Thirteen

66 0 0
                                    

Pabalik na kami ni Connor ngayon sa Manila after two weeks dahil may kailangan siyang pirmahan na urgent kaya sumabay na ako sa pag uwi. Ako naman sakto lang at magpapasukan na para sa next sem.

Ngayon ay 7PM na at nasa kalsada pa kami. Wala namang problema dahil pinagbaunan pa kami ni nanay ng sinigang na naging paborito na ni Connor.

Naging masaya ang bakasyon namin doon. Naging close sila Sean at Connor. Natuwa ang magulang ko kay Connor. Higit sa lahat ay nasaksihan ko ang iba't ibang bagay na hindi ko alam na kaya palang gawin ni Connor, basta't maturuan. Kagaya ng pagtatanim, pag bubunot ng mga ani, pag gatas ng kalabaw at iba pa, at nagawa niya ang mga ito ng walang arte. Kaya talagang mas bumilib ako sakanya.

"Uhmm.. Danica." tawag sakin ni Connor na parang nananantya pa. Simula kanina nang magstop over kami para magpa gas, na dalawang oras na ang nakalipas, ay hindi na kami nagusap. Ako ay nakatulog at siya naman ay may kausap paminsan minsan sa cellphone.

"Bakit?" tanong ko at humarap sakanya.

"Can you stay in my condo tonight? Pagod na kasi ako, di na kita kayang ihatid, malayo layo pa yung apartment mo." sabi niya at sumulyap pa sakin pero binalik din ang mata sa harap.

"S-Sige, pero bukas? Hahatid mo ba ako?" tanong ko

"Yes, of course. Papadala nalang ako ng isang set ng uniform sa secretary ko first thing in the morning." kahit ngumiti ito ng bahagya ay kita parin ang pagod sa mata nito. Sino ba namang hindi? Ilang oras ka ba namang mag drive at tinulugan ka pa ng kasama mo kaya wala kang makausap.

Tumango nalang ako at binaling na ang tingin sa harap at nakita kong paliko na pala kami sa isang mataas na building. Tinigil ni Connor ang kotse at bumaba siya saka binigay ang susi sa isang valet at pinagbuksan niya din ako ng pinto.

Kinuha din muna niya ang mga gamit namin at binitbit na paakyat. Ewan ko kung bakit ayaw niya mag patulong, basta pag may nag aalok ng tulong ay iilingan lang niya 'to.

"Con." may tumawag kay Connor sa bandang likod kaya lumingon siya dito, at pati ako ay napalingon na din.

"Achaius." acknowledge ni Connor sa presensya ng matangkad na lalaki sa harap namin. Sinulyapan niya ako kaya bahagya akong ngumiti. I don't want to be rude.

Tignan palang ay alam mo ng Monecillo ito dahil sa malamig din nitong tingin.

"Dito ka pala mag sstay sana pinaayos ko muna condo mo."

"No need, alam mo naman kung gaano ko kaayaw ang may pumapasok sa kwarto ko ng hindi ko kilala." yun lang ang sabi ni Connor at nag paalam na sa lalaking marahil ang pangalan ay Achaius base sa tinawag nito sakanya.

Bumukas na ang elevator at pinindot ni Connor ang 16th floor. Tahimik lang kami habang nasa elevator at halos mapa buga ako ng hininga nang bumukas na ito.

Naglakad pa kami sa hallway at tumigil siya sa harap ng isang itim na pinto sa dulo ng pasilyo na kakaiba sa nadaanan namin dahil ang lahat ng mga pinto dito ay brown, pwera na nga lang dito sa hinintuan nila na hindi mapagkakailang kay Connor.

"Hey." pukaw niya sakin. "Here's my passcode."

Pinindot niya ang 1-2-3-4 "Bakit mo sinasabi sakin?" takang tanong ko. He just shrugged.

"Go in." doon ko lang napansin na naka bukas na pala ang pinto at hawak hawak lang ni Connor ang seradura hanggang sa makapasok ako.

Halos manigas ako nang hawakan ako nito sa bandang ilalim ng likod ko, halos ibabaw lang ng pwet ko.

"Dito yung room." binuksan niya ang isang pinto at pinapasok ako, nilapag naman niya ang mga bags namin malapit sa parang office desk. "Make yourself comfortable, i'll just answer some calls."

Tumango lang ako at tatalikod na sana nang magulat ako nang hinatak niya ang batok ko at hinalikan ako sa noo.

Natulala lang ako hanggang sa marinig ko ang pagsara ng pinto kaya umayos na ako at kumuha na ng damit para makapag palit at makapag ayos bago matulog. Nakakahiya naman kung tatabihan ko si Connor ng may putok. Wait.. Tabi kami? Tabi kami! Bakit ako excited?

Buti nalang at nasa bag ko din ang mga cream na nilalagay ko sa mukha bago matulog kaya hindi ko na-break ang routine ko.

Pagkalabas ko ng banyo ay wala pa doon si Connor kaya nagkaron ako ng tsansang libutan ng tingin ang kwarto niya.

Simple lang, king sized bed na white ang sheets. May malaking terrace na may maliit pang swing na pang dalawahan lang. Malaki din ang TV niya. And of course, makalat. Typical Connor. Pinulot ko ang mga CDs ng action movies na naka kalat lang sa tabi ng beanbag niya.

Pagkatapos kong makapag ayos ng konti ay nahiga na ako at humarap sa may terrace at pinagmasdan ang city lights.

Hindi rin nag tagal ay bumukas na ang pinto at naramdaman kong pumasok din naman siya sa CR, narinig ko na ang lagaslas ng tubig, sandali lang iyon dahil gabi na rin naman. Pagkalabas niya ay umalingasaw ang amoy ng shower gel niya. Sobrang bango talaga.

Naramdaman ko ang pag lubog ng kama at naramdaman ko din ang pag pasok niya sa kumot na ginagamit ko din. Pero tuluyan na akong nanigas ng naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko at hinihila ako palapit sakanya. I heard him chuckled nang hindi ako gumalaw.

"Come near me. Gamit mo ang unan ko kaya wala akong mayakap." sabi niya. Kukuhanin ko na sana ang unan na gamit ko nang pigilan niya ang kamay ko at pinagsalikop pa sa kamay niya.

"Don't. I prefer me hugging you. C'mon baby, just a hug." pamimilit niya. Hindi ko pinansin ang tinawag niya sakin at bumuntong hininga nalang at nagpaubaya na at umatras para paunlakan ang yakap niya.

My heart skipped a beat when I felt his bare chest and her arms wrapped around my waist. Naka topless siya!

"Sleep tight baby." I felt him kissed my temple and that was the first time I smiled before drifting off to sleep. Parang baliw Danica!

MONTECILLO SERIES #1: Connor MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon