Two

97 1 0
                                    

Kakatapos lang ng klase ko at papunta ako ngayon sa library para mag review ulit. Habang naglalakad naman ako ay naramdaman ko ang panginginig ng mumurahin kong cellphone

From: +63917 *** ****
Proceed to my office. Montecillo Corp.


Si Sir Connor 'to, surebols. Saan kaya niya nakuha number ko? Baka sa school info ko...

To: Sir Connor
Okay po.

Lumihis na ako ng daan para lumabas ng university at sumakay ng jeep sa labasan.

Halos 20 minutes lang ang byahe ko papunta sa sinabi niyang address. Ngayon, nakatingla ako sa isang mataas at malaking gusali na may malaking nakasulat sa taas na 'Montecillo Corporation'. Namamangha pa ako ng winagayway ng guard ang kamay niya sa harap ng mukha ko

"Miss, ano po kailangan nila?" Tanong nito

"Uhmm.. Nandyan po ba si S-sir Connor?"

"Nandyan po. Pasok nalang po kayo, punta muna po kayo sa receptionist para manghingi ng visitor's pass" magalang niyang pagpapaliwanag. Ngumiti lang ako dito at kahit nanginginig ay sinikap ko paring pumasok at humingi ng visitor's pass sa babae sa lobby.

"Good Afternoon po! Pinapapunta po ako ni sir Connor Montecillo." bungad ko sa receptionist.

"Danica Saraga po ba?" tanong niya, tumango naman ako. "Paheram nalang po ng ID"

Binigay ko sakanya ang school ID ko at nag type naman siya sa keyboard. Maya maya ay binalik din niya ang ID ko na may kasamang visitor's pass. "Proceed to the 16th floor nalang po, ma'am" turo niya sa elevator.

Kinakabahan ako habang nakasakay ako sa elevator patungo sa 16th floor. Ngayon lang siya nagtext mula nung sinabihan niya akong magtrabaho sakanya apat na araw na ang nakalipas.

"K-kay Sir Montecillo po? Ah este kay Sir Connor Montecillo po" oo nga pala, madami palang Montecillo dito.

"Name nalang po ma'am?" tanong ng babaeng receptionist ata dito sa 16th floor.

"Danica. Danica Saraga" tumingin naman siya sa isang papel at inangat ang tingin sa akin at ngumiti.

"Kanina pa po kayo hinihintay ni Sir. Pasok nalang po kayo don" turo niya sa dulong pinto. Ito ang pinakamalaking pinto kaya di na nakakapagtaka na dito ang kanyang opisina. Ang pagkakaalam ko kasi ay iba iba ang floor nilang magpipinsan na Montecillo. Nakita ko lang kanina sa elevator. 20th floor ang pinakamataas at dun nakalagay yung pangalan ng school director namin dati.

Dahan dahan naman akong humakbang palapit dito at kakatok na dapat ng maalala ang sinabi ng sekretarya niya ata na pumasok nalang kaya pumasok nalang ako.

Unang bumungad saakin ang dalawang taong naghahalikan sa upuan. Kahit nakatagilid ang lalaki ay kilala ko na ito. Agad akong napaiwas ng tingin sa nasaksihan at lalabas na dapat muli ng masangga ko ang isang picture frame sa gilid ngunit buti nalang at hindi nabasag pero nakagawa parin ng ingay kaya natatarantang tumigil ang babae at napatingin saakin. Si Connor naman ay parang walang pake.

"E-excuse me" nakayukong lumabas ang babaeng kanyang kahalikan habang gulo gulo pa ang buhok at base sa kanyang kasuotan ay mukha siyang empleyado dito.

"Sorry for that" pagtikhim ni Sir Connor na may lipstick pa sa gilid ng labi. Inayos niya ang sarili at tumingin sa computer na parang walang nangyari "Sit down" turo niya sa sofa sa gilid ko.

Medyo matagal na at wala parin siyang pinapagawa saakin kaya di ko na napigilan magtanong "Sir, a-ano pong gagawin ko?"

"Nothing." Cold niyang sabi.

MONTECILLO SERIES #1: Connor MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon