Twenty Six

38 0 0
                                    

I was caressing Connor's hair at pinapanood siyang natutulog. After he fainted awhile ago, nagpatawag ako agad ng doctor while his cousins are just laughing, then the doctor said he's okay. Hinimatay lang dahil sa tuwa at gulat.

Tinanggal ko ang kamay ko sa buhok niya nang gumalaw siya at maya maya ay dumilat na. I smiled.

"Hi." he greeted with his husky voice.

"Hi baby daddy."

He groaned. "Baby don't call me that unless you want me to faint again."

Natawa naman ako bago tumayo, pero napahinto nang hawakan niya ang kamay ko na may pag tataka. "I'm just gonna get you water."

Pumunta ako sa mini ref ng room niya para kunan siya ng tubig, ramdam ko rin na naka sunod lang siya ng tingin sakin. Pabalik na ko sa higaan niya nang bumukas ang pinto at sunod sunod na pumasok ang mga pinsan niya.

"What's up weak."

"Hey fainter"

"Kamusta baby daddy?"

"Sarap tulog ah."

Asar ng mga to sakanya. Kami naman ni Roanna ay natatawa na lalo na nang makita ang naiinis na mukha ni Connor. He held my hand and pulled me to his side. Inalalayan ko naman siyang uminom ng tubig kahit kaya naman niya.

"Here's your lunch." nilapag ni Steel ang paper bag sa table at nilapit yun samin.

"What are your cravings?" Connor asked.

Inisip ko ang madalas kong kinakain at bahagyang natakam, "I like kare kare, vanilla ice cream and mango."

Tumango tango naman siya habang hinahaplos ang likod ko at bumaling kay Steel. "Fucker, buy us kare kare, vanilla ice cream and mangoes."

Napahawak naman si Steel sa dibdib nito, parang nasaktan, "Ano ako? Assistant mo? Hoy Connor! For your information, kami bumibili ng cravings ni Nica habang tulog ka. Ikaw naman ngayon!"


Without hesitations, bumangon si Connor at tatanggalin na ang swero niya ng mapigilan ko siya, "What are you doing?"

"I'm gonna buy you your cravings. He's right, that's my duty." he said. Napabuntong hininga naman ako at sinamaan ng tingin si Steel, wala ng pake kung sino siya at gaano siya kataas.

"Joke lang naman! Ayan na nga, may kare kare to." natatarantang kinuha ni Steel ang laman ng paper bags at siya na ang naghanda nun. Ako naman ay inalalayan na uli si Connor paupo at inangat ang sandalan ng kama niya.

"Salamat." I thanked Steel and the others bago subuan si Connor. Medyo na conscious pa ko dahil tinitignan lang nila kami habang si Connor ay wala namang pake.

"Kelan ako lalabas?" Connor asked them.

"Tomorrow. Naasikaso ko na mga dapat asikasuhin. Can you drive? Or.." si Casper

"I'm fine. I can drive."

"Are you sure?" I asked. "Pwede naman sigurong driver nalang."

"Baby, don't worry—" he gently said pero pinutol ko siya.

"No. We'll ask for a driver." I said with finality. Alam ko namang maingat siya mag drive lalo na at kasama niya kaming anak niya but I just can't risk it. Parang ako yung nagka trauma.

MONTECILLO SERIES #1: Connor MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon