Twenty Five

30 0 0
                                    

It's been 6 months since the accident and until now hindi parin siya gumigising. Nilipat na din namin si Connor sa mas malaking room at may vistor's bed, na ako ang gumagamit. I never left him. Uuwi lang ako sa apartment para kumuha ng damit at maglaba, at pagkatapos ay dito na uli sa ospital.

Sometimes I go out pero sa outdoor garden lang ng hospital to get some fresh air. Yun ay tuwing may bantay si Connor, tulad ng parents at mga pinsan niya.

Like right now, andito ako sa isang bench sa garden. Nagpapahangin. Next week ay tutuntong na ko ng 3rd trimester ko. I can feel our baby kicking, malakas kaya napapaigik ako. During this time ay alam ko na dapat ang gender but I decided not to know, si Roanna ang sinabihan ng doctor about sa gender since siya ang kasama ko noong check up ko.

I also stopped my studies. Si Janna at Gino lang ang may alam ng totoong dahilan, which is ang pagbubuntis ko at pag aalaga kay Connor. Pero sabi nila, ang alam ng mga estudyante ay binabantayan ko lang si Connor.

"Ang ganda mo namang bata, hija." sulpot ng isang lola sa gilid ko. May tulak siyang wheelchair sakay ang tulalang matandang lalaki.

"Salamat po lola. Upo ka po." I offered the seat beside me. Umupo siya dun habang inaayos ang wheelchair sa harap niya. "Ako po si Nica."

I offered my hand and she accepted it. "Ako si Rosa." pagpapakilala niya, then he held the old man's hand. "Ito naman si Carlito. Asawa ko."

Tumango ako at nginitian sila pareho pero hindi nasuklian ng lalaki dahil tulala parin ito.

"Pasensya ka na. May Alzheimer's siya, madalas ay di talaga nakikipag usap. Pati ako ay hindi rin kinakausap, paminsan minsan lang." kwento nito. "Ikaw hija? Bakit ka nandito?"

"May binabantayan din po." sagot ko.


"Asawa rin?"

Napangiti ako sa isipan na asawa ko si Connor.

"Nobyo po." sagot ko. Bahagya namang tumingin si lola sa tiyan ko na hinahaplos ko, ngunit imbis na panghuhusga ang makita ay tuwa ang nakita ko sa mata niya.

"Ahh. Maari ko bang malaman ano nangyari?" tanong nito.

"Comatose po siya, anim na buwan na po. Naaksidente po siya papunta sakin noong nalaman niyang buntis ako." mapait akong napangiti. "Kahit sabihin po ng pamilya niya na wala akong kasalanan ay hindi po yun matanggal sa isip ko."

Hinawakan niya ang kamay ko bago magsalita. "Tama sila anak. Wala kang kasalanan. Walang may gustong mangyari yun." alo niya. "Tandaan mo na wala Siyang pag subok na binbigay satin na hindi natin kaya. Hindi madali ang magmahal." at tumingin siya kay lolo Carlito. "Maikwento ko nalang rin ang lovestory namin ng lolo mo. Naaksidente din ako, siya ang nakakita sakin. Wala akong natatandaan pagkagising ko, pati pangalan kaya siya ang nag alaga sakin. Isang taong hindi ko kilala ang nagmalasakit na tulungan at alagaan ako. Habang tumatagal mas nararamdaman ko ang pagtingin ko sakanya. Napaibig ako ng pagsisikap at kabutihang loob niya. Kaya ngayon ay sukli ko lang ito sa pagaalagang binigay niya sakin noon. Hinding hindi ako susuko kagaya ng hindi niya pagsuko sakin noon."


Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako kung di ko lang naramadaman na may nagpupunas pala ng luha ko, ngunit hindi si lola Rosa.

"Rosa naman. Pinapaiyak mo ang anak natin." alo sakin ni Lolo Carlito kaya mas lalo akong napaiyak. Pati si lola ay nangingioid na rin ang luhang nakangiti samin. "Tahan na anak. Bibilhan ka ni tatay ng kendi mamaya, wag natin sasabihin kay nanay."

MONTECILLO SERIES #1: Connor MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon