Eighteen

29 0 0
                                    

Kanina pa ako pabaling baling sa kung saan saan dahil hindi ako makatulog. Iniisip ko si Connor. Ano na kayang ginagawa niya? Nasaan kaya siya? Nag dinner na kaya siya? Sino kaya kasama niya? May babae kaya siyang kasama?

"Ughh! Ayoko na!!" dahil sa inis ko ay napasabunot ako sa buhok ko. Ako naman may kagagawan nito eh! Nainis siya. Nahirapan siya. Nasaktan siya. Napagod siya. At lahat ng 'yun ay dahil sakin, sa mga pinapagawa ko sakanya. Masyado akong naging maka sarili. Hindi ko naisip ang nararamdaman niya.

Natigil lang ako sa pag palo at sabunot sa sarili ko nang tumunog ang phone ko. Tinignan ko 'yun at napalundag ako kasabay ng puso ko nang mabasa ko kung sino ang tumatawag.

'Connor calling..'

Agad ko iyon sinagot. "Hello?" Maingay ang background, para bang nasa isang bar.

"Hey, is this Connor's girlfriend?" seryoso at malamig ang boses ng sa kabilang linya pero di ko mapigilan ang mag blush dahil sa tawag niya sakin.

"Y-Yes. Sino 'to? Asan si Connor?"

"This is Phoenix, he's cousin. He's with me, lasing siya. He keeps on calling your name kaya hinanap kita sa contacts niya. Do you mind kung pumunta ka dito? Kung okay lang naman, pero kung—" pinutol ko siya agad at tumayo na sa kama ko para kumuha ng jacket at wallet. Buti nalang pwede namang pang alis ang shorts na suot ko kaya di ko na kailangan mag tagal.

"Asan kayo?" tanong ko habang palabas na ng apartment ko.

"Club 38, sa Ortigas."

"Sige. Papunta na ako. Please take care of him." binaba ko na agad ang tawag nang may makita akong taxi. Pinara ko agad ito at sumakay. Bahala na sa gastos.


.......

AGAD akong bumaba ng taxi nang makarating na ako sa Club 38 na sinabi ni Phoenix.

Nag deredretso ako papasok pero pinigilan ako ng isang guard. "Miss, full na po."

"Ah kuya, may kasama po ako." sabi ko.

"Nako miss. Luma na yan. Hindi na makaka lusot samin iyan. Tsaka yang damit mo, hindi yan ang damit para dito. May dress code kami. Hindi ito pajama party." tumawa ito at nakitawa din ang isa pang guard na katabi nito.

"May kasama po talaga ako. Si Phoenix Montecillo po." sabi ko. Nanlaki ang mata nito at nagka tinginan sila nung isang guard na kasama nito.

"P-pangalan po ma'am?" unang naka bawi ang guard na katabi nito na nakaitawa labg kanina.

"Danica Saraga."

"Nako ma'am! Pasensya na po. Sige po, pasok na po kayo. Nasa VIP room 3 po sila sir Phoenix." tinanggal nito ang harang at pinapasok na ako.

Mausok doon at amoy alak. Nakakahilo din  dahil sa mga ilaw. Nakapunta na ko sa mga bar, kasama sila Kylin, pero hindi yung ganito. Sobrang wild na. Na halos di na siya makalakad dahil bawat lakad niya ay may makakatapak o may makakabunggo sakanya dahil sa siksikan, pero hindi mo maikakaila na pang mayayaman itong bar na 'to.

"Kuya." tawag niya sa waiter na nadaanan niya. Humarap naman ito sakanya at hinintay siyang mag salita. "Nasaan ang VIP Room 3?"

"Sa taas po. Pangatlong pintuan. May nakadikit naman po na mga numero sa mga pinto ng bawat room."

"Ah sige, salamat." pagpapasalamat ko at nilibot na ang paningin ko para hanapin ang hagdanan. Nakita ko din naman iyon, hindi iyon kalayuan pero nahirapan parin akong makipag siksikan. Nakahinga lang ako ng maluwag ng maka akyat na ako.

MONTECILLO SERIES #1: Connor MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon