Sixteen

34 1 1
                                    

Andito ako ngayon sa pinagbabaan sakin ni Connor kanina at hinihintay siya. Kakatext niya lang na palabas na siya ng parkinb. Hindi rin naman nagtagal nang matanaw ko na ang kotse niya. Lumabas siya at umikot para pagbuksan ako. Umupo na ako at as usual siya nanaman nag kabit ng seatbelt ko.

"I'm hungry. Let's have dinner first?" alok niya pero sa boses niya ay parang nag dedemand siya.

"Sige."

"What do you want to eat?" tanong niya.

"Parang gusto ko mag seafood." sabi ko nang maalala ko ang paboritong timpla ko ng hipon ni nanay. Napansin kong natigilan si Connor pero tumango din naman.

Maya maya ay niliko na niya ang isang mall at nag park sa basement parking nito. Nauna siyang bumaba para pagbuksan ako. Pag baba ko ay kukunin ko na dapat ang bag ko nang kinuha na niya iyon.

"Ako na." pilit ko 'yong kinukuha sakanya pero ayaw niya. Sa huli ay bumuntong hininga nalang ako at hinayaan siya akayin ako papasok ng mall. May dala nanaman tuloy siyang pink na bag.

Nag tungo kami sa isang seafood restaurant na may pila pero nang makita ng receptionist si Connor ay pinapasok na niya kami at inakay papunta sa isang parang function room. Binigyan niya kami ng menu at iniwan na sa loob.

"Bakit tayo pinapasok? May pila sa labas."

"My uncle owns this restaurant." sagot niya na hindi hinihiwalay ang mata sa menu. Well, bakit nga ba ako nagtaka? Montecillo 'tong kasama ko. Kahit siguro hindi 'to pag aari ng tito niya ay baka ganito parin ang nangyari.

"What's your order?" tanong niya.

"Uhmm.. Seafood platter tapos dalawang plain rice." sagot ko na nagpalaki ng mata niya. "Bakit? Gutom ako. Nakaka stress sa school."

He chuckled, at muntik na akong mag laway because of that sight. "Baby, don't stress yourself. Baka magkasakit ka." sabi niya at pinindot ang button sa gilid niya. Ilang segundo lang ay dumating na ang isang waiter at kinuha na ang order namin.

"One seafood platter, 2 plain rice and a chicken alfredo" sabi ni Connor sa waiter. Nilista iyon nung waiter at ni-repeat order.

Nang makaalis na ang waiter ay nag usap lang kami about random things. Kung anong mga ginawa niya kanina. Nakwento din niya na nagka problema ang isang hotel nila dahil nanakawan sila ng halos sampung milyon. But as a Montecillo, maliit na halaga lang daw sakanila yun. Natigil lamang kami sa paguusap nang dumating na ang order.

Onting subo nalang sa order ko nang mapansin kong tapos na si Connor kumain.

"Gusto mo?" nilapit ko sa bunganga niya ang hipon na hinimay ko na agad nag pailing sakanya. "Dali na, tulungan mo ako. Andami kong na order."

Namutla siya at onti onting tumango at binuka ang bibig. Sinubo ko yun sakanya at tinapos ko na rin naman ang pag kain. Pagkatapos ko ay agad ng tumayo si Connor at naglabas ng dalawang libo sa lamesa at umalis na, dala dala ang bag ko. Sumunod naman ako sakanya.

Habang nasa kotse kami ay napapansin kong kanina pa siya pasimpleng nagkakamot.

"Okay ka lang?" tanong ko. Tumango lang siya at umayos ng upo. Hindi na kami umimik hanggang sa maka dating sa bahay. Tinulungan niya akong ibaba ang mga maleta ko mula sa back seat ng kotse niya. Nag pumilit pa siyang samahan ako sa loob pero sabi ko wag na dahil halata ng pagod na ito.

"Good night." sabi niya at hinalikan ang noo ko.

"Good night. Ingat ka." sabi ko at hinintay siyang makapasok sa sasakyan niya, nang paandarin na niya ang kotse niya ay pinasok ko na ang mga maleta ko sa loob at nagtungo na sa kwarto ko.

MONTECILLO SERIES #1: Connor MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon