Eight

73 0 0
                                    

Nasa cafeteria ako ngayon habang may hawak na libro para mag review para sa recitation mamaya nang maramdaman kong may nakatingin saakin.

Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko doon ang grupo ng babae na masama ang tingin saamin.

"Yung principal pa talaga.." rinig kong sabi nung isa.

"Oo nga. Siguro may bumagsak siyang subject kaya inakit si Mr. Montecillo para makapasa siya. Scholar pa naman." rinig kong sagot nung isa.

Napakunot ang noo ko sa mga pinagsasabi nila. Ano ibig nilang sabihin? Ako ba tinutukoy nila?

Nagpatuloy nalang ako sa pagbabasa nang may umupo sa harap ko. Inangat ko ang mata ko at nakita ko si Jana na hinihingal.

"Bakit? Ano nangyari sayo? May humabol ba sayo?" nagtataka kong tanong.

"Jusko Nica! Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Ano ba nangyari sa event? Bakit hindi ka nagkwento?"

"Ano bang pinagsasabi mo?" tanong ko ulit. May kinuha siya sa bag niya at nilabas niya ang phone niya. Nagtipa siya saglit bago ibigay sakin ang phone. Naka kunot noo ko naman yung tinignan.

Mas lalo namang kumunot ang noo ko nang mabasa ko kung ano ang meron doon. Isang article.

'Mr. Connor Montecillo dating a student'

Nanlaki ang mata ko sa misleading na headline nito. Kumabog ang dibdib ko sa kaba at agad ko iyong binasa.

'The said bachelor was seen last night attending the annual party of businessmen with a date... Again, after a long time. This girl is undeniably beautiful.

According to our sources this girl is a student from the owned university of the Montecillo clan, Monteville University.'

May picture ko pa ito habang si Connor ay naka hawak sa kamay ko at may kausap na matandang lalaki.

'Later that night, the star person of the night announced the transfering of the CEO position of one of his business to his daughter, Danica Rivera.

Many of us already know that Danica Rivera is Connor Montecillo's girlfriend, 4 years ago. The two broke up because of Ms. Rivera's decision on studying abroad.

But last night was a surprise, Ms. Rivera announced that she wanted to get back together again with the bachelor.

After that announcement, the bachelor hurriedly went out the venue and left the party with his date.'

May picture din doon na hatak hatak ako ni Connor palabas ng venue.

'So who do you guess will be the winner? Who will win the bachelor's heart? Ms. Student or Ms. CEO?'

Napabuntong hininga ako sa mga nabasa ko. Ano ba naman 'to.. Nananahimik ako tapos nadamay pa ako sa love story ng boss ko at ng TOTGA niya. Hay nako talaga!

Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko sa bag ko kaya kinuha ko 'yon.

Nakita kong si Connor ang tumatawag pero dahil sa inis ko ay inirapan ko lang ito at binalik sa bag ko. Binalingan ko naman ulit si Jana.

"Tara na. Malapit na din mag start ang next class." yaya ko sakanya. Tumango lang siya habang nagtatakang nakatingin sakin at pabaling baling sa bag ko. Sabay na kaming lumabas ng cafeteria at nang makapasok na kami sa building ay bigla akong nakaramdam ng tawag ng kalikasan. Tinignan ko ang oras at may higit na limang minuto pa bago ang next class. Aabot naman ako siguro.

"Jana, mauna ka na sa room. Magrerestroom lang ako." paalam ko.

"Sige. Bilisan mo ah.. Baka mapagalitan ka." tumango lang ako at tumakbo sa dereksyon ng cr.

Pagkapasok ko ay may isang babae na nananalamin, tinignan niya ako na may pandididri sa mata at inirapan.  Hindi ko na lang siya pinansin at pumsaok na agad sa isang cubicle. Buti nga at nakapag CR agad ako, minsan kasi may pila pa, dahil dalawa lang ang cubicle dito. Lalo na't first floor pa ito kaya madalas ay madami talagang nag c-CR dito

Narinig kong nag bukas at sara na ang pinto kaya ako nalang ang tao. Binilisan ko na ang paghuhugas ng kamay dahil tatlong minuto nalang ay mag sstart na ang klase.

Nagmamadali akong lumabas pero natigilan ako nang may biglang sumaboy saakin na likwido. Napanganga ako lalo na't umalingasaw ang mabahong amoy nito.

Binalingan ko ang nasa harap ko at nakita kong ito yung grupo ng mga babae kanina sa canteen. Ang nasa gitna ay nakangisi samantalang ang dalawa sakanyang gilid ay tumatawa, ang isa pa nga ay ang babae kanina sa CR.

Nilibot ko ang tingin ko at halo halo ang mga mukhang nakikita ko. May ibang tumatawa rin, may ibang gulat, mayroon ding naawang nakatingin at mayroon ding nandidiri.

"Yan, bagay yan sayo. Tutal ganyan ka naman talaga, mabaho ang kaloob looban mo, ayaw mo ipakita kasi gusto mong maging isang 'modelo'" sabi ng babae na nakasabay ko sa CR.

"Kami na gumawa ng paraan para lumabas yang totoo mong amoy. Yuck!" ngumiwi pa siya. "Mygosh girl! Ganoon ka ba kadesperada para hindi mawalan ng scholarship at pati principal ay papatulan mo? Hindi ka na nahiya." dagdag pa niya.

Napatingin ako sa babaeng nasa harap nang umabante siya, aatras pa sana ako nang hablutin niya ang buhok ko. Madiin ang pagkakahawak niya doon pati narin sa braso ko kaya napasigaw ako.

"Bitch! Si Mr. Montecillo pa talaga? Ayaw mo ba sa tatay niya? At least may ready-made job ka na. Ay wait, girls! Baka may plano siya! Baka uunahin niya si Sir Connor hanggang sa makapagtapos muna siya ng pagaaral, next naman si Sir Trevor para mabigyan siya ng condo, kaso mahirap yun kasi may fiancé na yun eh, tapos next si Sir Steel para makapag travel siya. Tapos yung tatay na, magiging mistress siya para--" bago pa siya matapos sa sasabihin niya ay sinampal ko na siya. Sigurado akong mag mamarka ito dahil pati ako ay nasaktan dahil sa lakas ng pagkakasampal ko.

Nagdilim ang tingin niya at tinulak ako kaya sumubsob ako sa sahig, naramdaman ko ang hapdi sa braso ko at sa tuhod ko. Bago pa ako makapangon ay hinila na niya ako patayo gamit ang buhok ko na hinahatak niya. Sinampal sampal niya ako at naramdaman ko na ang lasang bakal na nasa labi ko.

Nanghina na ako at napapapikit na nang manahimik ang lahat at tumigil ang sumasampal sakin at lumuwag ang pagkakahawak saakin at sa buhok ko.

May biglang humablot saakin ata naramdaman ko ang pag angat ko saka ang mga matipunong brasong bumuhat saakin.

"Mark, list all these students' names. I-check mo muna yung cctv bago mo ipasa yung mga pangalan saakin. Make sure everyone is listed or else you know what will happen. Especially these three." si Connor...

Yun na lang ang naalala ko bago ako lamunin ng dilim.

MONTECILLO SERIES #1: Connor MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon