Nagising ako sa isang puting silid, tinignan ko ang sarili ko at naka uniform pa ako at doon ko napag tanto na nasa school clinic pala ako.
Bumangon ako pero agad ding napahawak sa ulo ko dahil sa pagkirot nito. Doon ko lang naalala ang mga nangyari kanina. Ang babae sa cubicle, ang mabahong likwido na sumaboy saakin, ang mga babaeng nanakit, kumalmot, sumabunot, at sumampal sakin.
"Gising ka na pala." muntik na akong mapatalon sa gulat nang makita ko sa may pinto ang school nurse.
"Kamusta naman ang pakiramdam mo? May masakit ba?" tanong niya habang palapit saakin.
"Medyo masakit lang po yung ulo ko tsaka balakang." sagot ko.
"Narinig ko nga ang nangyari kanina. Nako talagang mga batang yun! Patay sila kay Mr. Montecillo. Naku sigurado akong may kalalagyan yung mga yun. Madami ng complain dun sa grupong yun, maimpluwensya ang mga magulang kaya walang magawa." dahil sa binanggit niyang pangalan ay automatic na linibot ko ang tingin sa buong clinic pero wala siya doon.
"Nasaan po si Co--Sir Connor?" muntik ko pang masabi ang normal kong tawag sakanya dahil nakasanayan ko narin pero naalala kong nasa eskwelahan pala ako.
"May inaasikaso sa opisina niya. Bilin niya na umuwi ka na lang daw pag gising mo, excused ka na sa mga klase mo." sabi niya. Gusto ko mang tumutol ay wala na akong magagawa, pati siya ay wala din. Hindi manlang ako ihahatid?
Gusto kong batukan ang sarili ko sa naisip. Bakit ka naman niya ihahatid Danica? Estudyante ka lang naman niya.
At si Connor na ang nagsabi, walang makakapigil sakanya.
Inayos ko na ang bag ko at tinignan ko ang sarili ko sa salamin na malapit sa pinto saka inayos ang sarili ko at nakita ko ang sugat sa labi ko at ang pamumula ng pisngi ko.
Habang naglalakad palabas ng building ay may nagtitinginan parin saakin pero mas kumonti ang atensyon ngayon.
Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko na nasa bulsa ko kaya kinuha ko iyon. Kumalabog ang puso ko nang makita ko kung sino ito. Naka ilang ring pa bago ko ito sinagot.
"Hello?" bungad ko.
"Hey, are you okay? How are you feeling? Does something hurt? Tinawagan ako nung nurse and sinabing umalis ka na daw, you can stay there if may masa--" hindi ko na masundan ang mga sinasabi niya kaya pinutol ko na siya.
"Connor, I'm okay. Pauwi na din ako. Yun ang utos mo, right?"
"Yeah. But I changed my mind. Tell me exactly where you are and i'll go there so I can take you to your apartment." narinig ko pa ang kaluskos sa kabilang linya na tila tumayo siya sa kanyang upuan.
"No need--"
"Nahh, I see you. Wait for me there. Don't you ever leave." bago pa ako makasagot ay binabaan na niya ako. Napagdesisyunan ko ding itext si Jana at Gelo na nakailang missed call at text din.
To: Jana
Jana, uuwi na ako. Text nalang kita mamaya para regarding sa homeworks.To: Gelo
Gelo, uuwi na ko. Pasabi nalang sa mga next nating prof na pinapauwi na ko nunh school nurse.Ilang minuto lang din ang lumipas nang sumagot si Jana.
From: Jana
MyGhad girl! Pasalamat ka di kita matawagan ngayon dahil on going ang klase pero nag alala talaga ako sayo kanina ng bonggang bongga!! Nakakainis ka!!! Dapat talaga sinamahan kita eh! Lagot talaga sakin yung mga babaeng yun!Nanagiti ako at nagreply din naman agad.
To: Jana
Okay na ako, chill ka lang.Habang hinihintay ko ang reply ni Jana ay may biglang humawak sa likod ko. Amoy palang at mismong reaksyon ng sistema ko ay kilala ko na kung sino ito.
"Let's go?" tinignan ko muna siya bago tumango. Inakay naman niya ako papunta sa sasakyan niya.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya at akmang kakabitan din ako ng seatbelt nang pigilan ko siya.
"Kaya ko." pigil ko.
"Kaya ko din." sagot niya at kinabit na ito saka sinara na ang pinto at umikot na papuntang driver's seat. Palihim akong umirap at sinigurong di niya nakita.
"Paano mo nalaman kung nasaan ako?" tanong ko.
"CCTV." simpleng sagot niya
"Anong ginawa mo sa tatlong babae?" tanong ko, ngunit gusto kong pagsisihan na tinanong ko pa yun dahil nag dilim ang paningin niya.
"Don't mind them. Magpahinga ka nalang ulit." sabi niya. Sumandal nalang ako ng maayos at napansin kong paliko kami sa McDo. Dumeretso siya sa drive thru.
"What do you want?" tanong niya.
"Wala" sagot ko.
"No, you should eat." sabi niya na parang wala akong choice.
Wala na akong nagawa dahil nag oorder na siya. Pumikit lang ako para ipahinga ang mata ko nang hawakan niya ang braso ko.
"Here." inabot niya sakin ang dalawang supot. Kunot noo ko itong tinignan. May dalawang chicken meal, large fries, chicken sandwich at sundae. Tumingin ako sakanya at nakita kong kumakain siya ng fries.
"Akin lahat 'to?" tumango lang siya sa tanong ko. "Hindi naman ako ganito ka-takaw!" maktol ko pero ngumisi lang siya at nag drive lang habang kumakain.
Wala na akong nagawa at kinain nalang ang binili niya pero sa huli ay hindi ko naubos ito, yung chicken sandwich lang ang nakain ko, kaya napagdesisyunan kong gawing dinner nalang ang natira at bibigyan ko na din sila Mimi at Ate Lalaine. Panigurado matutuwa si Mimi.
"I'll pick you up tomorrow" sabi ni Connor pagkalabas ko ng kotse niya nang makarating na kami sa apartment ko. Tututol pa sana ako kaso dinuntungan niya ito, "I will, Danica."
Tumango nalang ako at nagpasalamat bago pumasok na sa gate. Sinigurado ko munang naka alis na siya nang pumasok na ako mismo sa apartment ko.
Kumatok ako sa kwarto nila ate Lalaine at di nagtagal ay binuksan niya din agad.
"Oh Danica? Anong nangyari sa labi mo? Napaaway ka ba?" tanong niya at binuka pa lalo ang pinto. Bumungad sakin ang kwarto na kasya ang dalawang tao. May kama na katamtaman lang ang laki, pangdalawahang tao na sofa, maliit na TV at maliit na dining area, pang dalawahang tao lang din. Parang kagaya lang ng saakin pero mas maliit ang saakin dahil pang isang tao lang naman yun.
"May dala po akong pagkain. Kain po tayo." sabi ko.
"Ay salamat. Bababa na sana ako para magluto. Salamat, at dahil sobrang pagod ako ngayon." kinuha niya ang mga plastic at nilapag sa pangdalawahang dining table. Hinanap ko si Mimi at saktong bumukas ang pinto sa tabi ng sofa, ang cr, lumabas dun si Mimi.
"Mama, tapos na ako mag u-u." sabi niya at hindi pa ako napansin. Natawa naman si Ate Lalaine.
"Anak oh, si Ate Danica nag dala ng food. Say thank you." doon lang napabaling sakin si Mimi.
"Ate Danica!" tumakbo siya papunta sakin at niyakap ako. Niyakap ko din siya pabalik. "Thank you sa Madonalds!" bahagya akong natawa sa pagbigkas niya sa McDonalds at pinisil ko ang pisngi niya.
"Tara, eat ka na." Umupo ako sa isang upuan at kinandong siya habang inaayos ni Ate Lalaine ang mga pagkain.
