Four

82 1 0
                                    

Pagkapasok namin sa bar ay medyo maingay na at mausok. Agad naman namin nakita ang mga kaklase namin at dumeretso na kami sa table nila. Ngumiti si Gelo saamin at pinaupo kami sa tabi niya. Pinipilit ko si Jana na umupo sa tabi ni Gelo pero ayaw niya kaya ako nalang umupo dito. Sabay sabay naman dumating ang mga magbabarkada kong kaklase

"Ganda ng porma natin ngayon Nica ha?" Sabi ng isa sakanila

"Oo nga, pwede ba manligaw miss?" Ngisi naman ng isa. Natawa nalang ako sakanila at ininom ang mango juice na inorder ko. Ayoko muna maglasing eh.

"Come on Guys!! Party!!" sigaw ni Kylin habang tinataas pa ang kamay. Tumayo sila isa isa at pumunta sa dance floor ng unti unti ng lumalalim ang gabi. Kami lang ni Gelo at isa ko pang kaklase na babae kasama ang boyfriend niya ang natira dito sa table.

"Ayaw mo sumayaw?" Tanong ko kay Gelo

"Okay lang ba?" Nagaalalang tanong niya. Siguro nag aalala siya baka kung ano mangyari saakin.

"Sige lang." Ngiti ko sakanya. Tumayo naman siya at nakihalo na sa mga sumasayaw. Nabobore na ako at nao-OP sa magjowang katabi ko kaya pumunta ako sa mismong bar at do'n umupo at umorder ng light alcohol.

"Here's your drink ma'am" at umalis na ang bartender pagkatapos niya ibigay saakin ang inumin at sinerve ang iba pang umoorder.

Nang inumin ko ang alak ay gumuhit ang matapang nitong lasa sa lalamunan ko. Nang tumagal ay nasanay na rin ako sa lasa at umorder pa akong isa. Habang umiinom ako ay nakatingin ako sa mga taong sumasayaw. May naguudyok saakin na makihalo dito kaya inubos ko ang inumin ko at sumayaw na rin.

Ginigiling ko ang katawan ko ng may maramdaman akong lumapit sa likod ko.

"Hey miss.." Nagtindigan ang balahibo ko sa batok ng maramdaman ko ang hininga niya dito at nilagay niya ang kamay sa bewang ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko tinanggal, marahil sa kalasingan na din.

Sumasayaw parin kami ng may lumapit na isa pang lalaki sa harap ko na matangkad at lumapit sa tenga ko.

"Wanna have fun tonight, with the both of us?" Narinig ko siyang ngumisi at hinaplos niya ang binti. Ngunit bago ko pa sila matulak may gumawa na nito para saakin.

Natagpuan ko na lang ang dalawang lalaki na nakikipag suntukan sa isang pamilyar na lalaki.

"Sir Connor!" Sigaw ko sa pangalan ng taong nakikipagbugbugan sa dalawang lalaki sa kabila ng pagkahilo ko.

"Fucking shit!! Don't you ever touch her!" Sigaw nito at nagpakawala pa ng tig-isang suntok at sipa sa isang lalaki at hinarap ang isa.

"She's mine, you fucktards!!" At sunod sunod niya itong sinuntok. Hindi naman nagtagal ng dumating ang mga bouncer ngunit di ko na sila napagtuunan ng pansin dahil hilong hilo na ako at mawawalan na dapat ako ng malay ng may biglang sumalo saakin at kinarga ako kung saan.

Amoy palang niya ay nakakapanghina na..


......

NAGISING ako sa isang malambot na kama na hindi ko nakasanayang maramdaman pagkagising ko ng umaga. Minulat ko ang mata ko at tumambad saakin ang kulay abong kisame, tumingin ako sa paligid at bumungad saakin ang napakapanlalaking kwarto. Ngunit malinis ang mga gamit. Navy blue na pader, isang itim na study table na may computer na may mamahaling tatak at iba pang mamahaling kagamitan. Madalas puti, abo at itim ang mga kulay sa kwarto na ito, maliban lang talaga sa dingding.

Napatingin ako sa isang pinto ng marinig kong may bumabagsak na tubig galing sa loob nito. Tinignan ko ang damit ko at nanlaki ang mata ko ng iba ang aking damit.

Iniisip ko parin kung ano ang nangyari kagabi ng may maramdaman akong nakatingin saakin kaya napalingon ako sa pinto ng pinanggalingan ng tunog ng tubig kanina. At nakita ko doon ang gwapong lalaking nakatapis lang ng tuwalya habang nakasandal sa pinto. Si Connor!

"So how's your sleep?" Tanong niya at umalis sa pagkakasandal sa pinto at pumunta sa isa pang pinto at nakita kong kumuha siya ng damit. Nakita ko namang hinawakan niya ang tuwalya kaya agad akong umiwas ng tingin. Hindi manlang sinara yung pinto.

"S-sino po nagpalit ng damit ko?" Pagtatanong ko at hindi ko pinansin ang kanyang tanong.

"Don't worry, yung isa sa maid" sagot niya at lumabas ng pinto na naka sweatpants at itim na hapit na sando dahilan upang lumabas ang kurba ng maskulado niyang katawan at may dala din siyang paper bag.

"Here" lapag niya ng paper bag sa tabi ko at umalis sa harapan ko at binuksan ang TV saka naupo sa bean bag sa harap ng kama.

Binuksan ko ang paper bag at nakita ko doon ang isang simpleng pastel blue na longsleeves na polo at maong pants. May kasama din itong sneakers. Hindi naman balot na balot?

"Salamat" pagpapasalamat ko ng matapos na ako mag bihis sa banyo "Alis na din po ako" paalam ko at ambang lalabas na ng pigilan niya ako.

"Let's eat first" yaya niya.

"Di na po, may mga kailangan pa po kasi akong gawin.." Palusot ko kahit wala naman talaga akong gagawin

"You're not good at lying. C'mon" pagbalewala niya sa aking sinabi at hinila ako palabas. Bumungad saakin ang mahabang hall way at iba't ibang painting. Bumaba kami sa magarang hagdanan at pumunta sa isang direksyon.

"Oh hey Connor!" Nagulat ako sa pagbati ng isang lalaki na mukhang hindi nalalayo ang edad kay sir Connor pagkapasok namin ng kanilang dining room. Kumindat ito saakin ng makita niya ako dahilan para bahagya akong mamula

"What are you doing here asshole?" Walang emosyong tanong ni sir Connor at umupo sa isang upuan at sinenyasan akong umupo sa tabi niya

"Wala lang, makikikain lang" sabi niya at umupo sa harap ko at nagsimula na kumain kasabay ni sir Connor, sumunod din naman ako pagkatapos ko magdasal. Tahimik lang kaming kumain, paminsan ay nagtatanong yung lalaking kaharap ni Connor, na mukhang pinsan niya, at sinasagot lang nito ng tango at iling.

"Sir, salamat po sa almusal. Pero kailangan ko na po talagang umuwi" tumayo ako at narinig kong umurong rin ang upuan sa gilid ko at nakita ko siyang nagpupunas ng labi niya at humarap saakin pagkatapos.

"Hahatid na kita" sabi niya at sinenyasan akong sumunod sakanyaz

"Di na po kailangan sir" pagtutol ko habang nakasunod sakanya pero di niya ako pinansin at dumeretso lang sa isang banda  pagkalabas ng bahay nila at nakita kong garahe pala ito. Nanlaki ang mata ko sa nakitang lima ang sasakyan na nakatengga lang doon at puro mamahalin pa.

Dumeretso siya sa isang kulay metallic silver na sports car na di ako pamilyar sa tatak at modelo pero nasisigurado kong ilang milyon ang halaga nito. Binuksan niya ang pinto at sinenyasan akong pumasok at dumeretso naman siya sa driver's seat at pumasok na rin ako pagkapasok niya.

"Sir--" di ko pa nasasabi ang nais kong sabihin ng mapigilan niya ako dahil sa pagsalita niya.

"Don't call me sir, even sa office. Just Connor, or kung anoman gusto mo itawag saakin" seryoso niyang sabi at itinuon ang pansin sa pag ddrive at ako naman ay itinuon ang pansin sa mga gusaling aming nadadaaanan.

MONTECILLO SERIES #1: Connor MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon