Naglalakad lakad ako sa 6th floor ng building namin sa kasalukuyan. Wala masyadong pumupunta dito kasi auditorium and sound system room lang ng school ang nandito sa floor na 'to kaya mahilig ako maglakad lakad dito, tahimik din.
Habang nakaupo ako dito sa hallway at nagbabasa ay may narinig akong mahihinang yapak at naaninag ko ang paa na papunta sa dereksyon ko.
Dahil sa takot at kaba, kinuha ko ang pepper spray sa bulsa ko. Lagi ko 'tong dala bilang proteksyon, nagcocommute lang kasi ako.
Nang malapit na siya saakin ay agad akong tumayo at tinutok sa di kilalang tao ang spray. Ngunit napatigil ako sa taong kaharap ko. Mali... Sa Adonis na kaharap ko.
Ang pogi niya! Lord, sino ba itong lalaking ito? Siya ba ang pinadala niyo bilang aking guardian angel dito sa Maynila? Sobra sobra naman po ata ito Lord!
"S-sino ka?" Nauutal kong sabi habang nakatutok parin sakanya ang spray pero ang mata ko ay di ko alam kung saan ko itututok. Siguro kung ako siya ay baka iisipin kong baliw ako, dahil hindi mapirmi ang mata ko.
"Put down the spray. I'm no harm." Nilamig naman ako sa pagiging cold ng boses nito. Unti unti ko namang binaba ang braso ko at tinignan siya. Nakatingin naman siya saakin at tinasaan ako ng kilay at nilagpasan ako.
Napaupo naman ako uli sa sahig at pinanood siyang mawala sa aking paningin.
Those hypnotizing blue eyes, pouty lips, blonde hair, pointed nose, perfectly angled jaw. He's a pure demigod! Ay shet! Epekto to ng kakabasa ko eh.
Sino kaya yun? Sigurado akong di siya estudyante, kasi di siya naka uniform, eh ang higpit pa naman ng patakaran dito sa university na 'to pagdating sa uniform. Uhmm, siguro isa siya sa badboy ng ibang course na napadpad lang dito para mag hanap ng chicks. Di na rin nakakapagtaka, tourism ang building na pinasukan niya kaya madaming magagandang babae talaga dito. Mukhang college na din siya dahil masyado siyang matangkad at malaki pa ang pangangatawan. Parang suki sa gym at alagang laga ang katawan.
Kung ikukumpara sakin, may nagsasabi namang maganda ako pero sa probinsya lang namin. Iba siguro kasi ang ganda ng probinsyana at mga taga Maynila. Laking Cebu kasi ako, isa ako sa masuswerteng nabigyan ng pagkakataon ng eskwelahan ko dati upang mabigyan ng scholarship dito sa Maynila.
"Nica! Baba na!" Tawag saakin ng kaibigan kong si Gelo sa dulo ng hallway. Kinumpas niya ang kamay niya na parang tinatawag ako kaya niligpit ko na ang gamit ko na nahulog dahil sa pagmamadali kong makuha ang pepper spray.
.......
NATAPOS na ang klase't lahat lahat ay di ko parin maalis sa aking isip ang lalaking nakasalamuha ko kanina.
Gusto kong magtanong tanong dahil malay natin may nakakakilala sakaniya. Curiosity kills the cat, kaya tinanong ko na si Gelo.
"Gelo, kaninang tinawag mo ako sa taas, may nakasalubong ka bang lalaki?" Tanong ko sakanya habang naglalakad kami palabas ng building
"Bakit? May multo ba dun sa floor na yun? Wag ka na bumalik dun! Mapahamak ka pa!" Nag aalala niyang sabi.
"Hindi. I mean, lalaki. Gwapong lalaki." Pagkaklaro ko.
"Wala naman." tumalikod na siya at nag ayos na ng bag niya pero kalaunan ay humarap ulit "Ay! Maliban na lang kay Sir Montecillo. Siya ba?"
"Huh? Sino yun?" Curious kong tanong
"Si Sir Montecillo yung anak ng director nitong university, wala ka kasi nung isang araw nung pinakilala siya hindi mo tuloy kilala. So which means siya na ang may ari nitong university." sabi niya habang patuloy kami sa paglalakad palabas na ng gate "Gusto mo ng sumabay saakin?"
"Ahh wag na. Mag jijeep nalang ako, sumabay na ako sa'yo kahapon eh" ngiti ko sakanya.
"Hindi, okay lang. Tara!" Pagyaya niya saakin.
"Hindi talaga, okay lang" at tumakbo na ako palabas ng university bago pa siya makapagsalita. Nagpaalam ako sa guard ng university at naghintay ng jeep.
......
PAGKADATING ko sa apartment ay nagbihis ako at bumaba dala dala ang iba kong libro. May kailangan kasi akong isubmit na PowerPoint presentation sa prof ko bukas kaya makikigamit ako ng computer dito sa apartment. Swerte naman ako at wala pang gumagamit kaya sinimulan ko na ito.
Malapit na mag 7:00 ng matapos ako sa PowerPoint ko. May onti pang oras bago ako maka dalawang oras kaya sinagad ko na, bawat oras kasi ang bilang ng bayad ng paggamit ng computer dito.
Sinearch ko ang apelyidong Montecillo at agad namang naglabasan ang iba't ibang articles about sa pamilyang ito. Masasabi kong magagandang lahi sila base sa mga pictures. May itsura naman yung director namin dati kahit matanda na, halata mong pinagkaguluhan din noong kabataan.
Ngunit may isang litrato ang nakakuha ng pansin ko. Naka coat siya na dark blue at parang paparazzi shot iyon na parang galing siya sa isang party or gathering.
Siya! Siya yung nakita ko kanina! Kinlick ko ang picture niya at nalaman kong Connor Montecillo ang kanyang pangalan. Pati pangalan gwapo!
"Ako naman!" May kumalabit saaking kasama ko dito sa apartment kaya di ko na natuloy ang pagsstalk sa gwapong lalaking nakita ko kanina. Kainis naman to si Remi!
........
THURSDAY na at nalalapit na ang aming 3rd Quarter exam kaya puspusan ang pagrereview ko kasi gusto kong mamaintain ang scholarship ko. Nandito ako ngayon sa library at nagrereview.
"Nica. Pinapatawag ka ng dean.." Sabi ni Jamie saakin, isa sa ka batchmate ko.
Inayos ko ang gamit ko at binalik ang ibang libro sa aking pinagkuhanan. Dumeretso naman ako sa dean's office at kumatok muna bago pumasok.
"Sir Valenciano?" Tawag pansin ko sa dean namin na nakatalikod at natatakpan ng swivel chair ang kabuuan. Unti unti naman itong humarap at halos mabuwal ako sa aking kinatatayuan ng malaya ko ng nakita ang mukha ng lalaking noong nakaraang linggo pa ginugulo ang isip ko.
"S-Sir Montecillo?" halos gusto ko ng sampalin ang sarili ko dahil sa pagkautal ko. "P-Pinatawag daw po ako ng dean."
"Miss Saraga, take a sit." Senyas niya sa upuan sa harap ko.
Nanlalamig ang kamay ko dahil sa kaba kaya pinisil pisil ko ang hita ko para mawala ito. Palagi kong pinipisil ang hita ko pag kinakabahan ako, at di ko alam kung bakit.
"You're a scholar here right?" Tanong niya at pinatong ang dalawang braso sa table dahilan upang makita ko pa lalo ang well-developed niyang muscles.
"Y-yes po" sabi ko ng nakayuko.
"Unfortunately, di ka na masusuportahan ng school na 'to." Nanlaki naman ang mata ko sa narinig at napaayos ng upo. "Napansin ko sa grades mo na medyo bumaba ka.. And ayoko magtuloy tuloy yun, dahil graduating ka na next school year"
"P-po? Matataas naman po ang marka ko--" naputol ni Sir Montecillo ang dapat ko pang sasabihin ng itaas niya ang kamay niya bilang sign para huminto ako sa pagsasalita.
"Don't worry, I'll give you a chance" nagliwanag naman ang mukha ko sa narinig
"Ano po gusto niyo gawin ko?" wag naman sana mahirap. Itong scholarship na to lang ang meron ako.
"Simple. Just work for me pag wala kang klase. Be with me at my office. My. Own. Office."
