Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may hangin na tumatama sa leeg ko. Dinilat ko ang mata ko at ang unang bumungad ay isang terrace. Nag adjust pa ako sa ilaw na tumatama sa mukha ko at doon ko lang naalala na nasa condo ako ni Connor. At sakanya nanggagaling ang hangin.
Humarap ako sakanya habang naka yakap siya sakin at sumalubong sakin ang asul niyang mata. Aatras sana ako dahil sa lapit ng mukha niya sakin nang hapitin niyo ako dahilan para hindi ako makalayo.
"Good morning baby." bati niya.
"Stop calling me baby." tinatamad kong sabi at nag strech saka umupo.
"Why? You're my baby." sabi niya. Napairap nalang ako sa hangin. "I can see you, don't roll your eyes on me."
Napatingin naman ako sakanya at nakita kong nakangisi siya at tinuro ang nasa harap ko. Nilingon ko ulit iyon at nakita ko ang isang maliit na salamin doon, malapit sa TV.
"By the way, nandyan na pala yung uniform mo. Kuhanin ko lang, you can take a bath first." tumayo siya at napansin kong mukhang naka ligo na siya, naka itim lang siyang damit at naka maong pants. Sinuot din niya ang brown na top sider na nasa gilid lang ng kama.
Tumayo na din ako at kumuha ng underwear at nilagay iyon sa cr. Hinintay ko naman siyang dumating at hindi naman nag tagal ay kumatok siya ng isang beses at pumasok. Nginitian niya ako at binigay sakin ang paper bag na nag lalaman ng uniform. May black na doll shoes din itong kasama.
"Thanks." pasasalamat ko at pumasok na ng banyo.
Wala akong choice kung hindi gamitin ang shampoo at shower gel niya kaya pagkalabas ko ay naamoy ko talaga ang sarili ko, and I really smell like Connor.
Kung sakaling may dumikit sakin na ka-close si Connor ay malalaman talagang ginamit ko ang shampoo niya at shower gel.
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa full length mirror na nasa gilid ng cr at doon ko lang napagtantong masyadong mahaba ang pencil skirt kesa sa nakasanayan kong gamitin. Hindi naman siya yung pang manang pero knee level lang siya.
Kinuha ko ang pardible sa bag ko at tinaasan ko pa ang skirt ko. Natatago naman ang tuktok ng palda dahil hindi naman tuck-in type ang uniform ng college.
Nang ma-satisfy na ako sa haba ng palda ko ay dinala ko na ang shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto. Wala namang problema sa mga libro ko dahil iniwan ko lahat sa locker ko dahil nga mag babakasyon ako. Pagkalabas ko ay nakita kong nilalagay ni Connor ang plato ng bacon sa lamesa.
Tumingin siya sakin nang sinara ko ang pinto "Come, let's eat 1 hr nalang before your class."
Tumango ako at lumapit sakanya. Nagsimula na kaming kumain nang bigla siyang magsalita.
"Bakit mo iniksian yung palda? Pinsadya ko nga yun eh." sabi niya bago sumubo.
"Hindi ako sanay." sabi ko. Tumango siya at pareho na kaming nagpatuloy sa pagkain
"So 6:00 is your dismissal?" paninigurado niya at kinagat na ang last piece ng tinapay niya.
Tumango lang ako bilang sagot dahil ngumunguya ako.
"Then i'll pick you up." tututol pa sana ako nang magsalita uli siya. "That's a little bit late, baby. Delikado."
May finality sa boses niya kaya um-oo nalang ako. Nagtungo ako sa lababo at kinuha ang mouth wash ko sa shoulder bag ko at nagmumog na. Huhugasan ko na din sana ang mga pinagkainan nang hinawakan ni Connor ang kamay ko.