Namomroblema ako ngayon para sa event na pupuntahan namin ni Connor mamaya. Kanina ay may pinadalang gown para sa susuotin ko mamaya. Color white iyon na halter-type yung neck part tapos sa bandang right leg ay may slit.
Nakatayo lang ako habang pinagmamasdan ang gown na nakahilata lang sa kama ko nang may maisip ako.
Kinuha ko agad ang phone ko at tinawagan si Jana.
"Janaaa!!" bungad ko "Patulong naman"
"Saan girl?"
"May event kasi akong pupuntahan mamaya, sinama ako ni Sir Connor. Nagpadala siya ng damit eh alam mo naman ako, wala akong alam sa pagaayos" alam niya ang trabaho ko kay Sir Connor. Siya lang ang sinabihan ko pati narin sila nanay, kahit si Gelo ay hindi alam.
"Sige, game ako dyan!" na eexcite niyang sabi.
"Salamat. Punta nalang ako dyan ah"
"Sige sige! See you later!" binaba ko na ang tawag at binalik ang gown sa box. Maliit lang naman ang box kaya hindi ako naghirapang makarating sa bahay ni Jana habang buhat iyon.
Nag doorbell ako at binuksan yun ng maid nila at sinabing puntahan ko nalang si Jana sa kwarto niya.
"Hello po Tita!" bati ko sa mommy ni Jana nang makasalubong ko siya nang makapasok ako.
"Oh Nica, ikaw pala yan. May project kayo ni Jana?" tanong niya matapos niya akong ibeso.
"Ahh hindi po. Magpapatulong lang po ako sa pag aayos kasi may pupuntahan po akong event mamaya."
"Really? Kami din ng tito mo! By the way, sige na at umakyat ka na doon at baka naiinip na ang señorita. Papahatiran ko nalang kayo ng meryenda sa maid." natawa pa ako sa tinawag niya kay Jana. May pagka spoiled din kasi si Jana.
Tumango naman ako at nagpaalam na kay tita saka umakyat. Maraming beses na din akong nakapunta dito sa bahay nila Jana kaya kilala nila ako dito. Kumatok ako ng dalawang beses sa pinto ni Jana saka pumasok na.
Nakita ko siyang nasa harap na ng vanity mirror ng kulay pink niyang kwarto at nagalalatag ng mga make up. Excited siyang tumingin at lumapit sakin.
"Ayyee! Excited na ako! Papagandahin kita, kahit pa sobrang ganda mo na, yung tipong tutulo laway ni Sir Connor" hinampas ko naman siya sa braso.
"Sira! Tara, simulan mo na." tumango siya at kinuha ang box ng gown saakin. Tinanggal niya ang gown sa box at nilapag sa kama niya. Hinatak naman niya ako at pinaupo sa harap ng vanity mirror.
Kumatok ang maid at hinatid ang meryenda namin. Nilapag lang niya ito sa study table ni Jana at lumabas na pagkatapos.
Buong oras ng pag aayos ni Jana saakin ay pinagmamasdan ko lang ang sarili ko sa reflection ko. Habang lumilipas ang oras ay pansin na ang pagbabago sa aura ng mukha ko. Mula sa maamong mukha ay naging fierce na ito tignan.
Nang matapos na niya akong ayusan ay napa palakpak pa siya. Natawa naman ako at tumayo na para kuhanin na ang gown. Tinulungan naman ako ni Jana at pinapasok na sa banyo niya. Buti nalang at malaki ang banyo niya kaya hindi ako nahirapang magbihis.
Lumabas na ako pagkatapos kong masuot ang gown. Napatili naman si Jana nang makita ako.
"Ang ganda mo Nics! Sexy pa! Paniguradong tutulo ang laway ni Sir Connor" bigla namang nag ring ang phone ko na nakalapag lang sa vanity mirror. Nilapitan ko iyon at nakitang si Connor iyon kaya sinagot ko agad.
"Danica, where are you?! Wala ka daw dito sa apartment mo!" napa face palm naman akong nang maalalang susunduin pala niya ako.
"Ah.. O-oo. Sorry, nandito ako sa bahay ng kaklase ko, limang bahay lang ang pagitan, color red na gate." tumingin ako sa orasan at nakita kong 7:18 pm na. Kakadating lang ba niya o kanina pa siya?
"Okay. Wait for me there." at binaba naman niya ang tawag. Tumingin ako kay Jana na may hawak na clutch at heels.
"Eto oh." nilapag niya ang white na heels at sinuot ko naman yun. Inabot ko naman yung clutch.
"Yan! Perfect. Sayo na yan." umiling naman ako agad sa sinabi niya.
"Jana, wag na. Ibabalik ko 'to sayo bukas. Masyado ka ng madaming nabigay sakin." magsasalita pa sana siya nang dagdagan ko pa ang sasabihin ko. "Tsaka sapat na 'tong pag aayos mo sakin para makita ko ang suporta mo."
Napabuntong hininga nalang siya. Maya maya pa ay kumatok na ang maid at sinabing nasa baba na si Connor, sinamahan naman na ako ni Jana bumaba. Nakita kong nakaupo si Connor sa sofa nila Jana habang nag cecellphone. Nang marinig niyang bumababa na kami sa hagdan ay tumingala siya.
Muntik na akong matawa nang nanlaki ang mata niya at natigilan siya. Hanggang sa maka lapit na ako sakanya ay nakatitig parin siya sakin. Nakakailang pa ang titig niya.
"Tara na?" pagbasag ko sa katahimikan. Napapikit naman siya at dumilat na saka tumayo.
"Sir Connor, alagaan mo po itong best friend ko ha?" tinaas baba pa ni Jana ang kilay niya kaya napatawa ako. Tinignan ko si Connor at tumango lang siya saka pinaikot ang braso niya sa bewang ko. At naramdaman ko nanaman ang mga paro paro sa tiyan ko.
"Bye Jana!" kumaway ako kay Jana nang pagbuksan na ako ni Connor ng pinto ng kotse, sa nakita ko ay Lexus RX 350 ito. Ngumiti lang si Jana at kumaway din.
Sinarado na ni Connor ang sasakyan at umikot na para makasakay na sa driver's seat. Tumingin siya sakin ng naka kunot ang noo, lumapit siya saakin at kumalabog na naman ang puso ko. Umiwas ako ng tingin at nakita kong kinukuha lang niya ang seatbelt saka kinabit iyon. Napahinga naman ako ng maluwag nang lumayo na siya at pinaandar na ang kotse.
Nasa highway na kami nang mapatingin ako sakanya at nakasimangot parin siya. Akala ko kaya siya nakasimangot kanina dahil nakalimutan kong ikabit ang seatbelt ko. Pero bakit ngayon naka simangot nanaman siya?
"May problema ba?" basag ko sa katahimikan. Umiling lang siya. "Eh bakit ka nakasimangot?" umiling lang ulit siya kaya napakunot na ang noo ko. Napa nguso nalang ako at tumingin sa harap. Naiinis na ako ah! Siya naman ay tumikhim at nakita kong humigpit ang hawak sa manibela.
"Fine. I just don't like the dress they gave you. I should've just checked it first. I mean, it's beautiful. Don't get me wrong." huh? Anong meron sa suot ko ngayon? Maganda naman.
"Ano meron? Maganda naman to ah. Kahit simple mukhang mamahalin parin nga eh"
"No, it's not that. Yes it's beautiful. But.... it shows too much skin." mas humigpit pa ang hawak niya sa manibela.
"Oh eh ano naman?" inosente kng tanong kahit sa loob loob ko ay kinikilig at nangingisay na ako. Napatingin naman siya sakin na parang may nagawa akong kasalanan. Ano nanaman?
"Anong 'eh ano naman'? Danica, i don't like seeing boys looking at you like you're the most beautiful girl. Yes, you are. But I just hate it when guys look at you. And I hate it more because I can't do anything." natulala ako sa mga sinabi niya at hindi nakapagsalita hanggang sa dumating na kami sa venue.
Bumalik lang ako sa katinuan nang bumukas na ang pinto sa gilid ko at nakita ko siyang nakatayo na doon habang hinihintay akong bumaba. Nilagay ko ang kamay ko sa kamay niyang nakalahad at lumabas na. Sumalubong saakin ang mga flash ng cameras kaya medyo nahilo ako, siguro'y naramdaman yun ni Connor kaya hinigpitan niya ang hawak sa bewang ko at hinarang ang kamay sa mata ko, sapat lang para makita ko ang dinaraanan, habang inaalalayan kami ng guards na makapasok sa venue.