Ito na ang araw na luluwas ako papuntang Laguna para sa birthday ng kapatid ko. Sa makalawa pa naman yun, pero gusto ko silang i-surprise na napaaga ang luwas ko. Buti nalang at sembreak din namin.
Hinahanda ko nalang ngayon ang maleta ko at ang backpack ko nang may kumatok.
"Nica, may naghahanap sayo sa baba." si Ate Lalaine. Sinara ko na yung maleta ko at binuksan ang pinto ko.
"Sino daw?" tanong ko habang lumalabas.
"Hindi ko kilala pero gwapo!" kinikilig niyang sabi.
"Ate talaga! May anak ka na ha!" natatawa kong saway.
"Bawal kiligin? Osiya, bumaba ka na. Pupuntahan ko lang si Mimi sa kwarto" paalam ni Ate Lalaine
"Sige po. Ipaalam mo na din ako sakanya, ate." tumango naman ito at tumuloy na papunta sa kwarto nila.
Ako naman ay bumaba na sa marupok na hagdan ng apartment namin. Dala ko na din yung maleta ko para hindi na ako umakyat ulit para kunin ito.
Doon ko lang napansin si Connor na nakaupo sa sofa at may kausap sa phone. Pero nang makita niya ako ay nagpaalam na siya sa kausap niya at tumayo saka lumapit saakin at tinulungan ako sa mga bagahe ko.
"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Bawal?" pamimilosopo niya pero tinitigan ko lang siya kaya mukhang nagets niya hindi ako nakikipagbiruan. "Sasama ako sayo."
"Ha?! Anong sasama ka? HINDI!" pagbabawal ko sakanya.
"Too late, nakapag leave na ako ng 3 weeks at natawagan ko na din ang pinsan ko na siya muna ang magbantay sa university. At nasa kotse ko na din yung mga gamit ko, sayang naman kung aayusin ko lang ulit."
"Pake ko? If I know, pinaayos mo lang yang damit mo. Knowing kung gaano ka katamad lalo na sa pag aayos ng gamit." napairap pa ako habang naaalala ko kung gaano kadumi ang opisina niya pag pumupunta ako.
"Oo na, pero sasama parin ako kahit ano pang sabihin mo." magsasalita pa sana ako nang nilagay niya ang kamay niya sa bibig ko. "No 'but's, babe."
Kumabog ang dibdib ko sa tawag nito sakin. Nabalik lang ako sa katinuan ng maramdaman kong kinukuha na ni Connor ang mga maleta ko at palabas na ito. Pinapasok nito ang mga bag ko sa likod ng kotse nito. Lalapit sana ako dito nang pigilan ako nito.
"Pumasok ka na ng kotse." sabi nito. Tumango ako at sinunod nalang siya.
Hindi rin naman nag tagal ay pumasok na si Connor at nagsimula ng magdrive. Nag drive thru muna kami bago nag tuloy tuloy sa byahe.
Dahil naman sa kabusugan ko ay nakatulog ako.
...
NAALIMPUNGATAN ako nang may kumalabit saakin. Binuksan ko ang mata ko at medyo nag adjust pa sa ilaw. Nag makapag adjust na ako ay nilingon ko ang kumakalabit saakin.
"As much as I don't want to wake you up, i need to know the directions to your house." sabi ni Connor. Nilingon ko ang paligid at sa pagkakaalam ko ay nasa Laguna na kami.
"Ay oo nga pala. Sorry."
Umupo naman ako ng maayos at tinuro na sakanya ang daan papuntang bahay. Nagulat pa ako nang makita kong medyo traffic pero nang malapit na kami ay napag alaman kong fiesta pala.
Hindi rin nagtagal ay naka dating na kami sa bahay.
Nakita ko pang kakapasok lang ni nanay dala ang tambo. Marahil ay kaka-walis lang niya ng harap ng bahay.