Kinukuha ko ang libro ko sa bag nang tumahimik ang buong klase dahil sa pag bukas ng pinto. Kakaiba kasi kahit naman may pumasok ng prof hindi sila tatahimik, hihinatayin munang sumigaw ang prof namin bago tumahimik. Lupit diba?
"Danica." kalabit sakin ni Jana. Hinarap ko siya at hinintay ang sasabihin niya, pero ang tanging ginawa lang niya ay inguso ang harap. Humarap ako at nanlaki ang mata.
"Good afternoon class." malamig na bati ni Connor habang matamang naka tingin sakin. Automatic na nagsitayuan ang mga kaklase ko, kasama na rin ako.
"Good afternoon, Mr. Montecillo." bati ng lahat pero ako ay hindi nagsalita.
"Sit down." sabi niya at nagsiupuan naman kami "Get your ballpen, according to Ms. Ferrer you're having a surprise test today."
Unusual ang nangyayari ngayon, dahil kadalasan pag may mga surprise test ay aangal ang mga kaklase ko pero ngayon ay tahimik lang sila na kinuha ang mga ballpen nila. Sino ba namang hindi matatakot eh school director yang nasa harap. Well ako, hindi ako natatakot. Naiinis ako dahil naririnig kong nag bubulungan sa likod ang mga mahaharot kong kaklase at pinupuri si Connor.
"Shocks! Ang gwapo talaga! Gusto ko magpapahi!"
"Go girl! Hindi yan makaka-hindi sa kamandag mo."
"Of course, ako pa ba?" at saka sila nagtawanan. Habang ako napakuyom nalang ng palad. Ah talaga ba Charmaine? Pakyu!
Pinasa na ng nasa harap ko ang papel sakin kaya nag karon ako ng pagkakataong tignan ang mga mahaharot sa likod. Tinaasan ko sila ng kilay kaya tumahimik sila.
Nagsusulat na ako sa papel ko nang maramdaman ko ang presensya ni Connor sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin dahilan para mag squat siya sa gilid ko.
"Baby... Sorry na." sabi niya kaya napasinghap ang mga kaklase ko, malamang narinig nila. Wala talagang kapake pake 'to sa paligid.
"Connor, tigilan mo muna ako, nag sasagot ako." pag iisnab ko sakanya at tumingin sa mga kaklase ko. Laking gulat ko nang lahat sila ay nakatingin saamin at si Jana ay naka ngisi pa.
Napansin iyon ni Connor. "Class, focus on your test." nagsi harapan naman ang mga kaklase ko sa mga papel nila pero alam kong nakikinig parin sila. "Danica, sorry na nga kasi."
"Mamaya na pwede? Nag sasagot nga ako."
"Alright." bumuntong hininga siya at tumayo na.
Nang matapos na ako ay tumayo ako at naglakad papunta sa harap para ipasa ang test paper ko. Apat nalang kami dito sa classroom dahil pinalabas na ni Connor ng mga tapos na, maaga ding lumabas si Jana kasi may pinapabigay daw ang mommy niya sa driver nila at kinuha niya yun sa baba.
Nilagay ko yung test paper sa ibabaw ng mga papel ng mga kaklase ko at aalis na sana nang hawakan ni Connor ang kamay ko.
"Danica, talk to me now please" sabi niya at nahimigan ko pa sa boses niya ang pag papaawa.
"Ano?" humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay para iparating na ituloy niya ang sasabihin. Tumingin siya sa likod ko kaya tumingin din ako. Nakita kong palapit na ang dalawa kong kaklase para mag pasa ng papel.
Hinintay muna ni Connor makalabas sila bago muling humarap sakin. Basically kaming dalawa nalang ang nandito.
"Sorry na." panimula niya. "Don't be mad"
"Hindi ako galit, naiinis lang ako." sabi ko.
"Why?" tanong niya.
"May nakakilala sakin at ayokong mangyari nanaman ang nangyari sakin at sa grupo ni Mandy. Ayoko ng gulo." sabi ko at siya naman ay mas sumeryoso ang mukha.