Three

95 0 0
                                    

Isang buwan na ang nakalipas mula ng magtrabaho ako kay Sir Connor.

Okay lang naman ang mga pinapagawa niya, kaya naman ng powers ko. Pero minsan ang nakakainis pinapababa niya ako sa iba't ibang department tapos itatanong kung nasaan na yung pinapapasa niya tapos yun pala nasubmit na. Diba nakakapikon? Pero alam ko namang wala ako sa lugar para mainis sa mga pinapagawa niya saakin lalo na't binabayaran din niya ako

Ngayon, pinapabili niya ako ng lunch niya. Sa pagkakaalam ko gawain yun ng secretary pero di ko alam kung bakit ako ang pinapagawa niya. Tsaka pwede naman siyang mag order nalang.

Bumili nalang ako sa chowking ng chicken lauriat para sakanya at beef wanton saakin. Binigyan naman niya ako ng 1k para pambili at sinabi din niyang isali na din niya yung sakin kaya walang problema. Ito na ang pinakamalapit sa university kaya dito nalang ako bumili.

Papasok palang ako ng building ng marinig kong may tumawag saakin

"Nica!!" Si Sir Steel pala. Palabas siya ng kotse niya at binigay sa valet ang susi ng sasakyan

"Sir Steel! Hello!" kumaway ako sakanya at nagsabay na kami sa paglalakad.

"Steel nalang. Saan ka galing?" Tanong niya habang hinihintay ang pagbukas ng elevator.

"Bumili ng pagkain ni Sir Connor pati narin ng saakin" sagot ko at pumasok na sa elevator ng bumukas ito.


"Diba dapat secretary niya ang gumagawa nun?" Nagtataka niyang tanong.

"Ewan ko, wala din naman kasi akong ginagawa kanina"


.....

NAGHAHANDA ako ngayon para sa sem-ender party namin ngayon sa school. Naka casual lang ako, black na simpleng dress tapos white na sneakers na nabili ko sa divisoria. Gamit ko rin ang isa ko ring sling bag na binigay lang ng pinsan ko na galing sa America.

Nagjeep lang ako papunta at naglakad na papuntang buliding ko. Pagkapasok ko sa room namin ay onti palang ang tao.

"Hi Nica!" Bati ng iba kong kablockmate pagkapasok ko. Kumaway lang ako sakanila at umupo sa gilid. Habang naghihintay ay nagbabasa lang ako ng isang libro na sinulat ni John Green. Hindi rin nagtagal ay naramdaman kong may tumabi saakin at kinurot ang pisngi ko.

"Aray naman Gelo!" alam kong si Gelo yun kasi siya lang naman ang mahilig mangurot ng pisngi ko eh.

"Kanina ka pa?" Pagbaliwala niya sa pagngiwi ko at ngumisi lang siya

"Medyo" at pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa ko hanggang sa nagdatingan na ang iba ko pang kaklase at dumating na rin ang inorder naming pagkain at kinain na namin ang mga ito. Ngunit naputol ito sa kalagitnaan ng aming pagkain ng may magbukas ng pinto. Kumpleto na naman kami kaya nagtaka kamikung sino iyon kaya lahat kami napatingin dito.

At pumasok don ang isang lalaking may makapal na kilay, asul na mata, maputing balat, may matapang na aura, may magandang panga, matangos na ilong at may pagka-pouty na labi. Si Sir Connor!

"May I excuse Miss Saraga?" Malamig niyang sabi habang nakatuon ang tingin saakin. Tinignan ako ng teacher ko at sinenyasan akong sumunod na. Tumayo naman ako at sumunod sakanya sa labas.

"Come with me later. 9:00--" di pa siya natatapos sa sasabihin niya ng magsalita ko

"Uhmm.. Pasensya na, may lakad po kasi kaming buong batch mamaya. Mahaba haba din kasi ang bakasyon." Nakayuko kong pagsabi.

"Saan?" Tanong niya

"Sa Gufer Restobar"

"Magpaparty kayo?" Nakakunot noo niyang tanong

"Opo, bakit?" Ano ba naman kasing tanong yan? Nasa bar kami, sa malamang magpaparty kami. Ano sa tingin niya? Mag bible study kami dun habang nagtutugtugan ng malakas?

"Nothing" at tumalikod na siya saakin at umalis, ako naman pumasok na ulit at tinuloy ang kinakain.

Pagkatapos namin kumain ay naglaro kami ng spin-the-bottle. Lahat ng mga secrets namin sa isa't isa sa mga kaklase namin sasabihin namin dito, lalo na at may mga lilipat na. Natuwa naman ako na puro compliments ang binibigay nila saakin, wala akong nakuhang negative comments

"Oh guys! 5:00 na, 7:00 tayo sa Gufer ha!" Pagpapaalala ni Kylin, party-goer kong kaklase. Siya nagplano lahat ng 'to.

"Nica!" May kumalabit saakin sa kalagitnaan ng pagaayos ko sa mga gamit ko. Si Jana pala. "Punta ako sa apartment mo mamaya" malapit lang kasi bahay niya sa apartment ko kaya medyo naging close na din kami.

"Ah sige"

"Susunduin ko nalang kayo ng mga 6:45. Okay lang?" Singit ni Gelo

"Hindi na, magpapahatid nalang kami sa driver ko" pagtanggi ni Jana kay Gelo. Mukhang iniiwasan ni Jana si Gelo, kanina kasi umamin siya kay Gelo na crush niya ito kaya siguro naiilang pa siya.

"Sigurado kayo?" Nagaalinlangang tanong ni Gelo. Tumango lang si Jana at nauna ng lumabas at sumunod ako at dumeretso na sa sakayan ng jeep.

Nagtake out ako sa isang karinderya at kinain nalang ito sa apartment ko. Pagkatapos ko ayusin ang pinagkainan ko ay naidlip muna ako


...

NAGISING ako sa mahinang katok. Tinignan ko ang orasan at napagalamangang 6:30 na kaya napabangon ako agad.

"Ate Nica, may bisita ikaw sa baba" at narinig ko ang boses ni Mimi at munti niyang katok. Si Mimi ang isa sa anak ng kasama ko dito sa apartment, si Ate Lalain. Mabait silang mag ina. Ewan ko nga kung asan yung daddy ni Mimi eh, ayoko itanong baka kasi masyadong private.

Binuksan ko ang pinto at nagpahug kay Mimi bago kami bumaba kasi nasa baba din daw si Ate Lalain .

"Pasensya na Jana, nakaidlip kasi ako. Sa kwarto muna kita" pagyaya ko sakanya at pumasok kami sa kwarto ko. Umupo lang siya sa kama at ako naman pumunta sa maliit kong lalagyan ng damit at naghanap ng magandang isuot.

"Ito, maganda" halos mapatalon ako ng nasa likod ko na pala si Jana. Tinuro niya ang black long sleeves kong dress na hapit sa katawan ko, lacey yung sleeves niya at hanggang gitna ng hinta ko lang ito kaya medyo di komportable. Di ko pa ito nasusuot kaya di ko alam itsura nito saakin. Bigay lang sakin yan ng kaibigan ko sa probinsya nung birthday ko. Dinala ko kung sakaling kailangan ko.

"Sigurado ka? Parang maikli" napakamot naman ako sa batok ko

"Di yan, mag shorts ka nalang sa loob. Tsaka sexy ka naman. Sandali, marunong ka naman magheels diba?" Iiling sana ako ng itaas niya ang kamay niya "Opps! Nag heels ka nung Ms. Intrams last year kaya wag kang hihindi. Sige, maligo ka na. Papakuha ko lang sa driver ko yung heels ko. Sayo nalang din yun. Maliit na eh, sayang naman kung sa kani kanino ko nalang ibibigay diba?" Ngumiti siya saakin at lumabas ng kwarto ko. Ako naman ay naghanda na at naglagay ng konting pulbo at tint sa labi at pisngi. Manipis lang ang nilagay ko kaya kung tirignan ay parang natural lang.

Maya maya ay bumalik si Jana habang hawak ang black heels nito. Pinasuot niya sakin iyon at pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin.

"Oh diba! Eye catcher ka mamaya!" pumalakpak pa siya kaya natawa ako saka niyaya na siyang bumaba.

MONTECILLO SERIES #1: Connor MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon