Twenty One

32 1 0
                                    

Naglalakad ako ngayon sa corridor ng floor ng classroom ko nang marinig ko ang bulungan ng grupo ng mga babae.

"Feel na feel naman ni Danica. If I know, pangpalipas lang siya ni Mr. Montecillo. At ngayong bumalik na ang original na Danica, maghihiwalay na yan."

"Oo nga diba? Jinowa lang naman siya ni sir dahil kapangalan niya ex ni sir eh. Pero walang wala siya sa ganda ni Danica Rivera 'no."

"Oo naman. Tignan mo nga oh, dinala pa sa hotel. Told you, mamaya hiwalay na yan. Oops pangpalipas lang pala siya, kaya bakit kailangan mag break?" at nag tawanan sila. Dahil sa narinig ko ay napasilip ako at nakita kong may tinitignan silang article. Hindi ko iyon mabasa ng maayos kaya agad ko nalang pinuntahan si Jana na nasa canteen.

"Paheram phone. May issearch lang ako." agad kong sabi kay Jana nang makalapit ako sakanya. Binigay naman niya ang phone niya at agad ko iyong in-on at sinearch ang pangalan ni Connor sa internet. May mga articles na 15-20 minutes ago lang in-upload kaya yun ang tinignan ko. I read the headline.

' Connor Montecillo and Danica Rivera officially dating, again?'

Binasa ko ang article at syempre nasama ako pero hindi ang pangalan ko. They addressed me as 'The University Girl'. May mga nakalagay doon na "nag break" daw kami, hula pa nga na nag two time ako. Ako? Ako talaga?

May pictures din dun na palabas si Connor at si ex-Danica ng hotel na pag mamay-ari nila Connor. Nakatawa ang babae habang seryosong nakahawak si Connor sa bewang ni Danica, the ex. Wow! Parang last week lang kung maka-hawak siya sa katawan ko akala mo ayaw na akong mawala!

"Ano ba yang tinitignan mo?" tanong ni Jana nang mapansing tulala nalang ako. Hinablot niya iyon kaya napatingin ako sakanya. Pero bago pa niya mabasa iyon ay may tinignan siya sa likod ko at may kinawayan.

"Si Sir Connor oh! May usapan kayo?" tanong niya na nagpalaki sa mata ko. Walang lingon lingon ay agad na akong tumayo at tumakbo palabas ng canteen. Buti nalang at dalawa ang exit ng canteen.

Pero sino ba ang niloko ko? Nagpagod lang ako dahil alam ko namang maabutan niya ako. Sa height difference ba naman namin.

"Hey, baby!" tawag niya. Alam kong malapit na siya kaya mas binilisan ko ang lakad ko, lalo na't nandito kami sa gitna kung saan madaming tao.

Iisang hakbang pa sana ako nang mahawakan na niya ang braso ko. Inaalis ko yun pero nagulat ako nang hinatak niya ako at kinulong sa bisig niya. Madaming nag singhapan. Gosh! Nasa gitna kami!!

Hinahampas ko siya at tumitili pero hindi niya ako pinapayagang makawala. Wala ring nag tangkang lumapit. Si Jana ay nakita kong naka tulala lang samin.

"Bitawan mo ako! Hayop ka!" at ilang beses ko pa siyang hinampas sa likod.

"What's wrong? What did I do this time?" taka niyang tanong.

"Nag mamaangmaangan ka pa ha? Ano?" tinulak ko siya. "Bitaw nga!"

"I won't unless you tell me what's the problem." kalmado niyang sabi.

"Tanong mo sa sarili mo. Wag mo sabihing hindi mo alam dahil lahat ng tao dito alam, buti nga nalaman ko eh, kundi baka ako mag mukhang tanga na walang kaalam alam." sabi ko. Inipon ko ang lahat ng lakas ko at tinulak siya. Napaatras siya pero di niya ako binitawan.

Tinignan ko siya at nakitang nag lilibot siya ng tingin hanggang sa napatigil ang tingin niya sa isang banda at may sinenyasan. Nilingon ko iyon at nakitang may palapit na lalaki.

"What's our problem?" napa nganga ako sa tinanong niya sa lalaki. Sineryoso niya talaga na lahat ng tao dito alam.

"S-Sir, hindi ko po alam. Sorry." nanginginig na sabi nung lalaki. May sinenyasan naman ulit siya at this time ay babae na ang lumapit. Kilala ko 'to. Sikat siya dahil crush siya ng karamihan at member din siya ng cheering squad.

"What's our problem?" ulit na tanong ni Connor. Nag pacute pa yung babae bago sumagot. Tss..

"Sir, baka po yung about sa article. Pero ano naman karapatan niya magalit—" bago pa niya matuloy ang sasabihin niya ay sinamaan na siya ng tingin ni Connor.

"Shut up ang show me the article." nanginginig ang kamay na nag type ang babae sa phone niya bago yung ibigay kay Connor. Kinuha iyon ni Connor na dahilan ng pag bitaw niya sakin. Umatras ako at mukhang hindi niya iyon napansin. Nagpatuloy lang siya sa pag basa ng nakalagay dun. At unti unting nanlaki ang mata niya.

Napangisi nalang ako at tumalikod na para umalis.

Itsura ng nabuking.

Pero bago pa ako makaabante ay hinawakan na niya ang braso ko at pinaharap sakanya.

"Let me explain."

"Linya ng mga nabuking. Wala na bang bago?" i smirked at pilit inaalis ang hawak niya sa braso ko pero hindi siya nagpatinag.

"Fuck it! I'm not cheating. Baby, listen to me." he let out a loud sigh before continuing. "Yes, I was with her in a hotel. Pero hindi lang siya ang kasama ko. May meeting kami, kasama sila dad. Sila Casper. After the meeting, his dad demanded na ihatid ko siya sa kotse nila. Ayun yung nasa picture, nadulas siya kaya hinawakan ko siya sa bewang pero agad ko din naman tianggal nung naka tayo na siya ng maayos. That's all, baby. Believe me."

Pagkatapos ng lahat ng sinabi niya ay nakatitig lang ako sakanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nahihiya ako sakanya.

Oo, alam ko mali ako. Kulang ako sa tiwala sakanya. In a relationship, you need to trust each other.

Wait.. Relationship? You may be dreaming Danica.

I didn't notice my tears until he reached out to me and wiped my tears using his thumb.

"Don't cry now. Shh. I understand." pag aalo niya. Tumango tango ako at niyakap nalang siya. Sa harap ng madaming tao. Sa harap ng mga taong humuhusga sakin. Pero wala na akong pake ngayon. As long as Connor's with me, everything's fine.

MONTECILLO SERIES #1: Connor MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon