeing now is Connor's helpless body, filled with bruises and blood. No..

"Ma'am? Andyan pa po ba kayo?" tanong ng lalaki sa phone. "Ma'am!"

"P-Po?" pinunasan ko ang luha ko at bumungad sakin ang nagaalalang mukha ni Ate Lalain at ang iba pang tenants sa likod niya. "Saang o-ospital po?"

"St. Benedict Hospital, ma'am. Sa pasay po."

Hindi na ko sumagot at dere deretso ng lumabas. Hindi ko na napansin ang mga taong nag aalalang nakatingin sakin.

Pagkalabas ko ay pumara agad ako ng taxi. Malabo at hilam parin ang mga mata ko ng luha pero sinikap kong hanapin ang handle ng pinto ng taxi pero may humawa sa kamay ko at hinatak ako.

"S-Steel." tawag ko dito. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat ng isang puting sasakyan. Agad akong pumasok dun, siya naman ay umikot papuntang driver's seat at agad pinaandar ang sasakyan.

Iyak lang ako ng iyak habang binabaybay namin ang daan. Hindi ko siya tinanong pero alam kong sa hospital ang tungo namin. May tumatawag sakanya pero hindi niya yun sinasagot, naka focus lang siya sa pagmamaneho.

Nang matanaw ko na ang emergency room ay hindi na ko mapakali, at nang huminto ang sasakyan sa harap nun ay wala sa sarili na kong bumaba at lakad takbong pumasok ng emergency room.

"C-Con-con-nor." hikbi ako ng hikbi at hindi masabi ng deretso sa nurse ang pangalan ni Connor.

"Ma'am kumalma ka muna po." She guided me and pointed the seat but umiling ako. I was about to say his name again nang may magsalita sa gilid ko.

"Danica." tawag nito. Lumingon ako at nakita ko si Sir Phoenix. "This way."

Tumango ako at sumunod sakanya. Inabutan niya ko ng panyo pamunas ng luha ko pero kahit ilang punas pa ang gawin ko don ay hindi yun nauubos. Bagkus ay padagdag lang ng padagdag nang matanaw ko ang pamilya ni Connor. Ang iba ay nakaupo, ang iba ay palakad lakad, hindi mapakali.

MONTECILLO SERIES #1: Connor MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon