We arrived in our hometown during lunch time. Pagkadating na pagkadating namin ay bumukas agad ang pinto at tumakbo palapit sakin si Sean at pinugpog ng halik ang tiyan ko.
"Namiss mo pamangkin mo?" I asked while smiling.
He looked up and he's also smiling, nakikita ko tuloy ang resemblance namin. "Opo! Pati kayo ni kuya." at bumaling siya kay Connor. "Kuya Connor, naassemble ko na po yung lego! Halika!"
Hinawakan ni Sean ang kamay ni Connor at hinatak ito. Si Connor naman ay hinawakan ang bewang ko para alalayan sa pagpasok. Medyo masakit na din kasi ang likod ko dahil bumibigat na din ang tiyan.
"Magandang hapon 'nay!" bati ko kay nanay nang makapasok at nakitang palabas ito galing kusina.
"Good Afternoon po." bati ni Connor at nag bless muna bago daluhan si Sean na hawak ang lego nito.
"Magandang hapon! Nako pasensya na at di ko kayo nasalubong. Kakatapos lang ng request mong kare kare." agad akong natakam nabg marinig ang pangalan ng kasalukuyang paborito naming pagkain ni baby, "Tara't kumain na habang mainit pa."
Sumunod naman ako habang sila Connor at Sean ay nasa sala, tinitignan ang lego na binuo ni Sean. Pasalubong yun ni Connor noong huling buwan na bumisita kami.
"Anak, Sean, halika muna dito at kakain na ang kuya't ate mo." tawag ni nanay. Maya maya naman ay dumating na sila Connor na tumabi sakin at si Sean ay sa harap niya.
"Nay, si tatay po?" tanong ko habang nilalapag niya ang mga pagkain sa lamesa.
"Bumili— Ay ayan na." narinig namin ang pag bukas-sara ng gate kaya tumayo ako para salubungin si tatay.
"Magandang hapon tay." "Maganda hapon po." sabay naming bati ni Connor at nag bless din.
"Magandang hapon! Ito ang bagoong na gusto mo 'nak." pakita niya sa bagoong na galing sa palengke. Halos maglaway naman ako.
"Salamat po." kinuha ko yun at bumalik sa upuan ko kanina.
Nagsimula na kaming kumain at may kaonting kwentuhan din bago kami tumayo sa hapag. Kami ni nanay ang naghugas ng plato at si Connor naman ay kinuha ang mga gamit at pasalubong sa sasakyan.
"Kamusta ang pagbubuntis 'nak?" tanong ni nanay.
"Okay naman po." hinaplos ko ang tiyan ko at napangiti nang sumipa ito. "Hindi parin namin inaalam yung gender, ang hula ko po lalaki. Ang active niya, sipa ng sipa."
"Kahit ano pa man yan ay sobrang excited na kami ng tatay mo. Nako yang tatay mo balak pa ipaextend ang bahay para magkaron ng kwarto ang anak niyo kung sakaling bumisita kayo dito." mas napangiti naman ako sa sinabi ni nanay. "Ay nako ito pala! May binili ako kahapon na mga damit."
Naghugas siya ng kamay at nagmamadaling pumasok sa kwarto nila ni tatay. Natatawa naman akong sumunod. Nakita ko naman sa kama ang limang paper bag ng mga baby brands. Eh mukhang mas excited ka pa nanay kaysa kay tatay eh!
"Ito oh ang ganda!" pinakita niya sakin ang white shirt na may 'Charming like Grandma'. "Ito pa" isa namang cream shirt na may '#1 Lola'
Mas natawa naman ako sa mga nabasa "Nanay talaga! Magtatampo niyan si tatay pag sinuot yan ni baby."
Umirap naman siya habang nilalabas pa ang ibang pinamili. "Bumili din siya ng kanya."
Lumapit ako sakanya at tinignan pa ang mga pinamili niya. May mga lampin, feeding bottle, onesie at mittens din dun. Napabaling lang kami sa pinto nang may kumatok dun at dumungaw dun si Connor. He smiled at us.
"I'm sorry to disturb you both but, baby, your siesta time?" medy nagaalangan niyang sabi. As if on cue nakaramdam ako ng antok. Tuwing hapon kasi ay nakasanayan ko ng matulog. I gave him a small smile at tumango. Ngumiti din naman siya at nagpaalam samin bago lumabas.
"Ang swerte swerte mo kay Connor anak." biglang sabi ni nanay habang binabalik namin ang pinamili niya sa paper bag. "Aalagaan niyo ang relasyon niyo ha? Lalo na't ngayong magkakaanak na kayo. Alam kong mahal na mahal niyo ang isa't isa, nakikita ko yun. Pag may problema ayusin agad, hindi yan maiiwasan."
Tumango naman ako at hindi napigilang yakapin siya dahil nagsisimula na kong maiyak. Sinuklian naman niya ang yakap ko. "Sorry 'nay"
Hinawakan niya ko sa balikat at medyo inilayo sakanya, nakakunot ang noo niya sa pagtataka, "Bakit?"
"Nabuntis po ako ng ma—"
"Shh. Wag ka magisip ng ganyan. Blessing yan anak, hm? Hindi kami galit ng tatay mo, nagulat kami oo pero hindi kami galit. Basta ipapangako mo na aalagaan mo ang sarili mo at ang anak niyo." tumango tango ako at di na napigilan ang luhang lumandas sa pisngi. Pinunasan naman yun ni nanay, "Nako ang baby ko."
Kinabig niya ko at niyakap ulit habang inaalo. Pinaupo niya ko sa kama at pinatahan hanggang sa hindi ko namalayan, nakatulog na ko.
Nagising lang ako nang marinig ang isang kalabog. Hindi naman yun kalakasan pero nagising parin ako. I looked around at ako lang mag isa dito sa kwarto nila nanay. I smiled when I saw a glass of water on the bedside table. I bet Connor's the one who put it here. Alam niyang pag gising ko ay nag hahanap agad ako ng tubig.
Ininom ko yun at napadaan naman ang tingin sa orasan. 3PM.
Tumayo ako at naghilamos muna sa banyo. Pero nang palabas na ko ay nakita ko ang puting dress na nakasabit sa pinto. Hindi ko napansin kanina.
I took the note na nakadikit at binasa yun.
"Hi my 2 babies!
Mommy, wear this before you go out.
I love you.-C"
Nakangiti kong kinuha ang dress, it's a white backless midi dress. Pagkasuot ko ay tinignan ko ang sarili sa salamin ng banyo. Inipit ko ang nakalugay kong buhok dahil palagay ko ay mas bagay yun, at di ako nagkamali. I was smiling while twirling when the door suddenly opened. Si Sean ang pumasok.
"Ang ganda mo ate!" nakangiti niyang sabi at lumapit sakin. Nagulat pa ko ng yumakap siya at pinatong ang baba sa tiyan ko.
"Bat ang lambing ng bunso, hm?" sabi ko at hinaplos ang buhok niya. Saka ko lang napansin na naka puti siyang polo at khaki shorts. "San ka pupunta?"
"Dito lang po. Tara ate? Labas na tayo." humiwalay siya at hinatak ako. Sumunod naman ako kung san man niya ko dalhin. Nagtaka pa ko ng walang tao sa sala maski sa kusina. Patuloy lang ako sa pag sunod kay Sean hanggang nasa tapat na kami ng pinto papuntang bakuran.
Tumingin sakin si Sean, "Lalabas ako ate ha? Tapos lalabas ka in 10 seconds ha? Ate?" Excited niyang sabi. Natawa naman ako at tumango nalang kahit nagtataka ako. Onti onti naman siyang lumabas, sinisiguradong hindi ko makita ang nasa labas.
Gaya ng inutos sakin ng bunso, nag bilang ako hanggang sampu bago pihitin ang pinto at lumabas. Napasinghap ako nang bumungad sakin ang isang arko na puro bulaklak. Inilibot ko ang paningin at ibang iba ang itsura ng bakuran namin ngayon. May mga upuan at mga taong nakatingin sakin habang nakangiti. Dineretso ko naman ang tingin ko at natagpuan ko ang pares ng mata na paborito kong titigan.
