'Baby, 1 day left before you see my handsome face again! Don't forget to eat. Especially, don't forget to smile, okay?'
That's his 'message of the day'.
Papunta na ako ngayon sa classroom for my second to the last subject. Pagkapasok ko ay andon na ang prof pero mukhang kakasimula lang din dahil kinukuha palang ng mga kaklase ko ang mga laptop nila. Agad nalang akong umupo na hindi niya napapansin. Katabi ko si Janna.
"Bakit ka late? Mahaba pila sa CR?" tanong niya. Magkasama kasi kami kanina pero pinauna ko na siya kasi nga pupunta ako sa CR.
"Sarado. Kaya sa 4th floor pa ako nag CR. May pila din." explain ko. "Ano gagawin?"
"May sinend lang si Ma'am na online seatwork. In-email niya." Kinuha ko ang laptop ko na medyo may kalumaan na pero nagagamit pa naman. Hindi nga lang updated.
Hinanap ko ang email at binuksan yun. Mabilis ko lang iyon natapos at sinend na ulit kay Ma'am. Chinecheck yun pag na email na, at nag early dismissal din sa mga tapos na. May katamaran kasi talaga tong prof namin na 'to.
"Miss Saraga. You can leave." tumayo naman ako. Sumenyas naman ako kay Janna na hintayin ko siya labas.
Nang makalabas ay nagsisitinginan parin sakin ang ibang estudyante pero hindi ko na sila masyadong napansin nang bigla akong mahilo. Napahawak ako sa dingding nang mag simulang umikot ang paligid ko. Sandali lang yun pero hindi parin ako makagalaw, pakiramdam ko ay pag gumalaw ako ay tuluyan na kong babagsak.
"Nica!" may tumawag sakin. "Danica, uy!" kinalabit ako nito pero nang hindi ako lumingon ay pinihit niya ko at doon na ko bumagsak. Naramadaman kong may sumalo pa sakin bago ako tuluyang bumagsak sa sahig at mawalan ng malay.
...
Naalimpungatan ako nang may narinig akong nag uusap sa gilid ko."Wala ka ba talagang number niya? O kaya ng mga pinsan niya?" It was a man's voice.
"Wala nga! Ang kulit mo. Edi sana kanina ko pa tinawagan." and a woman.
Unti unti kong dinilat ang mata at medyo nag adjust pa sa liwanag bago tumingin sa paligid. Nasa school clinic ako.
"Nica!" biglang sumulpot sa gilid ko si Janna at nasa likod niya si Gelo. "Ay ito, tubig." she handed me a bottle of water na agad ko namang ininom.
"Anong nangyari?" I asked pagkatapos mahimasmasan.
"Nahimatay ka girl! Buti nalang tama timing ni Gelo, nasali ka agad." Janna said.
I looked around, looking for a clock but there's none "Anong oras na?"
"3PM. Excused ka na sa last subject natin. Nakita naman nung prof yung nangyari sayo. Sabi niya umuwi ka na daw, kung kelangan ay samahan na din daw kita. O diba salamat sayo at maaga din ako uuwi."
"Ikaw naman?" baling ko kay Gelo.
"Wala na kong subject. Hinintay nalang kita magising."
"Ganon ba? Salamat." umayos ako ng upo at nilaylay na ang paa ko sa kama. "Pwede na ba ko umuwi?"
"Pwede na daw. Tara, hatid na kita. Andyan na din driver ko." alok ni Janna pero umiling ako.
"Wag na. May dadaanan ako."
"Saan naman? Samahan ka na namin." Gelo offered.
"Hindi na. Ayos lang." pilit ko. Ayokong magtanong pa sila kung bakit ako dun pupunta.