Seven

85 0 0
                                    

Naglalakad kami ni Connor nang may biglang kumalabit saakin.

"Tita Jenny!" mommy pala ni Jana. Yumakap at bumeso ako sakanya at kay Tito na nasa likod niya.

"Pareho pala tayo ng pupuntahang event. Sana sabay na tayong pumunta." saad niya

"Oo nga po eh, pero nay nagsundo po sakin"

"Really? Sino?" tanong niya. Lumingon ako sa gilid ko at nakita kong nandon parin si Connor, at as usual malamig parin ang tingin.

"Si Connor po." turo ko dito. Tumingin naman saakin si Connor at pagkatapos ay sa harap ko.

"Mr. Montecillo!" lumapit ang daddy ni Jana kay Connor at nag usap sila about business. Kami naman ni tita ay pinagusapan ang mga nakikita naming tao sa paligid, tulad ng ibang artista at mga politicians.

Naputol lang ang usapan nang may kakilala sila tita na lumapit sakanila kaya nagpaalam na kami sa isa't isa.

Hinawakan naman ni Connor ang bewang ko at naglakad lang kami ulit. Habang parang may hinahanap siya ay may lalaking interviewer na lumapit saamin.

"Mr. Connor Montecillo, after 4 years, this is the first time you attended this annual party with a date again. Who is this lovely lady?" tinapat ng lalaking interviewer ang mic kay Connor habang si Connor ay malamig ang titig.

"That's none of anyone's business, not even you." hinatak na niya ako palayo at mabilis naman akong humingi ng tawad sa interviewer dahil sa kasupladuhan nitong lalaking 'to.

"Connor! That was rude!" hinampas ko pa siya ng mahina sa braso.

"What do you want me to do, Danica? Just watch that guy check on you? Can't you feel that every guy here are staring at you?" napatingin naman ako sa paligid dahil doon. Tama nga siya, ang daming tumitingin saamin. "You're so naive."

Umalis na siya at ako naman ay natulala pa bago siya sinundan. Lumapit siya sa isang table at humila ng upuan, hindi siya umupo doon at hindi din siya tumingin saakin, di ko tuloy alam kung uupo ba ako, pero sa huli ay umupo din ako. Siya naman ay umupo sa tabi ko ng naka kunot ang noo.

Nakita ko sa harap namin ang isang babaeng nakangiti at isang lalaking seryoso ang mukha, i think they are relatives since may resemblance.

"Hi! I'm Roanna." kumaway pa yung babae saakin. "Eto naman si Kuya Trevor, pinsan niyang kasama mo."

"Hello po! I'm--" bago pa ako makapag salita ay pinutol na ako nung lalaking naka salamin.

"My cousin's date." malamig ang boses niya, parang si Connor lang.

"Kuya! Wag mo nga siyang pinuputol!" inirapan pa siya ni Roanna. Bumaling naman ito sakin pagkatapos at ngumiti lang. Hala! Bipolar? "Sorry about that. What's your name?"

"I'm Danica Saraga po. I'm a student po from Monteville University" pagpapakilala ko.

"Connor, tama ba ang naiisip ko?" malamig parin ang boses ni Sir Trevor.

"I don't know what you're thinking." malamig din ang boses ni Connor. Naguguluhan naman akong tumingin sakanilang dalawa. Nasa lahi talaga nila ang pagiging malamig no?

Mukhang nabasa naman ni Roanna ang nasa isip ko at nag salita siya. "Hayaan mo 'yang dalawang 'yan. Ganyan talaga sila, nasa lahi namin ang pagiging walang emosyon, maliban lang sakin. Minsan nga iniisip ko na bampira sila pero normal lang 'yan."

"Good evening everyone! Are you enjoying the night?" bati ng emcee. "To start with this event, may we call on this year's star person."

"Star person is the one who sponsored this event." paliwanag sakin ni Connor.

"Really? Naging star person ka na ba?" I asked.

He nodded, "Last year."

Umakyat ang isang lalaking matanda sa stage, naramdaman ko namang gumalaw si Connor sa tabi ko pero hindi ko nalang yun pinansin. Binigay ng emcee sa matanda ang mic saka niya kinuha ito. Ang matanda naman ay humarap na at tumikhim bago nagsalita.

"Good evening! First of all, I just want to congratulate some of the businessmen here who just got some awards abroad last month." Nagpalakpakan ang mga tao.

"I would also like to take this opportunity to introduce the new CEO of Rivera Clothing. After 4 years, she's back. My daughter, Danica Rivera!" nagpalakpakan ang mga tao pero ang tatlong nasa table ay wala akong narinig kaya tumingin ako sakanila. Yung dalawa ay nakatulala sa stage at hindi ko mabasa ang reaksyon nila pero si Connor ay nakaiwas ng tingin sa stage.

Napatingin ulit ako sa stage at nakita ko doon ang babaeng naka royal blue mermaid cut gown na bumabagay sa morena niyang balat, hindi kagaya ko na maputla ang balat. Napaka ganda pa niya. Magkapangalan pa kami.

"Hi everyone. I'm Danica Rivera, the new CEO of Rivera Clothing" nagpalakpakan ulit ang mga tao.

Nang matapos magpalakpakan ay nagseryoso na ang mukha ng babae pero bakas parin ang saya. "Maybe some of you are wondering why I left 4 years ago. It was because of my studies. I worked hard for this position. Now that I'm back, I'm claiming the title CEO of Rivera Clothing... And I would also like to claim my love." dumako ang tingin niya sa table namin. Sa bandang likod ko. "Mr. Connor Montecillo, my love, will you take me back?" natulala ako.

Masyadong mabilis ang pangyayari, namalayan ko nalang na hinahatak na ako ni Connor palabas ng venue. Pinakuha niya sa valet ang sasakyan niya pero hindi kami naguusap. He's holding my wrist but i'm busy thinking about what I just heard.

'My love' 'Take me back' 'Claim my love'

Bakit parang may masakit? Bakit may nararamdaman akonb sakit?

Hanggang sa maka sakay kami sa kotse ay walang umiimik pero siguro'y hindi na kinaya ni Connor ang katahimikan kaya nagsalita na siya.

"Sorry about that."

"Why are you saying sorry?" gusto kong puriin ang sarili ko na hindi nabasag ang boses ko, hindi kagaya ng nararamdaman ko ngayon na hindi ko maintindihan.

"It just that I feel like I have to. Don't be upset." sagot niya.


"I'm not. It's okay." wala na ulit nagsalita pagkatapos noon.

Hanggang makarating na kami sa apartment ko ay hindi parin nawawala sa isip ko ang babae kanina sa party. Danica Rivera, clearly he's Connor's ex-girlfriend. May past ang dalawa at gusto nung babae na makipag balikan kay Connor.

Pero bakit may nararamdaman akong sakit sa dibdib ko?

MONTECILLO SERIES #1: Connor MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon